Chapter Twenty-One

713 47 26
                                    

Chapter Twenty-One

"Ma'am, dalhin ko na po kayo sa clinic."

Umiling si Emma at ipinagpatuloy ang pagdampot sa mga gamit ng daddy niya. Hilam na hilam siya sa luha at kahit anong palis niya ay patuloy 'yon sa pag-agos. Ang gusto niya lang sa ngayon ay makaalis sa lugar nito. Pakiramdam niya ay kakapusin siya sa hangin kapag nanatili pa siya rito. Matapos makalap ang lahat ng gamit ay tumayo na siya at nagmamadaling naglakad palabas. Ni hindi na niya tinapunan ng pansin ang correctional officer na nakasunod sa kanya.

Nang makarating sa sasakyan ay agad niyang inilagay sa passenger seat ang gamit ng ama bago siya sumakay.

She was ready to storm out of this place but then she couln't. Nanatili siyang nakatulala at hindi alam kung anong sunod na gagawin. Habang tumatagal ay para bang unti-unting bumabangon ang galit sa buong pagkatao niya. The possibility that someone they know did this is enough to make her blood boil. Sa sobrang galit ay halos manginig ang katawan niya. She was fuming mad. At hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang lahat ng nararamdaman.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela hanggang sa mas bumaon ang mga bubog na nasa palad niya. She was bleeeding but she could care less. Mas matindi ang galit at poot na nararamdaman niya para indahin pa ang mga sugat niya.

Nang tumunog ang cellphone niya at makitang tumatawag si Jaxon ay napahikbi siya. Bigla ay parang nakahanap siya ng kakampi. Ni hindi na siya nakapagsalita nang sagutin ang tawag dahil tanging hikbi lang ang kumawala sa labi niya.

"Emma? What happened?" He growled and—as childish as it is—she found comfort with that.

Gusto niyang sabihin dito ang nalaman pero ni hindi niya magawang magsalita. Tanging hikbi lang ang naging sagot niya hanggang sa mauwi 'yon sa paghagulgol. Sunod-sunod na mura ang narinig niya kay Jaxon habang panay ang tanong nito kung anong nangyari at kung anong problema. She's probably freaking him out and she felt bad for that. Kaya lang ay hindi niya talaga mapigilan ang sarili.

"Where are you? Nasa HMP ka pa? Shit! Don't fucking go anywhere, Emma. Stay there. I'm coming."

Jaxon stayed on the line the entire time. Listening to her weep while comforting her at the same time. Ni wala itong ideya kung bakit siya umiiyak pero panay ang patahan nito sa kanya. Nang pumarada tuloy ang motor nito sa tabi ng kotse niya ay halatang tensyonado ito. Binuksan nito ang pinto ng kotse niya at natigilan nang makita siya.

"Jaxon."

Sunod-sunod na mura naman ang binitawan nito bago ito lumuhod. "What the hell? Anong nangyari? Sinong may gawa nito?" Hinubad nito ang suot na jacket bago kinuha ang kamay niya 'tsaka ibinalot 'yon. "You're bleeding, Emma. What the fuck happened?"

Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at muling pumalahaw ng iyak. Niyakap naman siya ni Jaxon habang panay ang haplos sa likod niya.

"Babe, you need to tell me what's wrong."

Matagal bago siya nakalma at nang tuluyang tumigil ang hikbi niya ay tsaka niya ikinwento kung anong nangyari. Tahimik si Jaxon habang nakikinig at nang matapos siya ay halatang nagpipigil ito ng galit.

"Kailangan kong malaman kung sino ang bumisita kay dad, Jaxon. I need to know."

Ni hindi na niya kailangang magdalawang salita. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Pagkatapos ay muli itong bumaling sa kanya.

"He said to give him thirty minutes. Let's get you to the hospital first."

Aapela pa sana siya pero sa talim ng tingin ni Jaxon ay hindi na siya nagreklamo pa.Pinalipat siya nito ng upuan at ito na mismo ang nagmaneho. Ni hindi tumagal ng sampung minuto ay nasa harap na sila ng ospital.

Wala rin siyang nagawa nang kargahin siya nito papasok sa loob. Halos dumagundong ang boses nito sa paghahanap ng doktor dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa kanila. Shit! Kasalanan niya ito. She freaked him out by crying like a lunatic and now he was overreacting.

