20

2 0 0
                                    

The ones we once loved :)

---

Ilang minuto na siguro akong naglalakad sa dalampasigan, hinahanap ang daan pabalik. Ilang oras rin akong tahimik na umiiyak roon sa likod ng puno ng bakawan, kaya nang magpasya akong maglakad pabalik, dapit hapon na.

Tila naubos na ang mga luha ko kakaiyak at naramdaman ang sakit at hapdi sa mga sugat na nakuha ko dahil sa pagkakadapa at pag takbo.

"Ma'am Ysa! Jusko! Kanina pa po namin kayo hinahanap"

Sigaw ni Tess sa di kalayuan kasama si Paolo at Lando.

Tumatakbong lumapit si Paolo para alisin ang distansya sa pagitan namin at mahigpit akong niyakap. Parang gusto kong maiyak dahil sa higpit at init ng mga yakap niya pero tila naubos ko na ang mga luha ko kanina.

"Let's have some rest"

He said and carried me to my villa. Itinago ko lang ang mukha ko sa leeg niya at yakap-yakap siya habang buhat ako na parang bago kaming kasal.

Nang makarating kami sa villa ko, marahan niya akong ibinaba sa kama. Kumuha siya ng baso ng tubig at iniabot sakin. Ininom ko naman yun agad at iniabot din sa kanya nang maubos.

Nagkatinginan kami. I can't read what is on his mind, or hindi ko lang talaga kayang i-process sa utak ko ang nakikita ko sa kanya. He caressed my hair and the warmth of his hand enveloped the pain I'm feeling. It's like his warmth is melting everything away. I closed my eyes and held his hand on my right cheek. I started to cry again. He immediately embraced me.

"Ang sakit sakit"

I said while punching my chest. He held my hand and placed it in his chest so I can stop hurting myself. I cried harder and harder like I didn't cried this hard earlier.

"Akala ko okay na ako, a-akala ko kaya ko na, p-pero bakit ganito? Bakit ko nararamdaman to?"

Nanginginig kong sabi. Mahigpit niya akong niyakap habang para akong bata na nagsusumbong sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganon, pero nagpasya na rin akong bumitaw para maligo at mahugasan ang mga sugat ko.

Nang matapos akong maligo, naabutan ko siyang nakatingin sa dalampasigan at pinapanood ang paglubog ng araw. Nang maramdaman ang presensya ko, inabot niya ang first aid kit at tinapik ang upuan para maupo ako roon. Agad ko siyang sinunod ng walang imik.

Marahan niyang nililinis ang gasgas sa mga tuhod ko. Agad akong napaigtad nang lagyan niya ng kung ano yun. Nang makita ang reaksyon ko, hinipan niya yung sugat ko at marahang dinadampian ng bulak. Agad nag init ang puso ko. Paolo is so gentle and sweet, ang swerte ng babaeng mamahalin niya.

Nang matapos niyang linisan ang mga sugat ko, tumayo na ako.

"Let's eat. Gutom na ako"

Sambit ko. Tumango naman siya at naunang lumabas sakin. Isinarado ko ang villa at nagsimulang maglakad. Sabay kaming naglalakad, dinadama ang malamig na hangin ng Disyembre.

Walang nagsasalita saming dalawa, tila ayaw sirain ang gaan ng pakiramdam at view.

Nang makarating kami sa pavillion, nakita kong nakaupo na doon si Andrei at si Inka sa tabi nito. Nakahawak si Inka sa baba ni Andrei at tila may sinisipat sa gilid ng labi nito. Iniwas naman ni Andrei ang mukha nang makita kami ni Paolo na papasok sa pavilion.

Taas kilay akong tiningnan ni Inka pero sinuklian ko siya ng tipid na ngiti. Umupo ako sa table kaharap nilang dalawa at katabi si Paolo sa gilid ko. He held my hand under the table to calm me down, which is helpful for me for I know that anytime soon, I can cry and breakdown again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Habit of Running AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon