Chapter Twenty-Five

2.2K 85 38
                                    

Chapter Twenty-Five

Jaxon thought everything was back to normal. Nang ayain niya ng kasal si Emma ay saglit niyang nakalimutan na hindi pa nga pala ayos ang lahat. The reminder came a week after his proposal.

"What the hell happened?" Bungad niya nang dumating siya sa opisina at maabutang hindi maipinta ang mukha ng lahat.

Si Bob ang sumagot sa kanya. "Nagkaroon ng aberya sa Team Romeo habang naka-undercover. Nasa ospital si Iris ngayon habang malala ang lagay ni Alf."

Napaupo siya sa narinig. Well, shit! Sakto namang pumasok si Chief Salvador. Inilapag nito ang hawak na folder sa mesa pagkatapos ay natigilan nang makita siya.

"What are you doing here, Snipe? Akala ko malinaw ang usapan natin na hindi ka pwedeng pumasok dito nang walang legal na dokumento."

Tumayo siya ng tuwid, pinaghiwalay ang binti at inilagay ang kamay sa likod. "Sir—"

Umiling ito at itinuro ang pinto. "Sorry agent, but you need to leave. I'm just following our protocol. Alam mo 'yan. Dalawang beses na kitang pinagbigyan but not this time. Masyadong sensitibo ang impormasyong 'to para sa sibilyan."

Nagtiim-bagang siya. Shit! Tama naman ito. Alam niya ang patakaran. Naka-indefinite leave pa rin siya hanggang ngayon kaya alam niyang wala siyang karapatan na sumama sa misyon.

"Pasensyahan tayo, agent." Seryosong itinuro ni Salvador ang pintuan at kahit na labag sa loob ay agad siyang sumaludo tsaka tumalikod at lumabas. Kuyom ang kamao at naka-tiim ang bagang niya habang naglalakad palabas ng kampo. Sa unang pagkakataon ay hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang bawiin ang leave at sumama sa misyon. Pero kapag naiisip niyang sasabak na naman siya at maiiwan si Emma ay bumabaligtad ang sikmura niya.

Noong nagdesisyon siyang maging undercover agent at magtraining bilang marksman ay thrill lang talaga ang habol niya. He likes the danger that comes with every mission. Para bang binubuhay n'on ang dugo niya. Wala siyang pakialam noon kung bawat misyon ay katapusan na niya. Ang importante lang sa kanya ay magawa ng tama ang misyon at protektahan ang bawat kasamahan. He could care less about himself. Nakatanim na rin sa sistema niya na handa niyang isugal ang buhay para sa mga kasamahan. That was how he was trained.

Pero ngayon ay may nakakapa na siyang takot. Hindi para sa sarili kundi para kay Emma. Paano kapag may nangyaring masama sa kanya? Paano na si Emma?

Labag man sa loob ay tuluyan na siyang humakbang palabas ng kampo at hindi na lumingon pa. Ngayon lang niya tatalikuran ang sinumpaang tungkulin para tuparin ang pangakong binitawan naman niya sa babaeng pakakasalan. He'll stay with her. His moral and responsibility be damned!




NAPABUGA NG HANGIN si Jaxon nang matanaw si Emma na bumaba ng race car nito. Pakiramdam niya ay ngayon lang siya nakahinga nang maluwag. Kahit na ilang beses na niyang napanood ito sa race track ay parang hindi pa rin nasasanay ang puso niya sa kaba. Damn! What is happening to him? Bakit ngayon ay ang dami na niyang kinatatakutan?

Ilang minuto pang nakipag-usap at nakipag-kamay si Emma sa mga kasama bago ito nagpaalam. Kilik nito sa tagiliran ang helmet habang naglalakad kasabay ang assistant nitong si Irene. Nang makita siya nito ay agad siyang ngumiti at kumaway dito. Parang bata naman na nagtatakbo ito palapit sa kanya at sinunggaban siya ng yakap.

"Akala ko ba magtatagal ka sa opisina? Why are you here?"

"Hindi naman nila 'ko kailangan. They can handle it." Hinawi niya ang buhok nito at dinampian ng halik sa noo. "How was your day?"

"Okay naman. Nag test-drive lang ako ng mga legacy model ng McLaren's. They'll start to introduce the new models in the Philippine market by the end of the year."

Dangerous SecretМесто, где живут истории. Откройте их для себя