Chapter Eleven

1.3K 73 34
                                    

Chapter Eleven

"Patawarin mo 'ko, Emma, anak."

Napaatras si Emma nang tangka nitong hahawakan ang kamay niya. Ilang sandali siyang nakatingin lang sa ama bago siya tumalikod at dire-diretsong lumabas. May nabunggo siyang babae dahilan para kumalat ang mga dala nitong mga papel, pero wala siyang pakialam. Hindi siya tumigil at mas binilisan pa ang hakbang.

Pakiramdam ni Emma ay lumulutang siya. Wala siyang makita o marinig. Para siyang nakakulong sa isang bula at hindi niya alam kung paano makakawala.

"Emma!"

Napakurap siya nang bigla na lang may humila sa braso niya. Doon pa lang siya natauhan. Si Jaxon ang nakita niya nang mag-angat nang tingin.

"What the hell, Emma. Magpapakamatay ka ba?"

Iginala niya ang tingin sa paligid at noon niya lang namalayan na nasa kalsada na siya at muntik nang tumawid. Napalunok siya nang makitang nakatingin sa kanya ang ilang tao sa paligid. Nang akayin tuloy siya ni Jaxon ay hindi na siya pumalag pa at tahimik lang na sumunod. Nang buksan nito ang pinto ng kotse ay tsaka lang niya ito tiningnan.

"Magta-taxi na lang ako."

Hindi ito kumibo at mataman lang siyang tiningnan, para bang naninimbang.

"M-may pupuntahan pa 'ko."

"Saan? Ihahatid kita."

Napabuntong-hininga siya. Pagod na siya at wala na siyang lakas para pakipagtalo pa dito. Sa halip na ipilit ang gusto ay sumakay na lang siya. Naikabit na niya ang seatbelt nang makasakay ito.

"Saan tayo?" Tanong nito.

Tumingin siya sa labas ng bintana bago sumagot. "Sa race track."

Ramdam niya ang tingin nito pero hindi siya lumingon. Ipinikit niya ang mata at sumandal na. Bigla ay parang bumalik sa kanya ang sinabi ng ama. Hindi niya alam kung alin ang mas mapanganib: ang kasinungalingang pinaniwalaan ng lahat o ang sinikreto nitong katotohanan. Parang wala namang ipinagkaiba. From being a murderer's daughter she just became a daughter of an adulterer. Kahit siguro lumabas iyon noon ay pareho ang magiging epekto.

Sa unang pagkakataon ay nagpapasalamat siya na wala na ang mommy niya. Na namatay itong hindi alam ang totoo. Siguradong mas masasaktan ito kapag nalaman na ang lalaking minahal ay may minahal pang iba.

Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya na hindi nakapatay ang daddy niya o malulungkot dahil nagtaksil ito sa kanila? Napabuga siya nang hangin. Sumasakit ang ulo at puso niya sa kakaisip. Gusto niyang makalimutan muna 'yon kahit saglit. She needs to race. Para mabawasan kahit papaano ang...

Natigilan siya nang kuhanin ni Jaxon ang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Napatingin siya sa kamay nilang dalawa tsaka niya tiningnan si Jaxon. Seryoso itong nagmamaneho at ni hindi man lang siya sinulyapan. Muli niyang ibinalik ang tingin sa magkahawak nilang kamay. She should feel at ease. Pero kabaligtaran ang nararamdaman niya. Parang mas lalo siyang naguluhan.

Ah, bahala na! Sumandal siya at ipinikit na lang ang mata.

Hapon na nang makarating sila sa race track. Hindi na siya nagpa-abiso dahil ang sabi naman ng mga ito ay pwede siyang bumalik kahit kailan niya gusto. May inabutan silang karera kaya iginiya muna siya ng isa sa staff ng McLaren sa tent ng mga ito para doon manood.

"When did you start racing?"

Nilingon niya si Jaxon. Para bang komportable ito sa pwesto. Nakasandal ito habang ang isang braso ay nakalagay sa likod ng inuupuan niya.

Dangerous SecretOù les histoires vivent. Découvrez maintenant