Chapter Eighteen

1K 65 39
                                    


Chapter Eighteen

The past hours were like a blur to Emma. Ni hindi niya alam kung paano siya nakarating sa ospital. Tulala lang siya sa isang sulok habang paulit-ulit na binabalikan sa isip ang nangyari. Ang mga sigawan, ang nagkakagulong mga tao at higit sa lahat ay ang pagbagsak ng daddy niya. She was beyond terrified. Hindi maikukumpara ang takot na naramdaman niya nang malagay sa alanganin nung nakaraang linggo sa nangyari ngayong araw. Seeing her dad bleeding and unresponsive terrified her. Hindi pa siya handa na mawala ito.

Sinubukan niyang ikuyom ang palad pero hindi niya iyon maigalaw. Bumaba ang tingin niya sa kamay at natigilan nang makita ang natuyong dugo roon. Napahikbi siya at kahit na nanginginig ay sinubukan niyang alisin ang dugo. Pinagkiskis niya ng kamay at nang hindi pa rin maalis ay ikinuskos na niya ang palad sa suot na pantalon.

Tumigil lang siya nang may lumuhod sa harap niya at hinawakan ang kamay niya. Para siyang nabikig sa emosyon nang makita si Jaxon. Wala itong sinabi at sa halip ay pinunasan lang ng basang panyo ang palad niya. Kinagat niya ang labi at mariing pumikit. Ayaw sana niyang umiyak. Ayaw niya dahil naniniwala siyang kakayanin 'to ng daddy niya. Na lalaban 'to at hindi pa ito ang huli. But seeing Jaxon now makes her want to weep like a child.

"Jaxon. M-my dad... a-anong gagawin ko, Jaxon. I can't lose him like this."

Agad na naupo si Jaxon sa tabi niya tsaka siya kinabig at mahigpit na niyakap. "He'll be fine, Emma. Your dad is a tough man. Kakayanin niya 'to. Kaya nga kailangan mo ring maging matatag para sa kanya."

Tumango siya at tahimik na umiyak. Ayaw man niyang aminin pero talagang natatakot siya sa pwedeng mangyari. Takot na takot. Hindi pa siya handa na mawala ang daddy niya. Hindi pa. Masyadong pang maaga. Gusto pa niyang makasama ito. Gusto niyang maranasan na maging anak nito. Gusto niyang bumawi sa lahat ng pagkukulang at iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Alam niyang nagiging makasarili siya sa iniisip. Hindi pa rin naman kasi nagbabago ang katotohanang may sakit ito. Kung makaligtas man ngayon ay hindi nangangahulugan iyon na tapos na ang laban nito. He will only live to face another battle. Patuloy itong mahihirapan.

Alam 'yon ni Emma. Alam na alam niya. Pero kahit ganoon ay gusto pa rin niya itong makasama. If someone will criticize her for her selfishness then they are free to do so. Alam niyang bilang na ang araw ng daddy niya pero hindi dapat ganito. Dapat ay maranasan man lang nitong mabuhay ulit sa labas ng selda, makalanghap ng sariwang hangin, gawin ang mga bagay na gusto nitong gawin at higit sa lahat ay maramdaman ulit na mayroon itong pamilya. Na mayroon itong anak.

Nilamukos niya ang damit ni Jaxon at mas ibinaon pa ang mukha sa dibdib nito tsaka niya ibinuhos ang lahat ng luha.Hinayaan lang siya nito at masuyong hinaplos ang likod niya habang bumubulong ito na magiging maayos rin ang lahat.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal na gano'n pero wala siyang narinig na reklamo kay Jaxon kahit pa basang-basa na ng luha niya ang damit nito. Bahagya na siyang lumayo nang kumalma at yumuko para itago ang mukha niya rito. Hindi naman ito pumayag. Hinawakan nito ang baba niya at ito na rin mismo ang nagtuyo ng luha niya at nagpunas ng mukha niya.

"What the hell are you doing here?"

Parang kulog na nangibabaw ang boses ng tita Vicky niya. Sabay tuloy silang napalingon sa gawi nito. Bagama't namamaga ang mata sa pag-iyak ay nanlilisik pa rin ang tingin nito kay Jaxon.

Nang makalapit ay agad nitong itinulak-tulak sa balikat si Jaxon. "Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita rito."

"Tita," kahit na nanlalata ay agad siyang tumayo para pigilan ang tiyahin sa paggawa ng eksena. Pero hindi naman ito nagpapigil at hinablot pa ang braso ni Jaxon.

Dangerous SecretKde žijí příběhy. Začni objevovat