5

3 0 0
                                    


Elevator

---

"H-ha?"

Nanlalamig ang katawan ko sa narinig. Anong sinabi niya?! Mabuti na lang at ligtas ako at ang b-baby ko? Huwag mong sabihing... pero sa tyan ko niya... hindi pwede...

Maiiyak na sana ako nang umurong yung luha ko dahil sa tawa niya. Napakunot ang noo ko at pinagmamasdan ang pagtawa niya na parang wala ng bukas. Pabiro niya akong sinabunutan.

"Gaga ka, feeling mo naman. Wala kang jowa remember? Nandito ka sa ospital kasi over-fatigue ka. Gaga, trabaho pa."

Ewan ko kung bakit pero gustong gusto kong sapakin tong si Kyla ngayon. Masama tuloy ang tingin ko sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko. Kinabahan ako don siraulo talaga siya.

"Feeling si bakla oh. Wala namang jowa."

Hinampas ko siya pero agad ding nagsisi nang sumakit ang kamay ko. Dumugo tuloy yung swero ko.

"Teka nga, bakit takot na takot ka? May hindi ka ba sinasabi sakin?"

Napabaling ako sa kanya at agad na namutla. Umiwas ako ng tingin at binalingan ang swero ko.

"D-dumudugo y-yung swero ko. A-anong gagawin ko?"

Nakataas ang kilay ni Kyla sakin at magsasalita na sana nang dumating si Clay. Tropa namin.

"Mabuti na lang at gising ka na. Pwede ka ng umuwi pag naubos mo yang swero mo. Wag ka masyadong magpapagod. Baka magalit ex mo"

Napabaling ako sa kanya at tumaas ang kilay.

"Ha?"

Tumawa siya at mapang-asar na itinataas baba ang kilay niyang kasing kapal ng mukha niya.

"Yung boss mo nagdala sayo. Alalang-alala sayo, akala mo hindi ka iniwang luhaan, sugataan at hindi mapakinabangan"

Tumawa siya at tumingin sa parang board na hawak hawak niya.

"Pahinga, tubig at pagkain ang kailangan ng katawan mo. Make sure to drink water, get enough sleep at kumain ng tama sa oras. Pag naubos na yung swero mo, magtawag ka lang ng nurse dito, pupuntahan ka nila pag pinindot mo to" itinuro niya yung button don sa pader. Tumango ako. "The bill is settled naman na. Maiwan ka na namin ni Kyla at may rounds pa to'. Bye Ysa"

Hinila niya palabas si Kyla na may 'mag-uusap-tayong-dalawa' look. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Napabaling ako sa swero kong konti na lang. Napatingin ako sa orasan  ng kwarto.

2:45 am

Napa-irap ako at pinindot yung button para sabihing sa bahay na lang ako magpapahinga. May kung anong chineck pa sila at pinapirmahan sakin bago ako paalisin. May ipinatawag na din silang taxi para maihatid ako.

Isinalampak ko ang sarili ko sa kama nang makauwi sa bahay. Tinanggal ko yung swero ko at nagpunta ng banyo para maligo. Sobra akong iniinitan kaya gusto kong maligo. Since hindi na ko inaantok at parang sapat na yung tulog ko, maliligo na lang ako at magche-check ng mga emails para within this week masettle ko na yung mga advertisement and yung mismong event.

Nang matapos ako maligo at magbabad sa bath tub, nagcheck nga ako ng mga emails at nag check ng mga layout. Umiinit ang ulo ko. Wala pa akong napipiling maayos. Kaya gumawa ako ng sariling layout ko. Mag me-meeting naman kami mamaya para sa mga plano at suggestions nila. Pag meeting naman, nag pa-participate sila kaya wala akong problema doon.

The Habit of Running AwayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt