18

5 0 0
                                    


Baby

---

"Ma'am, ayaw po talagang lumabas ni Uly sa kwarto niya. Kayo daw po ang kailangan niya"

"Okay"

Maikli kong sagot. His facial expression changed. From worried to satisfied real quick.

Hindi ko na napigilan ang pag-irap nang makaalis na ang kasama ng anak ng Mayor sa opisina ko. Pumunta pa talaga dito para sabihin yon. Spoiled pa nga.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang buhok bago lumabas. I heard sobs when I passed through the staff washroom. Kumunot ang noo ko lalo na nang makita si Tess na umiiyak sa loob.

Tumingin ako sa paligid bago siya nilapitan.

"Hey, are you okay?"

Parang nagulat siya na nandoon na ako bigla. Bigla niyang pinunasan ang luha niya.

"Nako ma'am, may kailangan ho ba kayo? Pasensya na ho"

"May nanakit ba sayo? May nang harass? Tell me"

Umiling siya at ngumiti pa kahit basang basa ng luha ang mga mata.

"Masakit laang ho ang aking ulo ma'am"

Pipilitin ko pa sana siya pero kita ko sa mga mata niyang ayaw niya munang pag-usapan kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Okay. Maiwan na muna kita dito"

She nodded and smiled.

Iniwan ko siya doon at dumiretso sa villa ng spoiled na anak ng Mayor. Umuusok na siguro ngayon ang tenga ko dahil sa inis at init ng ulo. Pero hindi ko maalis sa isipan ko si Tess. Ano kayang problema niya?

"Nako ma'am. Buti nandito na po kayo. Kanina pa yang si Uly na hindi lumalabas sa kwarto niya."

Sinalubong na ako nung lalaking kasama ng anak ng Mayor. Spoiled pa nga.

"Sir Aguillo, sayang ang init ng araw at ang ganda ng dagat kung nandyan ka lang sa loob"

Ilang sandali pa kami naghintay nang mag bukas ang pinto. Bumungad siya samin na nakasuot ng board shorts at polo na bukas ang butones.

Malapad ang ngisi niya sakin. Ngumiti naman ako pabalik kahit sobrang inis na ko sa kanya. Tumingin ako sa relo ko at nakita ang oras.

"Aabot ka pa sa schedule mo today Mr. Aguillo"

Ngumisi siya at tumango.

"Uly na lang itawag mo sakin. Rio, tara na"

Ngumiti ako at tumango. Uly? Uly-kba Charot.

"Shall we?"

Sambit ko. Tumango siya at sumunod sakin.  Naglakad kami papunta sa dalampasigan kung saan nakaabang sa isang tinayong tent ang mga makakasama ni Uly mamaya.

Nakangiti kaming sinalubong ng mga professional divers ng resort.

"Good morning ma'am Ysa. Good morning sir"

Tumango ako at ngumiti.

"Sir, pumunta na lang po kayo don para masuot niyo na po yung equipment and gears na kailangan. First time niyo po ba?"

Kumunot ang noo niya at umiling.

"It's my third time today. Pero hindi ka sasama sakin mag scuba dive?"

The Habit of Running AwayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt