Chapter Eight

1.6K 75 25
                                    

Chapter Eight

"Sakin ka na sumakay." Agad na hinawakan ni Jaxon ang palapulsuhan ni Emma nang talikuran siya nito. Pilit namang binawi nito ang kamay pero hindi siya nagpatinag. He doesn't want to let her go like this. Nung huling beses siyang iniwan nito ay hindi na niya ulit ito nakita.

"I don't have time for this, Jaxon." Para bang pagod na pagod itong tumingin sa kanya. "I need to see my dad."

Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa palapulsuhan nito. "I can get you there faster. Let me take you."

What a funny thing to say to a racer. Pero wala na siyang ibang maisip na sabihin para kumbinsihin itong sa kanya na sumabay. Nang hindi na ito kumibo ay agad na niya itong iginiya patungo sa sasakyan niya at inalalayang sumakay.

Bago siya pumasok ay sinulyapan muna niya ang driver nito na para bang nalilito rin sa mga nangyayari.

"Saang ospital?" Tanong niya.

"S-sa... sa National Kidney and Transplant Institute." Sagot nito.

Tumango lang siya bago sumakay at sinulyapan si Emma. Kagat nito ang labi habang nakapikit at tila nagdadasal. Agad niyang inabot ang seatbelt nito at ikinabit tsaka niya pinaandar ang makina bago mabilis na pinasibad ang sasakyan.

Pinilit niyang itinuon ang atensyon sa daan at hindi na sinulyapan pa ang dalagang katabi. He doesn't trust himself around her. Ilang beses na ba siyang nawala sa wisyo dahil dito. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili. Para bang nagulo ang buong sistema niya nang makita si Emma. He had no business being here doing this shit. Dapat ay nandoon siya sa gala night para sa charity foundation ng mommy niya pero heto siya at ipinagdadrive ang isang Marquez.

Wala naman sa plano niya na pumunta rito  pero nang marinig niya ang isang grupo ng bisita nila na pinag-uusapan si Emma Salazar ay para bang natuon sa mga ito ang buo niyang atensyon. Nang malaman niya kung nasaan ito ay hindi na siya nagdalawang-isip pang sumunod. Kung bakit ay hindi niya alam. Malinaw naman na ayaw na nito ng kahit anong koneksyon sa kanya pero siya ang hindi makabitaw.

Bakit nga ba niya 'to ginagawa? Dapat ay itinulak na niya ito palayo nung una pa lang pero anong ginawa niya? He kissed her. He touched her. He let himself get lost in her eyes again. Labing tatlong taon na ang lumipas pero mukhang hawak pa rin ni Emmanuella Marquez ang lintik niyang puso.

Kumawala ang isang impit na hikbi mula kay Emma kaya't nang huminto sila sa stop light ay sinulyapan niya ito. Nakabaling ito sa bintana at nakatalikod sa kanya pero alam niyang umiiyak ito. Kinapa niya ang bulsa ng suot na suit at iniabot rito ang panyo.

Saglit nitong tinitigan ang panyo bago tumingin sa kanya.

"Use it." Itinulak niya sa kamay nito ang panyo bago muling hinawakan ang manibela.

"Bakit mo 'to ginagawa, Jaxon?" Namamaos na tanong nito. "Akala ko ba ayaw mo na 'kong makita? Then why are you here? Why are you doing this?"

Humigpit ang hawak niya sa manibela hanggang sa halos mamuti na ang palad. Hindi niya gustong sagutin ang tanong nito dahil siya mismo ay takot malaman ang sagot. Sex nga lang ba talaga ang habol niya rito? Kung iyon lang naman ay bakit kay Emma pa? Marami namang iba. He's not a saint. He had flings. Hindi man madalas dahil sa klase ng trabahong meron siya pero hindi siya nagkulang sa aspetong 'yon. Kaya bakit nga ba niya ipinipilit ang sarili kay Emma?

Sa halip na sumagot ay itinuon na lang niyang muli ang atenson sa pagmamaneho. Kailangan niya ng oras para mag-isip.

Nang malaman niya noon na umalis si Emma ay nasaktan siya. He was still grieving for the death of his mom and he needs her. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang gusto lang niya ay maramdamang karamay niya ito pero sa halip ay basta na lang itong umalis ng walang paalam.

Dangerous SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora