12

2 0 0
                                    


Drunk

---

Nakabusangot siya nang iabot ko yung cellphone ko para kuhanan ako ng picture.  Nasa dalampasigan kami at kakatapos lang naming kumain. Hinila ko siya sa seashore para kuhanan ako ng litrato.

Pwede daw kaming magliwaliw at mag ikot-ikot hanggang bukas dahil yun daw ang sinabi ng management sa kanila.

Si Tess at Lito naman ay bumalik na sa mga trabaho nila dahil magbu-bukas ang west wing ng resort at tatanggap ng mga guest sa susunod na mga linggo.

Naka white string two-piece bikini ako ngayon at nag-iisip ng ipo-pose. Nasa harapan kami ng mga villas namin kung saan wala masyadong staff ng resort.

"Kuhanan mo na ko bilis! Dagat na dagat na ko"

Umirap siya at pinindot yung cellphone ko. Agad niyang binalik sakin yon kaya umirap ako at sinampal yung kamay niya.

"Damihan mo naman! Ano ba naman to!"

Wala siyang imik at inirapan akong muli habang ipinupwesto ang camera para kuhanan ako ng litrato. Kung anu-anong pose ang ginawa ko. Sana naman may nakuhanan siyang maganda.

Nang mapagod ako, kinuha ko yung phone ko sa kanya at tiningnan yung mga kuha niya. Maayos naman siya kumuha kahit hindi maipinta yung mukha niya. Umupo ako sa sun lounger at pinost ang bikini photo ko sa ig.

Ibinaba ko yung cellphone ko at tumayo.

"Tara swimming Engineer"

Pinanood niya lang ako tumakbo sa dalampasigan habang umuupo sa sun lounger at busangot ang mukha. Napatawa naman ako. Ano nanaman kayang problema ng epal na yon?

Pinanood kong salubungin ng paa ko ang alon. Kulay asul ito at kitang-kita ang paa ko. White and fine sand pa. Napangiti ako sa tuwa. Ngayon na lang ulit ako nakapag beach.

Lumusong ako sa tubig at sinalubong ang maliliit na alon. Nasa bewang ko pa lang ang tubig. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang lawak ng dagat.

"What are you looking at?"

Napaiktad ako sa gulat nang marinig si Paolo na magsalita. Humawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat.

"Ano ba yan! Sumusulpot ka bigla"

Tumawa siya at tiningnan ang direksyon ng kanina kong tinitingnan. Hinahanap kung anong meron doon. Natawa tuloy ako at hinampas siya sa braso. Napabaling ako sa katawan niya nang mapansing bare skin ang nahampas ko dzai! Topless si kuya mo!

Napabaling ako sa katawan niya habang busy siyang tingnan ang paligid. Dzai! Bakit ganito???

"Ehem"

Napatingin ako sa kanya at agad namula nang makita yung nakakaloko niyang ngiti.

"A-ah, aahon na ko. M-mag a-ayos pa pala ako ng g-gamit"

Hindi siya nagsalita. Nakataas lang yung kilay niya at may nakakalokong ngiti sakin. Lalo akong namula kaya tinalikuran ko siya.

"Sige, ayusin mo ulit yung inayos mo na"

Umirap ako at nag desisyon na umahon na sa dagat. Umupo ako sa sun lounger habang pinapanood siyang lumangoy.

He really fits in the beautiful view. His broad back, his abs and his complexion. His brown and round eyes, thin and pinkish lips, his personality and warmth. Matagal ko siyang pinanood bago nakumbinsi ang sarili na bumalik sa villa at magshower.

The Habit of Running Awayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن