The Habit of Running Away

4 0 0
                                    


PROLOGUE

×

"Sige na please! Last na talaga to' promise!"

Umirap ako sa ere habang pinapakinggan si Alyana na nasa kabilang linya.

"Last na blind date ko na sayo to' sige na! Pumayag ka na! Papasa na sayo to' promise!"

Napahawak ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng to' e.

"Bakit mo ba ko binubugaw ha? Isusumbong kita sa mga fans mo, bugaw ka."

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Gusto ko lang na magka lovelife ka na ulit!"

Umirap ako ulit sa ere dahil sa narinig ko sa kanya.

"Nagsalita ang may lovelife"

Tumawa siya sa kabilang linya.

"I'm happy being single no'! I don't need anyone"

"So, ako tingin mo kailangan ko ng iba para sumaya? Ulol hindi no'!"

Tumawa siya ulit sa kabilang linya. Naririnig ko yung tawa niya, nagpapanting ang tenga ko.

"Masaya pala ha. Kaya pala pag nalalasing ka, sinasabi mo na gusto mo na magkajowa para makalimutan mo na yung ex mong trash"

Napakamot ako sa ulo at bumuntong hininga. Okay fine! Panalo na siya.

"Fine! Send me the details. Pag to' scam, ipo-post ko yung drunk picture mo para ma-bash ka online!"

Humagalpak siya ng tawa. Pinatay ko ang tawag at napa-inom na lang ng tubig. Inilibot ko ang paningin sa sala ng condo na tanaw sa countertop dito sa may kusina.

Gaya ng parating nangyayari, mag-isa nanaman ako sa condo dahil si Alyana, may taping at si Kyla naman merong duty sa ospital. Bored na bored na ko at ayoko na manood ng kung ano sa Netflix.

Alyana
09-×××-×××-×××

Travis Restaurant and Hotel
8:00 pm
Enjoy!!!

Napairap ako sa nabasa pero dumiretso pa din naman ako sa kwarto para mag ayos at mag bihis. Tutal bored na bored naman ako, papatulan ko na tong huling pa-blind date nitong si Alyana.

Im wearing a champagne colored dress with spaghetti strap that perfectly hugged my body. I wore heels and chose a silver small pouch na tama lang para magkasya ang phone at wallet ko.

I let my wavy hair down na hanggang siko ko na. Hindi pa pala ako nakakapag pagupit dahil sa sobrang busy. I put some silver hairpin na may maliliit na diamonds na regalo pa ni Alyana sakin sa magkabilang bahagi ng buhok ko.

I put some powder, blush on, konting eyeshadow and lipstick na sobrang konti lang.

I grabbed my pouch and keys bago lumabas ng unit. Mabuti na lang malapit dito yung restaurant na tinext ni Alyana. I'm 10 mins. late. Let's see kung marunong maghintay ang pinablind date nitong si Alyana.

I parked my car and went inside the restaurant of the hotel when I received a message from Alyana.

Alyana

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now