Chapter Fourteen

1.3K 77 45
                                    

Chapter Fourteen

Napangiwi si Emma nang kumirot ang putok na labi dahilan para mapangiwi rin ang paramedic na gumagamot sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung naaawa ito sa kanya o natatakot ito sa lalaking nakatayo sa gilid at nanonood sa kanila.

Sinulyapan niya si Jaxon. Nakahalukipkip ito habang seryosong nakatingin sa bawat kilos ng medic. Pati tuloy siya ay nai-intimidate sa tingin nito kaya hindi niya masisisi kung pati ang propesyunal na binata ay kinakabahan dito.

"Can you leave us alone? You're scaring us." Saway niya rito.

Nagtiim-bagang lang ito at para bang mas naging tensyonado pa. Tumikhim siya at ibinaling na lang ang tingin sa paligid.

Bukod sa grupo ni Jaxon ay may dumating na rin na mga sundalo at lokal na pulisya. Tatlong pasahero ang sugatan at isinugod sa ospital habang ang iba na gasgas lang ang tinamo ay dito sa nakaantabay na ambulansiya ginagamot pagkatapos ay kukuhanan ng statement bago ihahatid pauwi. Tatlo sa mga suspek ay namatay sa engkwentro habang ang iba ay hindi niya alam kung saan dinala.

Muli tuloy bumalik sa isip niya ang mga nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Kung hindi dumating ang grupo ni Jaxon ay baka kung ano nang nangyari sa kanilang lahat. Napapikit siya nang muling gumapang ang takot sa kanya.

"Okay na po, Ma'am." Magalang na ngumiti ang binatilyo tsaka ito tumayo at umakyat sa loob ng ambulansya.

"Thank you." Tumayo na rin siya pero muli ring napaupo nang bumigay ang tuhod. Sa isang iglap ay nasa tabi na niya si Jaxon. Naupo ito sa tabi niya at ipinulupot ang braso sa kanyang bewang.

"Ayos ka lang? Anong masakit?"

Bigla ay para bang muling nabura ang takot niya at sa halip ay hindi niya mapigilang matawa sa hindi maipintang mukha nito.

"You're overreacting. I'm okay. Malayo 'to sa bituka." Biro niya para paga-angin ang ere  pero lalo namang naging seryoso ang mukha ni Jaxon.

"What are you doing here, Emma? At bakit mag-isa ka?"

"Ikaw, bakit nandito ka?"

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. Nagulat tuloy siya na hindi niya napansin kanina na naka-camouflage ito at may suot ring vest. Napakurap siya.

"Sundalo ka?"

Umiling ito. "I'm not."

"Bakit nakaganyan ka?" Muli niyang pinasadahan ang suot nitong camouflage.

"To blend in." Tipid na sagot nito tsaka muling bumalik sa pagiging stoic ang mukha. "Now, it's your turn. What are you doing here, Emma?"

Umalma siya. "Hindi mo pa ko sinasagot ng maayos."

"I asked you first."

Napabuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin. Kahit na wala naman siyang rason para magpaliwanag ay para bang obligado siyang sabihin kung bakit.

"I'm looking for someone."

Ilang sandali itong tahimik bago nagsalita. "Tungkol ba 'to sa nangyari noon?"

Tumango na lang siya. "I was told that my dad's lawyer lives here. Kailangan ko siyang mahanap. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari."

"You should've told me, Emmanuella. Hindi 'yung aalis ka ng mag-isa. Alam mo ba kung anong nangyari sayo kung hindi kami dumating? You could've died!"

Napapiksi siya nang tumaas ang boses nito. Idagdag pang binaggit nito ang buong pangalan niya.

"I know. Believe me, I know. Akala ko nga talagang mamatay na 'ko. Kaya please lang, 'wag mo na 'kong awayin, Jaxon."

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now