2

3 0 0
                                    


Meeting

×

"Good morning Ma'am Ysa"

Ngumiti ako sa assistant ko na kaisa-isang bumabati sakin tuwing umaga at tuwing makikita ako.

Marketing Head - Ysabelle Gonzales

Dumiretso ako sa opisina ko at hinubad ang coat. Umupo ako sa swivel chair at nagsimulang tingnan ang mga proposal para sa pag la-launch ng bagong product ng kumpanya.

Napa-angat ang tingin ko nang kumatok ang assistant ko.

"Ma'am may urgent meeting daw po mamayang 10:00 am sa conference room regarding sa new product na ila-launch."

Bumaling ako sa relo ko at tiningnan ang oras. Napataas ang kilay ko. Urgent pero mamaya pang 10:00, bakit hindi pa ngayon. Gusto kong matawa pero hayaan mo na kumpanya naman nila to'.

"Okay, thank you Melissa."

"Ma'am coffee po?"

Umiling ako at nginitian siya kahit nasa mga papel sa harapan ko ang atensyon ko. Inangat ako ang tingin dahil hindi pa rin siya umaalis. Nang magtama ang tingin namin, nginitian niya ako bago lumabas.

Medyo weird tong batang to' pero marami siyang alam tungkol sa market and marami siyang fresh ideas na kailangang pahinugin.

Napa-angat ang tingin ko nang may kumatok sa pinto. Idinungaw ni Melissa ang ulo nito sa pinto at ngumiti na parang natatae. Nakakunot ang noo ko sa kanya.

"What?"

Mataray kong sabi. Awkward siyang ngumiti.

"T-there's a-a c-commotion p-po sa t-team B m-ma'am"

Itinaas ko ang kilay ko at huminga ng malalim bago tumayo sa kinauupuan.

"Alam mo Anton, umayos ka! Bakit mo ginagaya yung idea ko? Wala ka bang sariling utak?"

"Hindi ko ginagaya yung gawa mo no'! Ano ikaw lang may kakayahang mag-isip ng ganung idea?"

Napairap ako at humalukipkip sa harapan nila. Mga bago sila dito sa company at mga fresh grads na tini-train ng mga seniors. Natahimik sila nang mapansin ako.

"The both of you, come to my office. Now."

Tinalikuran ko sila at dumiretso sa opisina na iniwan kong bukas ang pinto. Pumasok silang dalawa.

"Close the door. Umupo kayong dalawa dyan"

I can sense the rage sa batang babae at takot naman para sa batang lalaki. Nang umupo sila sa couch na nasa gilid, humalukipkip ako sa harapan nila.

"Care to explain what was that?"

Wala silang imik parehas. Pareho silang nakatingin sa magka-ibang direksyon at iniiwasan ang tingin ko.

"Walang magsasalita sa inyo?"

Wala pa rin silang imik. I rolled my eyes and went to their place. I checked their ID's.

"Jennina Collantes and Anthony Rigor"

Both names are familiar. Parang narinig ko na somewhere. Ah! The one's whom my boss  chose sa isang University job recruitment.

"Gusto niyo pa bang tumagal dito?"

Mabilis na tumango yung lalaki at parang konting sandali na lang, maiiyak na. The girl on the other hand remain in the same position but I felt her sudden fear. Napangiti ako. These kids are so predictable.

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now