19

6 0 0
                                    


Lose you to love me

---

"Why are you here?"

Pag su-suplado ni Paolo nang makita akong nakaupo sa swivel chair ko at nakaharap sa laptop.

"Why not?"

Sambit ko habang patuloy na nag ta-type at sumasagot sa mga emails and inquiries ng mga customers.

"Kagagaling mo lang sa sakit Ysa, baka mabinat ka niyan"

Sinimangutan ko siya at binalingan ng tingin. Nakasuot siya ng maong na pants at naka itim na damit. May hawak siyang hard hat sa kanang kamay at may mabuhanging sapatos, halatang kagagaling niya lang sa site dahil pawisan pa siya. Pinag taasan ko siya ng kilay.

Paano ba kami umabot sa ganito? Kaninang umaga kasi, maayos naman kami. Kinikilig kilig pa ko sa mga paandar niya at masaya pang kumain ng dala niyang almusal, pero nang tumayo ako para maligo at pumasok, pinigilan niya ako dahil nga may sakit pa raw ako. Nag thermometer ako para sabihing wala na akong lagnat pero mariin ang pag tanggi niya. Nag maktol pa ko at pa cute pero ayaw niya pa rin kaya hinayaan ko siyang umalis sa villa ko ng masama pa rin ang loob sa kanya.

Nang maka tyempo, naligo ako at nagbihis para makapasok sa opisina kahit alas dies na ng umaga pero mukhang sinabi ni Tess na nandito ako kaya pumunta itong si Paolo sa opisina ko.

"Magaling na nga ako e. Diba pinakita ko pa sayo yung thermometer kanina. Wala na akong lagnat"

Nagpatuloy ako sa pag ti-tipa ng mensahe sa mga nag i-inquire pero nakakaramdam pa rin ako ng hilo. Kita ko ang pag iling niya sa peripheral view ko.

Gulat akong napalingon sa kanya nang hilahin niya ang upuan papunta sa tabi ko at inilabas ang cellphone.

"Lito, dalhin mo rito ang mga gamit ko... Oo... Dito sa opisina ni Ysa... Yang laptop sa upuan... Oo... Salamat..."

Pinatay niya ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya in disbelief. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Why?"

Sambit niya, pinanliitan ko siya ng mata.

"I'll work here so I can take care of you"

Agad uminit ang pisngi ko at iniwas ang tingin sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa niya at pinisil pa ang pisngi ko.

Umubo ako at ikinunot ang noo

"B-bahala ka sa buhay mo"

"Edi bahala ako sayo?"

He stated. Gulat akong bumaling sa kanya at naubo-ubo sa sinabi niya. That's so 2010 banat pero bakit kinikilig ako?! Parang kanina lang nag aaway kami ah? Ano to???

He chuckled and pinched my cheek again. Umirap ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nakatingin naman siya sakin at tila binabantayan ang bawat kilos ko. Ready na sana akong awayin siya ulit nang may kumatok.

"Excuse me ho Ma'am Ysa pero mag pupunta raw po sa isla si Mr. Andrei Ignacio para po bumisita"

Kumunot ang noo ko sa narinig. Parang may kung anong tumusok sa puso ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang yun.

"Okay, give Mr. Ignacio, everything he needs. You can accompany him Tess"

I said. Nag kamot siya ng ulo habang mataman akong tinitingnan at si Paolo sa gilid ko.

"Gusto niya raw pong kamustahin ang site at ang management daw po ng resort. Ang dating niya raw ho ay after lunch."

I nodded. Trying to register it to my mind. My freaking ex is coming here today. Anong kalokohan to?!

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now