17

2 0 0
                                    


Charge

---

"Maayos na ba ang lahat Tess?"

Tumango siya at halatang kinakabahan. Ngumiti ako.

"Wag kang kabahan. Kung artista kinaya mo, anak pa kaya ng Mayor?"

Tumango tango siya at humingang malalim bago itinuon ang pansin sa papadaong na bangka.

Gaya ng ginagawa namin sa iba, sinalubong din namin ang anak ng Mayor ng lungsod. I smiled when he approached our side.

"Good morning Mr. Aguillo. Welcome to our resort"

He smiled widely while surveying the place. His smile slowly fade when his eyes met Tess'.

"G-Good morning sir"

Kita kong kabadong-kabado si Tess kaya I patted her shoulders.

"This is Tess, my assistant. Siya ang mag-aassist sa inyo sa villa niyo"

May binulong siya sa katabi niyang lalaki.

"Ma'am Ysa, right?"

Tumango ako sa lalaking nagsalita sa tabi niya.

"I'm sorry gusto niya daw pong kayo ang maghatid sa kanya sa villa niya"

Pinigilan ko ang pagkunot ng noo at pasasalubong ng kilay ko. I smiled to hide my irritation.

"Okay sir. Tess ikaw na ang bahala dito ha?"

Tumango siya sakin at tipid na ngumiti. I patted her back before turning my eyes to him.

"Okay sir, this way po. Carlo take his luggage"

Naglakad na kami papunta sa villa niya. Ang malapad niyang ngisi nang makababa ng bangka ay wala na. Ibang emosyon ang nasa mga mata niya kanina pero hindi naman ako chismosa kaya ipagpapasawalang bahala ko na lang. Mahihirapan lang ako pag inisip ko pa.

"This is your villa sir"

Tumango siya sakin at ngumiti.

"Thank you. Miss Ysa pwede bang mag request?"

Tumango ako at ngumiti.

"Pwede bang ikaw na lang ang mag assist sakin dito?"

Napatigil ako sa sinambit niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nag bi-biro ba siya?

"Pwede naman yun diba? I'll ask my dad and tito Ignacio about this matter. I really want you to assist me."

Ngumiti ako at kunwaring nahihiya pa pero gustong gusto ko na siyang kaltukan. Ang dami-dami kong ginagawa ako pa iistorbohin niya.

"Excuse me po Ma'am Ysa at Sir. May emergency lang daw po sa lobby."

Sabay kaming lumingon kay Carlo na kanina pa yata nandito. Tumango ako dito bago tumingin kay Mr. Aguillo at ngumiti.

"I need to attend to that matter. We'll talk about your concern soon. Thank you Mr. Aguillo"

He smiled before turning his back on me. When he went inside his villa, I walked back to the lobby.

"Wala talagang emergency sa Lobby Ma'am. Inilayo lang ho kita duon at anak ng Mayor at mukha hong di kayo kumportable"

I smiled.

"Salamat Carlo ha. Nako, umiinit ang ulo ko sa anak ng Mayor na yon. Nahatid mo naman ba ang kasama niya sa kwarto niya?"

The Habit of Running AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon