11

3 0 0
                                    


Lahat ng Edad

---

Mariin akong pumikit at hinawakan ang sentido ko. May hangover pa ako dahil sa padespidida party ni Alyana sakin. Natapos kami ng 3:30 ng umaga at gumising ako ng 5:00 para maligo at mag-ayos.

Sumilip ako sa kwarto ng dalawa at nagtaka kung bakit wala sila dito. Tinext ko na lang kung nasaan sila at pinagpatuloy ang pag-aayos ng ibang mga gamit na hindi ko naayos kahapon.

Saktong pagkalabas ko ng dalawang malaking maleta at isang backpack ay saktong tumunog yung doorbell. Tinulak ko yung dalawang maleta at isinukbit ang bag sa right shoulder ko.

Bumungad sakin ang bagong ligo na si Paolo. I can smell his scent and his damp hair shout freshness. He's wearing a white shirt, shorts and makapal na tsinelas. I'm wearing a pastel blue v-neck shirt na nakatuck-in sa maong shorts ko at naka flip-flops. My hair is in a bun and may shades ako sa ulo.

"Dun ka na ba titira?"

Tanong niya habang tinutulungan ako sa mga maleta ko. Tumawa ako.

"Sa tingin ko, oo. Ako mag ma-manage non diba?" Sarkastiko kong sabi at inirapan siya. "Ingatan mo yan. Nandyan ang buhay ko"

Tiningnan niya ang dalawang maleta na tulak-tulak niya papuntang elevator. Hindi siguro makapaniwala sa dala-dala ko. Humikab ako at ibinaba ang sunnies ko.

"Inom pa"

Nanliit ang mata ko.

"Paano mo naman nalaman?"

Hindi siya nagsalita. Pinawemangan ko siya at masamang tiningnan.

"Paano mo nalaman"

Umirap siya at humarap sakin. Bigla akong na concious sa itsura ko.

"Amoy alak ka pa"

Inamoy ko yung sarili ko pero hindi ko maamoy. Imposible naman yun kasi kakaligo ko lang at nag toothbrush din ako.

"Hindi naman ah? Kapal mo"

Inaamoy ko yung sarili ko pero hindi ko talaga maamoy. Pinanood ko siyang maglagay ng maleta sa backseat. Nakita ko lang yung isang maliit na maleta at isang malaking backpack. Buti nagkasya yung mga maleta at yung backpack ko. Sinarado niya yung pinto ng backseat.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay ako at prenteng umupo doon. Humikab ako. Hindi pa siya umaalis doon kaya tiningnan ko siya. Umirap naman siya at kinuha yung seatbelt at ikinabit sakin. Ito nanaman yung tibok ng puso ko.

Ang bango niya naman

Nakatitig lang siya sakin ng matagal habang hawak-hawak pa yung pinaglockan ng seatbelt. Inilapit niya yung mukha niya sakin kaya pumikit ako hinihintay na---

"AY PALAKA!"

Narinig ko yung malakas niyang tawa kasi hindi niya ako hinalikan, pina-lean back niya yung upuan ko. Umirap ako sa kanya at malakas siyang hinampas.

"Epal talaga"

Tumatawa naman siya at sinarado ang pinto. Sumakay siya sa driver seat ng may ngiti sa mga labi niya.

Ang pogi niya naman

"Matulog ka hindi yung kung anu-ano iniisip mo"

Umirap ako sa kanya at isinuot yung shades ko.

"Nyenye"

Narinig ko yung tawa niya.

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now