16

3 0 0
                                    


Telephone Call

---

"What happened Ysa! Spill the tea sis"

Umirap ako at tumingin sa inaayos na halaman ni Lando.

"Wala. Kaya chupi, nagt-trabaho ako Alyana at Kyla. Enjoyin niyo na yung dagat dahil mamaya wala na yan"

Humalukipkip si Kyla sa harapan ko.

"Mahina ang bata natin Aly. Kailangan pa nating i-seminar"

Tumingin naman sakin si Alyana at may pagtango pa.

"Oo nga e. Tara na nga, mag swimming na lang tayo. Baka nahihiya lang siya mag kwento kasi she's at work. We'll see you later!"

Alyana waved her hand at hinila na si Kyla paalis doon. Nakahinga ako ng maluwag. Tumingin naman sakin si Carlo.

"Kaibigan niyo ho pala si Ma'am Alyana. Ngayon lang ho ako nakakita ng artista Ma'am. Nakakatuwa ho"

"Oo nga ho Ma'am. Nakakatuwa ho. Ngayon la'ang din ho ako nakakita ng artista sa tanan ng buhay ko"

Singit ni Lando. Ngumiti ako sa kanila.

"Idolo ho ng anak kong si Stephanie yang si Ma'am Alyana. Lahat ng notebook ay may mukha niya."

Nang sinabi ni Lando yon, napangiti ako.

"Mamaya ihihingi ko kayo ng picture kay Alyana."

Malapad ang ngiti ni Carlo.

"Nako? Talaga ho Ma'am? Nako! Matutuwa si Stephanie pag uwi ko sa biyernes."

Ngumiti ako lalo na ng makita ang ngiti niya at ang naluluha niyang mga mata. I patted his shoulder.

"You're a great dad"

Ngumiti ito at nahihiyang nagkamot ng ulo. I smiled at him. Naputol ang paguusap namun nang dumating si Tess.

"M-ma'am, may tawag ho galing sa management"

Nagsilungunan kami nang magsalita si Tess na hinihingal pa. Mukhang nag madali siya papunta dito dahil namumutla siya at pawisan.

"Sige. Maiwan ko muna kayo dyan Lando, Carlo."

Naglakad na ko papuntang opisina habang nakasunod sakin si Tess.

"Urgent daw po Ma'am. Mukhang galit pa ho ang nasa kabilang linya. Hinahanap ho kayo at k-kailangan niya daw ho kayong maka-usap agad-agad."

Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. Galit? Nagmamadali akong maka-usap? Anong meron?

"M-ma'am, may n-nagawa ho ba tayong m-mali?"

Tanong ni Tess at parang maiiyak na. Bumagal tuloy ang lakad ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Don't worry Tess, I'll handle it"

Bumuntong hininga siya at tumango. Ngumiti ako sa kanya bago buksan ang opisina ko at kuhanin ang telepono.

"Ms. Ysabelle Gonzales po, speaking"

Kumunot ang noo ko ng marinig ang mahinang tawa ng isang babae.

"So it's really true you're stuck there"

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now