Dinaluhan sila ng isang nurse at iginiya sa bakanteng hospital bed bago nito sinimulan ang pagtatanong kung anong nangyari. Nang sa wakas ay dumating ang doktor at sabihin nitong kailangang tahiin ng ilan sa sugat dahil bumaon na ang piraso ng basag na bote ay para bang mas namutla pa si Jaxon sa kanya.

He was whimpering like a wounded wolf when they gave her a shot and started pulling out the broken glasses. Apat na tahi ang inabot ng palad niya habang nilagyan naman ng steri-strips ang ilang sugat sa binti niya.

Nang matapos ay tsaka lang parang nakahinga ng maluwag si Jaxon.

"'Wag mo na ulit gagawin 'to, Emmanuella. You scared the shit out of me."

Tumango siya. "Sorry."

Lumapit ito at kinabig siya para yakapin tsaka siya hinalikan sa ulo.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit ba?"

"Makirot. But other than that I'm fine. Ikaw? Ayos ka lang? Akala ko kasi ikaw ang pasyente sating dalawa." Tudyo niya rito. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari pero sapat na ang presensya ni Jaxon para mabawasan kahit papaano ang bigat na nararamdaman niya.

Bumitaw ito at seryosong bumaba ang tingin sa kanya. "I'm a member of an elite force, Emma. Seeing blood and shit doesn't scare me. But you scare me. Gano'n kalakas ang epekto mo sakin, Emmanuella Marquez. Ginagawa mo 'kong duwag." Kinabig siya nito at hinalikan sa noo. "You'll be the death of me, woman."

Ipinulupot niya ang braso sa bewang ni Jaxon at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Kapag yakap niya ito ay hindi niya maiwasang isipin na napaka-swerte niya. Marami siyang drama sa buhay pero hindi iyon naging dahilan para sukuan siya nito. He stayed with her amidst all of the drama between their families.

"Jaxon?"

"Hmm, babe?"

"I love you."

Humigpit ang yakap nito sa kanya at muli siyang hinalikan sa noo. "I love you more."

Napangiti siya. Pero agad din namang nabura 'yon nang tumunog ang cellphone ni Jaxon. Bigla ay parang bumalik ng buong-buo ang galit niya. Ang masaklap pa ay may kasama na 'yung kaba. Paano kung malapit lang sa kanya ang may gawa nito sa daddy niya? Paano kung isa 'yon sa mga taong pinagkatiwalaan niya.

Pigil-pigil niya ang hininga nang sagutin ni Jaxon ang tawag. Panay tango lang ang naging sagot nito sa kausap kaya mas dumoble tuloy ang kabog ng dibdib niya.

"Salamat, bok." Nang tumingin ito sa kanya ay alam na agad ni Emma na hindi niya magugustuhan ang sunod na sasabihin nito.

"Sino raw?"

Naupo ito sa tabi niya at maingat na hinawakan ang kamay niya.

"Tatlo ang bumisita sa daddy mo nung araw na 'yon, Emma." Nagtagis ang bagang nito tsaka nagsalita. "Si dad. Ang tito Maximus mo. At ang tita Vicky mo."

Pakiramdam ni Emma ay tumigil ang mundo niya. Napahawak siya sa sikmura. Pakiramdam niya ay masusuka siya. Ilang beses niyang ipinanalangin na sana hindi niya marinig ang pangalan ni Nicholas Alonzo sa listahan, dahil alam niyang makakaapekto 'yon sa kanilang dalawa ni Jaxon. Pero ang malaman na maaaring sangkot rin ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya ang mas hindi niya matanggap. 


######

Hala! Sino kaya sa tatlo? O baka meron pang ibang sangkot? Ano sa palagay nyo?

Oh kapit lang at may kasunod pa 'to. Pinaghiwalay ko kasi sobrang haba para sa isang chapter. Pero nung pinaghiwalay ko naman sobrang iksi naman hahaha. Hayaan nyo na. Maghapon ko ng isinulat 'to. Masakit na mata at daliri ko.

Oh bawal lumipat sa kabilang chapter kapag hindi nagparamdam dito hahaha. Chareng!

Thank you everyone, for your patience!

Dangerous Secretحيث تعيش القصص. اكتشف الآن