15

2 0 0
                                    


Truth or Dare

---

"Huwag mong sabihin na siya yung? Jusko Ysa. Pinagpala ka sa babaeng lahat!"

Hinampas hampas pa ko ni Kyla sa braso. Tumitili-tili pa sila ni Alyana. Clueless naman si Clay sa tabi. Nasa hapag na yung pagkain namin kaya niyaya ko na silang kumain dahil gutom na ako. Tinawag naman ni Alyana si Hailey para sa iinuming drinks mamaya. Nagulat pa si Hailey nang makita ako sa lamesa. I smiled.

"Ma'am, pa-order din po kami ng vodka and tequila. Pwede bang mag bonfire sa beach?"

Nastarstruck yata si Hailey kay Alyana pero agad ding nakabawi at tumango.

"Aasikasuhin po namin yun para sa inyo. Anything pa po Ma'am?"

Umiling na siya at ngumiti.

"Yun lang po sa ngayon. Thank you"

Ngumiti din si Hailey sa kanya bago tumalikod. Kumain kami at nagkwentuhan. Nang matapos kaming kumain, dumiretso kami sa dalampasigan para sa bonfire at sa inuman. Inakbayan ako ni Clay na hinayaan ko na dahil pareho sila ni Alyana na clingy.

"Ysa, may popcorn ba kayong tinda dito?"

Natatawang sambit ni Kyla. Umiling naman ako. Tawa sila ng tawa ni Alyana.

"Anong problema niyo? What did I miss?"

Sambit ni Clay. Lalo silang tumawang dalawa ni Alyana.

"Hayaan mo na yang dalawang yan Clay. May sarili yang mundo parehas"

Nagkamot naman ng ulo si Clay at tumango. Umupo ako sa bakanteng upuan. Tumabi sakin si Alyana at si Clay naman sa kanang bahagi ko. Nakapalibot kami sa apoy.

"Clay, tingnan mo nga yung nasa ulo ni Ysa. Parang may something siya sa head niya"

Lumapit sakin si Clay at may kung anong tinitingnan sa ulo ko. Tumingin ako sa kanya.

"Anong meron?"

Tumingin si Clay sakin at umiling.

"Wala namang nasa ulo mo e"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Alyana sa tabi ko.

"Engineer nandyan ka na pala! Upo ka"

Napabaling ako sa direksyon ni Paolo. Hindi man lang siya tumingin sakin. Tumango lang siya kay Alyana at umupo sa tabi ni Kyla dahil yun na lang ang bakante.

"Let the show begins"

Bulong sakin ni Alyana. Bumaling ako sa kanya at kumunot ang noo. Tumawa siya at kinuha ang vodka sa kamay ng bodyguard niya.

"Let's go. Inuman na"

--

"Laro tayo! Truth or dare!"

Marami na kaming naiinom at marami na din kaming napagk-kwentuhan.

"Ang bago ng laro mo Alyana ha"

Sambit ni Kyla bago ininom ang shot niya. Alam ko na may tama na tong dalawang to.

"Pag pipiliin ang truth, iinom. Pero pag dare hindi. Sasabihin muna natin yung dare at pag tatanggi, iinom. Edi matic na truth yon, pag hindi sinagot, iinom din."

The Habit of Running AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora