Chapter Thirteen

1.3K 75 37
                                    

Chapter Thirteen

Bumaha ang liwanag sa kwarto ni Emma at kahit nakapikit ay para bang nasilaw siya. Umungol na ibinaon niya ang mukha sa unan at pilit na muling nagpahila sa antok.

"Emma?" Naramdaman niyang lumundo ang gilid ng kama na sinundan nang mabining tapik sa kanyang braso. "Hindi ka pa ba nagugutom? Kahapon ka pa hindi kumakain."

Bigla siyang inusig ng konsensiya nang marinig ang nag-aalalang tinig ng tiyahin. Mula nang umuwi siya kahapon ay wala siyang narinig mula rito. Ni hindi ito nagtanong kung bakit dalawang araw siyang hindi umuwi. Alam niyang nag-aalala ito pero hindi niya iyon pinansin. Sa dami kasi nang nangyari at nalaman ay para bang nayanig ang mundo niya. Hindi alam ni Emma kung paano haharapin ang lahat ng iyon kaya pinili na lang niyang mapag-isa.

Nakalimutan tuloy niya na may mga tao nga palang nag-aalala sa kanya. She was busy licking her own wound that she failed to see   other peoples pain.

Pinilit niyang bumangon at maupo. Para namang nagliwanang ang mukha ng tita niya nang makita siya.

"How are you, hija?"

"Ayos lang po ako. I'm sorry kung pinag-alala kita."

Ginagap nito ang kamay niya. "Just don't forget that I'm here for you, hmm. You can tell me anything. Isipin mo na lang na barkada mo ako." Humagikhik ito at tila nahiya sa sinabi.

Napapangiting tumango siya. Sa totoo lang ay hindi na siya sanay sa ganito. It's been eleven years without her mom. Kahit naman hindi nagkulang ang tito Maximus niya ay iba pa rin ang alaga ng isang ina.

"Magpapa-akyat ako ng pagkain kay Manang Sally. Kumain ka kahit konti."

"It's okay, Tita. Bababa na lang po ako."

Tila natuwa naman ito. "Sige. May gusto ka bang kainin? Kaldereta? Kare-Kare? Teka at magpapaluto ako." Umiling ito at tumayo. "Ah, hindi. Ako na mismo ang magluluto."

Tumalikod na ito pero hindi pa man nakakahakbang ay muli na siyang nilingon.

"Dadalawin ko ang daddy mo mamaya. S-sasama ka ba?"

Napahawak siya nang mahigpit sa kumot at nagbaba ng tingin. Truth be told, she's feeling hesitant to see her dad. Pero kung titiisin na naman niya ito ay siya lang din naman ang mahihirapan. Hindi pa niya alam kung anong mararamdaman sa nalaman tungkol sa affair ng daddy niya. Oo nga't nakalipas na 'yon pero nananatili ang katotohanang niloko sila nito. Sa tuwing naiisip niya kung gaano katagal ay para bang bumabaligtad ang sikmura niya.

She always adore her parents relationship when she was a kid. Perpekto para sa kanya ang pagsasama ng magulang. Ni hindi niya nakitang nag-aaway ang mga ito. Tapos ngayon ay malalaman niyang may relasyon ito kay Maria Alonzo? Just that thought was enough to break her heart.

Nasasaktan pa rin siya pero hindi niya kayang tiisin na naman ang ama.

Huminga siya nang malalim tsaka tumingin sa tita niya. "Tita, can I ask you a question?"

"Oo naman. Ano 'yon?"

"Tungkol kay Dad." Kinagat niya ang labi, hindi alam kung paano sisimulan. Is there a better way to ask about it? Kahit saang anggulo yata ay walang magandang paraan para itanong ang tungkol doon. "A-anong relasyon niya kay... kay Maria Alonzo?"

Para bang nabigla ang tita niya. Namilog ang mata nito at ilang sandaling tahimik bago ito bumuntong-hininga at muling naupo sa gilid ng kama.

"It was an ill-fated relationship."

Napakunot-noo siya. "What do you mean?"

"Her family is a family friend of your Lolo. Magkababata ang daddy mo at si Maria. Natatandaan ko nga na palaging nasa bahay iyon noon. Hindi ko nga lang naka-close dahil ayoko sa ugali. Masyadong mataas ang ere. Anyway, ayon na nga, akala naming lahat sila ang magkakatuluyan pero biglang iniwan ni Maria si kuya at nag-artista. Mas maigi pa nga ang estranghero kapag nakita mo, ngingitian ka. Pero si Maria? Naku, ni hindi lumingon o tumingin man lang sa nakaraan. And then your dad met your mom in college. It was the start of beautiful relationship. Mabait kasi ang mommy mo kaya botong-boto ang buong pamilya namin sa kanya."

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now