Chapter Nineteen

1.2K 58 29
                                    

Chapter Nineteen

"Sir,"

Nagsalubong ang kilay ni Jaxon nang iharang ni Santiago ang sarili sa pagitan niya at ng pinto sa opisina ng ama. Bigla ay parang nag-init ang ulo niya. Nagtatagis ang bagang na sinubukan niyang humakbang pero hindi naman nagpatinag ang head ng security team ng ama.

"What is this about?" asik niya rito. Ngayon lang siya hinarang ng mga ito sa pagpasok sa opisina ng ama. And something about that doesn't sit well with him. Bakit ayaw siyang makusap nito?

"I got an order not to let you in." Sagot nito.

Ikinuyom niya ang kamao. Wala siyang oras para makipaglokohan sa mga ito. Humakbang siya at binangga ang balikat ni Santiago. Nang maramdamang may humawak sa balikat niya ay awtomatikong kumilos ang katawan niya. Out of instinct, he grabbed the hand, spun around and twist it. Tila nahulaan naman ni Santiago ang gagawin niya dahil mabilis itong nakawala. Nagsukatan sila ng tingin at alam ni Jaxon na hindi siya makakapasok sa loob hangga't hindi niya napapabagsak si Santiago. Inilibot niya ang mata at napangisi. Scratch that. Hindi siya makakapasok hangga't hindi niya napapabagsak isa-isa ang buong security team ng ama. It's him against twelve.

Para namang nabuhay ang dugo niya sa naisip. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling sumabak sa hand to hand combat. Sa bawat misyon ay baril ang hawak niya. It's been so damn long, the possibility of getting into a fist fight thrills him.

"Isa-isa lang, mahina ang kalaban." Aniya nang simulang luwangan ni Santiago ang necktie na suot. Ipinaikot nito sa kamao ang kurbata tsaka pumorma. Naiiling na tumaas ang sulok ng labi niya. Ilang sandali silang nagkasukatan ng tingin. Nagtatantiyahan kung sino ang unang kikilos. Nauna itong sumugod. Agad naman niyang nasalag ang kamao nito na dapat ay susuntok sa sikmura niya. Nagpakawala siya ng suntok at tumama iyon sa tagiliran nito. Ni hindi nito ininda ang suntok niya at sa halip ay muli ring sumuntok. Agad niyang iniharang ang kanang braso tsaka sumuntok gamit ang kaliwa. Dumaplis iyon sa panga nito dahilan para mapaatras ito.

Ngumisi siya. "If you know what's good for you, Santiago, then I'd say you back off."

Hinaplos nito ang panga pero tila hindi naman papatalo dahil muling pumorma. Punches after punches were thrown. Dumugo na ang labi ni Santiago pero hindi pa rin ito tumigil. 

Hindi niya alam kung pagod na ito o sadyang hindi ito nagseseryoso sa laban dahil bara-bara ang sunod na kilos nito. Nakakita tuloy siya ng pagkakataon. Ni hindi nakakibo si Santiago nang sa isang iglap ay nakadikit na ang mukha nito sa sahig habang ipinilipit niya sa likod ang braso nito.

"Jaxon!" Dumagundong ang boses ng ama. Nang lingunin niya ito ay pulang-pula ang mukha nito sa galit. Wala na itong sinabi at muli ng tumalikod. Pinakawalan niya si Santiago at tinulungan itong tumayo bago siya sumunod sa ama.

Pagkapasok pa lang niya ay isang malakas na sipa ang tumama sa binti niya. Napangiwi siya ng gumihit ang kirot pero hindi siya nagpatinag. Si halip ay sinalubong niya ang masamang tingin ng ama.

"What the hell do you think you're doing?" asik nito. "Hindi mo ba alam kung nasaan tayo? This is my wokplace. Hindi ka dapat gumagawa ng gulo rito at nakikipagbugbugan sa mga tao ko."

Nagtiim-bagang siya. Alam niya kung anong mali sa ginawa pero wala siyang pagpipilian. Hindi na siya makakapaghintay. He let this slide for a week just so he can stay with Emma. Kahit pa nga kating-kati na siyang kumprontahin ang ama ay nagpigil siya.

"Did you do it, dad?" diretsong tanong niya. Natigilan naman ito at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Magkahalong dismaya at galit ang nababasa niya sa mukha nito, pero wala siyang pakialam. Isa lang ang importante sa kanya ngayon at iyon ay ang malaman ang totoo.

Dangerous SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon