Chapter Twenty-Four

946 52 13
                                    

Chapter Twenty-Four

Wala na sanang balak si Emma na kumprontahin pa ang tito Maximus niya. Kung ano man ang dahilan nito kung bakit nito dinalaw ang daddy niya ay wala na siyang pakialam. Iyon sana ang nabuo niyang desisyon. Pero nang tumawag ito para makipagkita ay para bang gusto niya itong tanungin.

"How are you doing, mi princesa?"

Ibinaba niya ang hawak na chopstick at pilit na ngumiti. She loves it when he calls her my princess. Ang tito Maximus na niya ang tumayong pangalawang ama sa kanya. Ito ang naging kasangga niya sa bawat pagsubok na pinagdaanan mula nang mamatay ang mommy niya. He always got her back no matter what. Malaki ang utang na loob niya sa tiyuhin at wala siyang dahilan para pagdudahan ito.

"I'm not okay, tito Max. But I'll be okay. I just need more time."

"Hindi ka pa ba sasama sakin pabalik?"

"Not yet. I ended up agreeing to be McLaren's endorser. Baka mag-stay pa 'ko ng mga ilang buwan."

Tumango-tango ito. "Alright, papupuntahin ko si Irene dito. And that's non-negotiable, Emmanuella."

Hindi na niya napigilan ang pag-guhit ng ngiti. "Just Irene then. Wala nang bodyguards."

Saglit itong nag-isip bago bumuntong-hininga. "Fine. But where are you staying? Sa bahay pa rin ba ni Victoria?"

Dinampot niyang muli ang chopstick at pinaghiwa-hiwalay ang mga gulay na nasa plato niya.

"No. I'm not staying with her anymore." Hindi niya alam kung alam ba ng tito niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ni tita Vicky. Kung hindi man ay wala na siyang balak na banggitin pa iyon dito.

Hindi ito kumibo at nang sulyapan niya ay naka-kunot ang noo nito.

"Don't tell me you're staying with that... boy."

Natawa siya. She wouldn't call Jaxon a boy.

"You are?" Namilog ang mata nito.

Nakibit na lang siya ng balikat at hindi na tumanggi pa. Her silence was already a dead giveaway. Kilala niya ang tiyuhin at alam na niyang ganito ang magiging reaksyon nito. Old-fashioned ito at naniniwala na dapat ay kasal muna ang dalawang tao bago magsama. Apat na babae ang anak nito kaya pati siya ay nadadamay sa paghihigpit ng tiyuhin. Sa kanya palagi naglalabas ng hinaing ang mga pinsan kaya alam na alam niya ang ugali ng tiyuhin.

"I'll get you your own condo. Move out of his house." Umiling-iling ito. "I can't belive you, Emmanuella. Hindi kita ganito pinalaki. Tell that Alonzo boy I want to meet him. My flight is tomorrow night so make sure he makes time for me."

Napapangiting tumango na lang siya habang nakikinig sa litanya nito. Kasalanan daw siguro ng mga pinsan niya. Nahawa raw siya sa mga kalokohan ng mga ito. Nasundan pa iyon ng pamilyar na linya nito tungkol sa kasal at pag-aasawa. Nakangiti naman siya habang nagsesermon ito. Kahit papaano ay masaya siya na lumaki siyang may tinitingalang pangalawang ama. Ganito rin kaya ang magiging reaksyon ng daddy niya kung sakali? Paghihigpitan din kaya siya nito?

A familiar pang of loneliness engulfed her. Hanggang ngayon ay masakit pa rin para kay Emma ang pagkawala ng daddy niya at hindi niya alam kung mawawala pa ba ang sakit.

"Don't get me wrong, mi princesa, I have nothing against that boy. O kahit na sino sa mga Alonzo. Matalik na magkaibigan ang mommy Beatrice mo at si Nicholas. At some point, inakala naming lahat na sila ang magkakatuluyan. But then your mom met your dad and the rest was history."

Kapansin-pansin ang biglang pananahimik ito. Hindi nakaligtas kay Emma ang biglang pagdilim ng mukha ng tiyuhin. Gusto niyang tanungin ito tungkol sa maraming bagay pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya alam kung kakayanin ba niya kapag pati ang ito ay may itinatagong sikreto.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now