4

5 0 0
                                    


Baby

---

"Ano to'? Bakit iniba nanaman ang plano? Hindi ito ang in-approve ko ah? Sinong gumawa nito? Ibalik mo to' sa kanya Melissa at sabihin mong ayoko ng paulit-ulit. Paki-follow-up mo na din yung design sa Billboard"

Tumango si Melissa at lumabas. Padabog akong umupo at hinilot ang sentido. Ang aga-aga puro sakit ng ulo ibinibigay sakin. It's been weeks and sobrang busy ko dahil sa nalalapit na pagla-launch ng products.

Napabaling ako sa pinto nang may kumatok. Umikot ang mata ko at napabuntong hininga.

"Pasok"

Dumungaw si Vincent sa pinto at may dalang papeles at supot. Si Vincent yung Head ng Finance. Nakangiti siyang lumapit sakin. Lalong sumakit yung ulo ko sa pabango niya.

"Good morning Ms. Ysa. Personal kong dinala itong budget for the launching para hindi ka na mahirapan pang magpunta sa opisina ko pag may tanong ka"

Tumango ako at tinanggap ang inaabot niyang papeles at chineck yun sa harapan niya. Kumunot ang noo ko at tinuro ang pirma ng CEO sa budget.

"Approved na to' ah. Bakit pa ako magtatanong? Wala naman na akong magagawa kung sinangayunan na to ng CEO"

Ngumiti siya sakin.

"Nagdahilan lang talaga ako para makita ka"

Ngumiti siyang muli at ipinatong ang dala-dala niyang supot ng sikat na fastfood chain sa lamesa ko.

"Dinalhan din kita ng pagkain dahil sa tuwing kinakamusta kita sa assistant mo, sinasabi niyang halos hindi ka na kumakain at lumalabas ng opisina mo."

Tumingin akong muli sa mga proposal na nakalatag sa harapan ko.

"Salamat sa pag-aalala pero Mr. Salvador hindi ka na dapat nag-abala pa. I can handle myself and I have no time for this"

Tumawa siya at nagkamot ng ulo.

"I know, I know. Nagbabaka sakali lang. Alam mo namang matagal na kitang gusto diba? Intern ka pa lang dito right? I made that clear diba? What's the matter? My age? I'm just 4 years older than you."

Umirap ako at bumaling sa kanya. I have no freaking time for this.

"Pwede ba Vincent, wala akong panahon para dito. Can't you see? I'm doing my job. And I'm happy being alone. So please? Would you mind if you leave? I have a lot of things to do"

Ramdam ko ang galit niya na idinaan niya na lang sa tawa.

"I really can't believe you"

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad paalis. Napa-irap ako sa ere. Ang dami dami ko na ngang problema at iniisip sa trabaho, sasabay pa tong si Vincent. Sino bang may sabing magustuhan niya ako?! Fckng as*hole

Biglang nagring yung phone ko at may unregistered number doon. Kumunot ang noo ko. Sino naman to' ngayon ha?

"Hello, Who's this?"

Narinig ko ang tawa sa kabilang linya.

[Si Tatay Pedro ito. Busy ka ba Ija?]

"Kayo po pala yan Tay. Hindi naman po masyado. Bakit po?"

[Tamang-tama. Nandito kasi ang panganay kong anak. Pwede ka bang pumunta dito, mamayang lunch break niyo?]

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now