Chapter Four

1.4K 73 24
                                    

Ipinikit ni Snipe ang isa niyang mata at muling sinilip ang madilim na eskinita sa kabilang kanto gamit ang kanyang M24 single bolt action sniper rifle.

"Target is on the move." Narinig niya ang boses ni Sharp mula sa suot niyang earpiece.

Dahan-dahan niyang inilagay ang daliri sa gatilyo ng kanyang baril at matiyagang naghintay hanggang masipat niya ang lalaking minamatyagan.

"Target locked." Sinundan niya ang bawat hakbang ng lalaki. Nang makalabas ito sa eskinita ay may yakap na itong maleta. Palinga-linga na animo'y hindi mapakali. Mayamaya ay naglakad ito sa kaliwa. Marahan. Palingon-lingon bago ito nagtatakbo.

Nanliit pa ang isang mata ni Snipe, hindi pa rin nawawala ang target sa dulo ng baril at ang tanging hinihintay na lang ay ang hudyat para paputukan ito.

"Not yet." Saad ni Joker.

Ito ang naka-assign para habulin at hulihin ang target nila nang hindi na kailangan pang paputukin ang baril na hawak niya. Nandito lang siya bilang back-up plan kung sakaling mabigo si Joker. Babarilin niya lang ito sa binti pero hindi tutuluyan. Ito ang una nilang link sa kaso ng fantasy pill, isang bagong uri ng droga na naipuslit papasok ng bansa, kaya dapat ay mahuli nila ng buhay ang lalaki. Mas doble ang tama ng fantasy pill kaysa ecstasy dahil bukod sa hallucination ay isa na rin iyong sex drug. Kaya bago pa man tuluyang kumalat sa merkado ay dapat na nilang masakote ang droga.

Papalayo na ng papalayo ang target niya at wala pa ring anumang senyales na mahuhuli na ito ni Joker.

"Joker!"

"Not yet."

Agad siyang napamura nang tuluyan na niya itong nawala. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakadapa at bitbit ang kanyang baril ay nagtatakbo siya. Nilundag niya ang bubong ng katabing gusali at nang katabi pa n'on at ng sumunod pa.

Napamura siyang muli nang makita ang agwat ng sumunod na gusali. Napakalayo. Kapag tinalon niya pa ay malamang sa malamang na bumulusok siya pababa. Hinawakan niya ang suot na earpiece. Hindi niya naririnig ang mga kasamahan.

"Damn it!" Aniya. Wala siyang nagawa kundi muling pumuwesto at magbakasaling mahahanap pa niya ang target. Sinilip niya ang baril at pilit na hinanap sa kalsadang punong-puno ng tao ang lalaking pakay.

"Target secured." Narinig niya ang hinihingal pa pero masiglang boses ni Joker. Nakahinga siya ng maluwag at sumalampak ng higa sa maalikabok na rooftop ng kinalalagyan niyang gusali.

"Bastard." Bulong niya na naging dahilan para tumawa ang mga kasamahan. Naiiling na tinanggal niya ang suot na earpiece at agad nang kinolekta ang mga gamit.

Naghihintay na ang mga kasamahan niya sa van nang makababa siya sa gusali.

Sa likod siya pumuwesto at ipinikit ang mata. Hindi pa man siya nakakagawa ng tulog ay ginulo na siya ng mga kasama.

"Bok! Hindi ka ba magpapainom?" Si Bob na binato siya ng sumbrero.

Umiling lang siya at hindi kumibo.

"Last day mo ngayon wala man lang painom? Hindi mo ba kami mami-miss? Porke first family ka na ganyanan na. Out of reach ka na talaga." Dugtong naman ni Joker.

Natatawang nagmulat siya ng mata at binato si Joker nang sumbrero nadampot.

"Ang ingay mo."

"Painom ka na kasi." Segunda naman ni Dok.

Muli siyang pumikit. "D'on tayo sa dati."

Naghiyawan naman ang mga tanga at naiiling na napangiti siya. Pihadong hahanap-hanapin nga niya ang ganitong buhay. Mahigit pitong taon na siyang miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance, ang lihim na sangay ng gobyerno ng Pilipinas mula sa America na tanging piling tao lang ang nakakaalam.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now