Chapter Twenty-Three

939 50 24
                                    

Chapter Twenty-Three

Hinawi ni Jaxon ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ni Emma tsaka inipit 'yon sa likod ng tenga nito. Marahan niya ring pinunasan ang natuyo nitong luha sa pisngi. Nakatulugan na ni Emma ang pag-iyak at wala siyang ibang nagawa kundi ang hayaan lang itong umiyak sa bisig niya. He hates seeing her cry. Ginigising no'n ang primal instinct niya na saktan ang sinumang dahilan ng pag-iyak nito.

Pinadaanan niya ng daliri ang labi ni Emma at inilapat ang palad sa pisngi nito. He probably looks like a creep. Mula nang makatulog ito ay inubos na niya ang oras sa pagtitig sa mukha nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na narito si Emma kasama niya. It felt surreal. Para bang panaginip na narito ito ngayon, yakap niya at tahimik na natutulog sa kama niya. Kahit na hindi ito ang unang beses ay hindi pa rin siya makapaniwala.

Hindi niya akalain na mangyayari pa ang bagay na'to ngayon. Sa kabila ng lahat ng pagsubok na kinakaharap nila ay ipinagpapasalamat pa rin niya na nabigyan silang dalawa ng pagkakataon. Nabigyan siya ng pagkakataon. Hinding-hindi na niya hahayaang mawala pa ulit sa kanya si Emma. He will protect her at all cost. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay ililihim niya rito ang totoo.

Mas kinabig niya ito palapit at muling pinatakan ng halik sa noo. Ilang araw niyang pinag-isipan kung sasabihin ba niya kay Emma ang nalaman tungkol sa naging imbestigasyon sa nangyaring pamamaril. Seeing her hurting now made him realize that he made the right decision by not telling her the truth. Hindi na nito kailangang malaman ang posibleng involvement ng daddy nito sa sindikato. Hindi niya hahayaang mas masaktan pa itong lalo.

"Jaxon." Ungot nito at mas isiniksik pa ang katawan palapit sa kanya. Ipinulupot niya ang braso rito at muling hinalikan ang noo.

"I'm here, babe." Pag-aalo niya.

Hinintay niyang mas lumalim pa ang tulog nito bago siya dahan-dahang bumangon. Dinampot niya ang cellphone tsaka siya lumabas ng kwarto. Nang makarating sa kusina ay doon niya pa lang idinayal ang numero ni Gin.

"Gin."

"Sir?"

"Kailan ang press release ng resulta ng imbestigasyon?"

"Bukas, sir. Itu-turn over ko na po kay chief ang lahat ng nakalap ko."

"Listen Gin, I want you to do me some favor."

"Ano po 'yon, sir?"

"Hold off any information you got about the Belial."

"Sir?"

"President's order. Kailangan pa ng mas mabusising imbestigasyon tungkol dyan. Hindi biro ang nakuha mong impormasyon. My team will handle this. Got it?" The lies just roll off his tongue. Ni hindi siya nakaramdam ng guilt na ginamit niya ang pangalan ng ama. This needs to be done. Hindi niya hahayaang masaktan pa si Emma. Not if he can control it.

"Copy, sir!"

"Good. Keep this—" Natigilan siya sa pagsasalita nang makarinig ng mumunting yabag papalapit ng kusina. Agad siyang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig. "Keep this between us. Do I make myself clear?"

"Crystal."

Nang maibaba niya ang tawag ay noon naman sumungaw si Emma sa kusina.

"Jaxon?"

"Babe, bakit gising ka na? Sorry, nagising ba kita? Uminom lang ako ng tubig."

"Wala ka sa tabi ko."

Something inside him growl. He loves that. Selfish man ang dating pero gusto niya na natututo na si Emma na dumepende sa kanya.

"Come on, let's get you back to bed."

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now