7

3 0 0
                                    


Event

--

Tumingin ako sa orasan bago dinampot yung isang silver and diamond earring ko at ikinabit yun sa tenga ko.

"Melissa, anong balita sa event hall?"

"Okay naman na daw po Ma'am. Settled na po"

Tumango ako at tumingin muli sa vanity mirror ng hotel at tumayo. Pumunta ako sa closet na may malaking salamin para makita ang itsura ko.

I'm wearing a silver silk long gown that fits my body well. Kitang-kita ko yung curve ng katawan ko. May slit to' hanggang sa right thigh ko. I'm wearing a silver stilettos. I'm wearing a thin silver necklace na may maliit na heart pendant na kitang-kita sa leeg ko since tube yung long gown ko. Nakalugay lang yung buhok ko since natural na wavy ito, wala na akong ibang ginagawa dito. Naka light make-up lang ako at may earpiece sa kanang tenga para makipag communicate sa team ko. Dinampot ko yung pouch ko.

"Let's go Melissa"

Tumango siya at sumunod sakin palabas ng hotel room ko. Dumiretso kami sa event hall. Halos lahat ay okay na. Ang bisita na lang ang kulang. Ipinatawag ko yung team ko.

"I wanted to thank you all now dahil baka hindi ko na kayo mahagilap mamaya. Thank you for the hard work. After this, things will be better for all of you"

I smiled to them. They looked so clueless by my sudden goodbye. After ng project sa Batangas, I'm planning to quit my job and accept my father's offer.

Nagsimula ng magsidatingan yung mga bisita. I smiled widely when Alyana entered the hall. She smiled and hugged me.

"Why are you so blooming! Nadiligan ka ba talaga gaya ng hula ni Kyla?"

Bulong niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Yang bunganga mo hoy, sasabunutan kita"

She chuckled and pinch my arm.

"We'll talk about it pag di na tayo busy sa lahat. Tell me that hot night in dets! Sabihin mo din kung sino yung malas na lalaki"

Gusto ko siyang saktan ngayon na pero dahil halos ng atensyon nasa direksyon namin hindi ko magawa.

"Lumayas ka na nga, konti na lang sasabunutan na kita. Pumunta ka na don"

She chuckled and pinched my arms again. Umirap ako at natawa din at the same time. Napaka mapang-asar talaga.

Nagsimula na yung program. Sobrang smooth lang ng program. Malinis tumrabaho  ang team ko kaya hindi na ko nag-aalala pa. We prepared for this for two weeks para maging perfect 'tong launching.

"We want to take this opportunity to welcome Engineer Paolo Fuentes as the new member of the family."

Nagpalakpakan yung lahat. Pumunta naman siya sa harapan at nag bow.

"Alam mo ba, napaka galing ng Engineer na yan. Top notcher at marami na siyang nagawang building around Manila at mga resort outside the city."

"May offers din daw yan sa ibang bansa pero hindi tinatanggap dahil sa personal reason. This kid have a lot of potential, international trainings and projects are a big opportunity for him."

Tumaas ang kilay ko sa narinig sa paligid. Napatingin tuloy ako lalo sa unahan. He's wearing a white polo na nakabukas ang dalawang butones. Nakasuot siya ng black na coat. Naka tuck-in yung polo niya sa black pants niya na may black belt. Nakatupi hanggang siko yung polo niya at may kwintas sa leeg. Malinis na nakabrush up yung buhok niya. Nadepina tuloy yung jawline niya, yung lips niya at yung complexion niya. Ang tangkad niya pa. Napanguso ako. I can't believe I had that hot night with him.

Kinurot ko yung braso ko para gisingin yung sarili ko. What am I thinking? Omg Ysa you're a pervert!

"Please welcome Mr. Angelo Ignacio and Mr. Gino Hilario"

Nagpalakpakan ang lahat. Kumunot ang noo ko pero agad ding nawala nang may maalala na may ganito nga pala para i-announce yung pag me-merge ng dalawang company.

"Good evening everyone. We are very happy to announce that Hilario Construction and the Ignacio Group of Companies will be Merging"

Nagpalakpakan ang lahat.

"We are here to announce too the engagement of my son Andrei Ignacio and Mr. Gino's daughter Inka Hilario"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi na nakasabay sa pagpalakpak. Napatingin ako kay Andrei sa harapan na hawak-hawak sa bewang ang model na si Inka Hilario. Parehas silang nakangiti sa mga tao. I blinked twice trying to register the image in my mind. I shook my head and prevent myself from breaking down. I sighed.

Ysa, punyeta ka. Huwag kang mag-b-breakdown dito, sasabunutan talaga kita.

"M-Ma'am, water po"

Lumingon ako kay Melissa na nag-abot ng tubig sakin. I smiled and tinanggap yun. Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya kasi alam ko yung tingin niyang yun, naaawa siya sakin. Umirap ako at ininom yung tubig.

"Melissa, can you check things here? I'm going to the powder room. I need to retouch my make-up"

Tumango siya at tumingin sa paligid. Tumayo ako para pumuntang powder room. I sat on the first cubicle, closed it and silently cried my heart out.

Ilang minuto akong umiyak bago nagdesisyong huminto. Lumabas ako sa cubicle at tumingin sa salamin. Pinunasan ko ang luha ko. Buti na lang pala hindi ako nag mascara. Nag retouch ako ng make-up pero naaawa ako sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin.

"What the fck Ysa, compose yourself"

Itinukod ko ang kamay ko sa sink at huminga ng malalim. I can't face them with this fckng face. I continue retouching my make-up. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng powder room.

"Ysabelle"

Napahinto ako at nanlambot nang marinig ang boses ni Andrei. Lumingon ako at ngumiti.

He's eyes are wet and sad. He tried to walk towards me but I immediately raised my hand to stop him.

"Ano nanaman to' Andrei? Ikakasal ka na oh"

Yumuko siya at hindi nagsalita.

"Tngina ka naman e, gagawin mo pa akong kabet na gago ka."

Wala pa rin siyang imik. Umirap ako at tinalikuran na siya.

"Parang awa mo na, hirap na hirap na akong iahon yung sarili ko. Makisama ka naman"

Nagsimula akong maglakad palabas ng event hall at dumiretso sa parking lot. I texted Melissa na masakit yung ulo ko to make an excuse. My visions are blur because of the tears when I bumped into someone.

"I'm sorry"

Sambit ko sa nakabangga at ipinalis ang luha sa mga mata ko. Parang gusto kong umiyak lalo nang makita ang nag-aalalang mga mata ni Paolo.

"Are you okay?"

Umiling ako at yumakap sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa bisig niya. He's body warmth is so comforting.

"Let's go, I'll take you home"

Mabilis akong umiling.

"Let's go somewhere else please. I want to drink"

Patuloy ako sa pag-iyak. Hindi siya gumalaw.

"We're not drinking"

Lalo akong umiyak. I need alcohol! Momma needs alcohol. I heard him sigh.

"Okay fine. J-just make sure you behave yourself"

I nodded.

"--and never run away again"

×

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now