Chapter Seventeen

1K 67 25
                                    

Chapter Seventeen

Kahit na ipinarada na ni Jaxon ang motor sa tapat ng bahay ng tita Vicky niya ay hindi pa rin bumaba si Emma. Nanatili ang mahigpit niyang yakap sa bewang nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. She felt uneasy. Pakiramdam niya ay may magbabago dahil sa nalaman nila.

Hindi tuloy niya alam kung nakatulong ba talaga ang paghahanap niya ng sagot sa mga katanungan. She just wanted to know the truth but she got more than what she can handle. Kung nabigla siya sa mga nalaman ay siguradong mas nabigla si Jaxon. Ramdam niyang tensyonado ito. Mula ng umalis sila sa bahay ni Attorney Chavez ay hindi na ito kumibo. Para bang ang lalim lalim ng iniisip na kahit siya ay hindi niya kayang abutin.

"Emma?" hinawakan ni Jaxon ang braso niya na nasa bewang nito at pinisil.

Bumuntong-hininga siya at kahit na ayaw ay bumitaw na siya tsaka bumaba ng motor. Inalis niya ang suot na helmet at ini-abot iyon kay Jaxon. Hinuli naman nito ang ilang hibla ng buhok niya at inipit sa likod ng kanyang tenga. Ilang minuto silang tahimik habang nakatingin lang sa isa't-isa. Her uneasiness doubled. She can feel it. She can feel it down to her very core. Hindi niya lang sigurado kung ano o kung sino sa kanila ang nagbago. Natatakot siyang alamin. Natatakot siyang baka siya ang magbago, na baka siya na naman ang umalis at mang-iwan.

"Stop overthinking, Emma." Kinuha nito ang braso niya tsaka siya hinila at niyakap. "We're going to be okay. Kakayanin natin 'to."

Pumikit siya at tumango. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maramdaman ang sinseridad sa sinabi nito. Na para bang maging ito ay hindi naniniwala sa sariling salitang binitawan. Ipinulupot na lang niya ang braso sa bewang nito at mahigpit na tumugon ng yakap.

"Don't worry about your dad. Ako nang bahala." Hinalikan nito ang ulo niya tsaka siya pinakawalan. "Sige na. Pumasok ka na sa loob. Get some rest."

Kinuha niya ang kamay nito bago siya unti-unting humakbang paatras. Bumaba ang tingin niya sa kamay nila habang unti-unting dumudulas ang palad niya. She wants him to hold on to her. To never let her go. Pero hindi nangyari. Dumulas lang ang daliri niya sa daliri nito hanggang sa tuluyan na niyang mabitawan ang kamay ni Jaxon.

She suddenly felt cold and alone. Gusto niyang pigilan ito na umalis. Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang sabihing ayaw na niyang mawalay dito kahit saglit. Pero sa halip na isatinig ang gustong sabihin ay tahimik na pinanood niya lang ito hanggang sa makaalis ito. Hanggang sa hindi na niya ito matanaw.

Tumingala siya sa madilim na langit. Wala ni isang bituin at para bang ganun mismo ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay may kulang sa kanya. Na para bang sa pag-alis ni Jaxon ay kasama na nito ang isang bahagi ng pagkatao niya. Ganito kaya ang naramdaman ni Jaxon nung iwanan niya 'to?

"Emma?"

Doon lang siya parang natauhan. Nilingon niya ang tiyahin. Nakatayo ito sa may pintuan habang nakatanaw rin sa malayo.

"Si Jaxon ba 'yon? Bakit kayo magkasama?" Humakbang ito palapit tsaka natigilan. "Anong problema, Emma? Umiiyak ka ba?"

Agad niyang pinunasan ang pisngi at nagulat siya nang makitang basa nga 'yon ng luha. Natatawang pinalis niya ang luha at tsaka pilit na nginitian ang tiyahin.

"I'm okay, tita. Pagod lang." Ilang sandali siyang tinitigan nito na tila hindi kumbinsido sa sinabi niya bago bumuntong-hininga.

"Tara na sa loob. Pumasok ka na. Kumain ka na ba?" sunod-sunod na sabi nito habang iginigiya siya papasok sa loob.

"Kumain na po, tita."

"Saan ka ba kasi nanggaling na bata ka? Alalang-alala ang daddy mo sayo."

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now