Chapter Nine

1.2K 65 22
                                    

Chapter Nine

Magkahalong galit at habag ang nararamdaman ni Emma habang binabasa ang hawak na sulat.

"What the hell is this?"

Noong isang araw lang ay halos magdiwang sila nang matanggap mula sa Board of Pardons and Parole ang ibinabang desisyon ng mga ito na palayain ang daddy niya sa ilalim ng Medical Parole. Dapat ay susunduin na nila ito ngayon kaya nga hindi siya makapaniwala na makakatanggap ulit siya ng panibagong sulat.

"They were revoking the medical parole." Nanghihinang napaupo ang tita Vicky niya tsaka humagulgol ng iyak.

Kinagat ni Emma ang nanginginig na labi. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. How could they do this? Hindi niya matanggap na biglang binawi ng mga ito ang desisyon pero mas hindi niya matanggap ang rason kung bakit. Sangkot daw ang daddy niya sa isang grupo ng sindikato at kailangang imbestigahan muna bago tuluyang pakawalan.

That's absurd. Labingtatlong taon nang nakakulong ang daddy niya kaya imposible ang ibinibintang ng mga ito.

"P-paano na ang Daddy mo." Patuloy sa pag-iyak ng tita Vicky niya.

Pakiramdam ni Emma ay hindi siya makahinga. This is her last chance to be with her dad. Nang huli itong isinugod sa ospital ay tinaningan na ng doktor ang buhay nito. Iyon nga ang dahilan kung bakit naaprubahan ang ipinasa nilang petition.

Six months. Iyon na lang ang nalalabing araw na pwede niyang makasama ang daddy niya pero mukhang mababawasan pa 'yon. Kumirot ang puso niya sa naisip. How cruel is this?

Lalong nadagdagan ang galit niya. Isang tao lang ang naiisip niyang dahilan ng lahat ng ito. Si Nicholas Alonzo. Sigurado siyang ito ang dahilan kung bakit kahit nabigyan ng parole ang daddy niya ay hindi pa rin ito makakalabas.

Halos manginig ang buo niyang pagkatao sa galit. Hindi siya papayag ng ganito. Kailangan niyang gumawa ng paraan.

"Emma! Saan ka pupunta?" Natatarantang habol ng tita niya pero hindi niya ito nilingon. Dire-diretso siyang lumabas hanggang makarating sa garahe at lumulan sa kotseng ipinahiram sa kanya ng tiyahin. Hawak pa niya sa kamay ang sulat habang nakahawak sa manibela. Halos mapunit na iyon pero hindi niya binitawan.

Bago pa makalabas ang tita niya ay pinasibad na niya ang sasakyan paalis. Alam niyang hindi dapat siya nagmamaneho ngayon lalo na't nangingibabaw ang kanyang galit pero hindi niya mapigilan ang sarili.

Sa High Maximum Prison siya dumiretso pero gaya ng inaasahan ay hindi puwedeng tumanggap ng dalaw ang daddy niya. Nasa Detention Facility raw ito para sa forty eight hours na interrogation. Para siyang nanlambot sa narinig. May sakit ang daddy niya at hindi dapat nararanasan ang ganito.

"Please! I just want to see my dad."

"Sorry po, Ma'am, pero hindi po talaga pwede ngayon."

Nanghihina siya nang tumalikod at muling sumakay ng sasakyan. Ilang minuto siyang tulala bago tuluyang sumabog ang kinikimkim niyang sama ng loob. Humagulgol siya ng iyak. Hindi niya alam kung anong pwede niyang gawin. Gulong-gulo ang isip niya. Hindi pa nga niya natatanggap na may taning na ang buhay ng daddy niya tapos ngayon ay nadagdagan pa ang problema.

Inilapat niya ang noo sa manibela at pilit na kinalma ang sarili. Dapat ay mag-isip siya ng pwedeng gawin. Ikinuyom niya ang kamao dahilan para mapatingin siya sa hawak-hawak pa ring sulat. Bigla ay para siyang natauhan.

Kailangan niyang makausap ang mga Alonzo. Kung kinakailangang magmakaawa ay gagawin niya. Gagawin niya ang lahat basta makalaya ang daddy niya sa mga huling sandali nito sa mundo.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now