1

4 0 0
                                    


Shampoo

×

I immediately went to my bathroom para maligo. It's around 4:30 in the morning nang makarating ako dito sa condo and laking pasasalamat ko na wala pa yung dalawa dahil kung hindi, sandamakmak na pang aasar ang aabutin ko.

Nang matapos ako maligo, I decided to went to the kitchen to drink.

"Oh, you're here"

Napaiktad ako sa gulat dahil sa prisensya ni Alyana. Tumingin siya sa orasan.

"You're up early. May pupuntahan ka?"

Umiling ako at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. Kumuha ako ng baso at nagsalin doon. Ramdam ko ang mga tingin niya pero pinagpatuloy ko lang ang pag inom kahit sobra sobra na ang kaba ko.

"Oh, hindi ka pala maaga gumising, umaga ka na nga pala umuwi"

Sambit niya. Naibuga ko tuloy yung iniinom ko. Tawa naman siya ng tawa. Pabiro niya akong sinabunutan.

"Gaga ka! Hindi mo ba ko napansin sa sala? Nakakaloka ka!"

Humagalpak siya ng tawa at humahawak pa sa tyan niya. Umirap ako.

"So saan ka naghasik ng lagim? Hindi ka naman sumipot sa date mo. Where have you been? Hmm?"

Umubo-ubo ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Oh? Hindi lang umuwi inuubo na agad yan?"

Singit ni Kyla na kakalabas lang ng kwarto niya. Kinukusot kusot pa ang mata. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig pero bago niya yun ininom pabiro niya muna akong sinabunutan.

"Humahaliparot na ang anak ni Lourdes oh!"

Sabay silang tumawa ni Alyana. Nag apir pa ang dalawa.

"Sige nga, sabihin mo kanino ka umuwi kagabi ha?"

Umubo ubo ako. Tawa naman silang dalawa ng tawa.

"U-uminom lang ako no' mga i-iniisip niyo dyan!"

Uminom ako ng tubig nang makabawi na sa kaba. Hindi ako aamin sa kanila no' baka mamaya magdiwang pa tong dalawang to' dahil sa nangyari sakin.

"Suuuuus. Pashowbiz ka pa talaga naku! Ang alam ko si Alyana yung artista dito"

Nagtawanan pa yung dalawa. Inirapan ko sila.

"Bahala nga kayo dyan"

Sambit ko bago nag walk-out at humiga sa kama. Narinig ko pang nagtawanan yung dalawa. Napaka mapang-asar nung dalawang yun jusko! Sumasakit lalo ang ulo ko.

Umirap ako bago ipinikit ang mata.

"I'll be gentle"

Napadilat ako. Hala bakit ko naririnig yung boses niya. Nababaliw na nga yata ako. Umirap ako sa kawalan at padabog na tumayo para hanapin sa drawer yung earphones ko. Makikinig ako sa music para hindi ko marinig sa utak ko yung... sinabunutan ko ang sarili ko. Ano bang nasa utak ko.

Ikinabit ko yung earphones sa phone ko at itinodo ang volume. Humiga ako at ipinikit ang mata.

Wag ka nang magsalita sa isip ko, parang awa mo na.

--

"RISE AND SHINE YSABELLE! GUMISING KA NA HOY TANGHALI NA! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, IKAW ANG NAKATOKA MAG GROCERY NGAYON"

The Habit of Running AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora