3

3 0 0
                                    


Pares

---

Humawak ako sa sentido ko nang matapos ang meeting. Sobrang daming demand ng mga directors nakakahilo.

"It's good to see you here Engineer Fuentes. How's your office?"

Napabaling ako sa pinagkakaguluhan. Umiling ako at nagsimula ng magligpit ng gamit. I need to go.

"Ms. Gonzales, come here."

Tawag ng isang director sakin. Lahat sila nakatingin sakin, including him. Gusto ko na lang lamunin ng lupa pero dahil professional ako, lumapit pa din ako ng may ngiti sa mga labi.

"This is Engineer Paolo Fuentes, the new head of the Engineering Department"

I offer my hand to him para makipag handshake na tinanggap niya ng may sarkastikong ngiti.

"This is Ms. Ysabelle Gonzales, the Marketing Head of the company"

Awkward akong ngumiti at ibinaba ang kamay.

"It's nice to meet you Engineer" tumingin ako sa director na tumawag sakin at sa iba pa "do you mind sir? May I excuse myself, I have a lot of things to prepare for the upcoming launch"

They nodded so I smiled and bowed my head.

"That kid is so brilliant and dedicated, kaya maagang naging head ng department nila"

Narinig ko pang pagyayabang ng isa sa mga director tungkol sakin pero hindi na ko lumingon pa. Lumabas ako ng conference room at parang sasabog na yung puso ko sa kaba. Napahawak ako sa dibdib ko habang ang kaliwang kamay ay nakasuporta sa wall. Nanlalambot ang mga tuhod ko.

Napakaliit naman talaga ng mundo oh!

"Ma'am okay lang po ba kayo?"

I nodded and smiled. She seems so worried about me and hesitant to believe me that I'm okay, kaya umayos ako ng tayo at nagsimula ng maglakad. Baka maabutan pa nila ako dito.

Wala akong naabutang tao sa floor namin kaya napabaling ako sa relo at nakitang Lunch break na pala. Bumuntong hininga ako at dumiretso sa opisina para kuhanin ang wallet ko.

"Ma'am, mabuti po nandito na kayo"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Melissa sa pintuan.

"Yes. Why? Is there a problem? May nangyari ba nung nasa meeting ako?"

Ngumiti siya at umiling.

"Wala naman po. Maglu-lunch na po ako kung ganon ma'am"

Kumunot ang noo ko.

"Bakit ngayon ka lang maglu-lunch? It's already 12:30. Next time, don't wait for me. Eat your lunch on time."

Ngumiti si Melissa at nagkamot ng ulo.

"Yun po kasi yung nasa manual ma'am. Kailangan po hintayin ng assistant yung department head bago mag lunch"

Umirap ako.

"Forget the manual. If it's lunch time, go eat with your friends"

Nagkamot pa siya ng ulo bago nakangiting tumango.

"Thank you po Ma'am"

Tumango ako at hinalungkat pa ang bag ko.

"Kayo po Ma'am? Gusto niyo po sumabay na kayo samin nila Anton"

The Habit of Running AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon