Chapter Seven

1.4K 85 31
                                    

Chapter Seven

Maang na napatingin si Emma kay Jaxon. Did she hear him right? Did he seriously ask her to be his woman? Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Ilang beses pa ba siyang gugulatin ng lalaking 'to? Tama nga siya. Hindi na niya ito kilala. The thirteen years they spent apart changed him. It changed her too. Dati siguro, papayag siya sa gusto nito. Pero ngayon?

Naiiling na binawi niya ang braso tsaka diretsong sinalubong ang tingin nito.

"I'll pretend I didn't hear that."

Napasinghap siya nang hawakan nito ang siko niya at hilahin siya palapit. "Bakit? Akala ko ba gagawin mo ang lahat?"

Napalunok siya sa galit na nabanaag niya sa mukha nito.

"A-anything but this, Jaxon."

"May iba ka na ba? May magagalit ba?"

Nagtagis ang bagang nito at mas hinila pa siya palapit. Nasasaktan siya pero hindi niya maisatinig. Sa totoo lang ay hindi niya maintindihan ang ipinupunto nito. Why is he so hell bent on making her suffer? Ganun ba katindi ang galit nito? Kinagat niya ang labi. Stupid her! Siyempre galit pa rin ito. Walang sapat na panahon para maghilom ang sugat na ibinigay nila.

Dumiin ang hawak nito sa siko niya at inilapit ang mukha na halos magdikit na ang ilong nila. Bawat hinga nito ay tumatama sa kanyang mukha at napapikit siya.

"Why are you making this hard for me, Jaxon?"

"You're making this hard." Sagot nito tsaka siya ipinihit at isinandal sa sasakyang nakaparada roon bago idinikit ang ibabang parte ng katawan sa kanya. Napamulat siya nang maramdaman na naman sa puson niya ang kahandaan nito.

"J-Jaxon," namilog ang mata niya nang lalo nitong ilapat ang katawan sa kanya. "Why are you doing this?"

Umangat ang gilid ng labi nito bago inilapit ang mukha. Pigil ang hiningang hinintay niyang lumapat ang labi nito sa kanya pero sa halip ay umiwas ito at sa tenga niya dumiretso.

"Gusto kitang tanggalin sa sistema ko. Parusahan ka dahil ang lakas ng loob mong magpakita sakin."

Nakagat niya ang labi. His voice was laced with disdain. Ramdam na ramdam niya ang galit nito.

"If you want my forgiveness then be my woman."

Bakit naman kasi sa dami ng pwede nitong hilingin ay 'yon pa. Gusto ba talaga nito na sirain na rin ng tuluyan ang buhay niya? Dahil iyon ang mangyayari sa oras na pumayag siya. Hindi lang katawan niya ang makukuha nito dahil paniguradong pati puso niya ay kasama. Is she ready for that? Being involve with him will definitely ruin her. Baka wala ng matirang kahit ano para sa kanya.

Umiling siya. "I... I can't."

Ilang minuto itong tahimik bago ito humakbang paatras. She suddenly shuddered in the numbing coldness she felt. Para bang dinala ng katawan nito ang lahat ng init.

Niyakap niya ang sarili at lakas loob na tiningnan ang mukha nito. Saglit niyang nasulyapan ang lungkot sa mukha nito bago iyon napalitan ng galit.

"Then do me a favor, Emma. Never show yourself in front of me again." Pagkasabi ay tumalikod na ito at naglakad paalis.

Para bang nanginig ang tuhod niya at agad na napaupo. Tama lang naman ang ginawa niya hindi ba? Ngayon pa nga lang ay nanghihina na siya. Paano pa kapag hinayaan niya ang sarili na mapalapit na naman dito? Baka hindi na niya kayanin pang bumawi. Nahirapan na siya noong una niya itong iniwan. Kapag naulit pa 'yon ay hindi na niya alam kung ano pang mangyayari.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now