13

2 0 0
                                    


Kiss

---

Bumangon ako sa kama nang wala na si Paolo sa tabi ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas-sais pa lang ng umaga. Anong oras kaya siya nagising?

Naligo ako at nagbihis ng baon kong white beach dress. Nasa ilalim nito ang string two-piece bikini kong pastel blue. I let my wavy hair down. Nag liptint lang ako at kinuha ang phone ko bago lumabas ng villa.

Ang plano ko ngayon ay bisitahin ang mga amenities ng resort, ang facility, at ang opisina ko na ipinaayos na daw ni Tess bago pa kami dumating dito.

Nakasalubong ko si Tess. Gulat siya nang makita ako. Agad ko siyang nginitian na malugod niyang ibinalik sakin.

"Good morning po Ma'am Ysa. Ang aga niyo naman po. Gigisingin ko pa lang ho sana kayo e. May natanggap po kasi kaming tawag galing Maynila na tatanggap na daw po ng mga oculars at reservation ang resort sa Monday."

"Let's talk about it in my office. Can you lead me the way?"

Tumango siya at naglakad papunta sa opisina ko kaya agad ko siyang sinundan. Nang makarating kami sa opisina ko, hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa aliwalas ng ambiance nito.

Maliit lang to' hindi gaya ng opisina ko sa kumpanya pero sobrang refreshing ng paligid. May mga halaman ito sa loob at kulay puti ang interior, may painting ng dagat na nakasabit sa dingding. May malaking bintana ito na kitang-kita ang dagat. May lamesa doon na may telepono, computer at papeles na maayos na nakasalansan. May divider din sa gilid nito na may mga files at awards na maayos na nakasalansan doon at may coffee table na may upuan malapit sa pinto.

Dumiretso ako sa upuan ko at binuksan ang computer para mag check ng emails.

"Ganyan ho ba talaga kayong mga taga Maynila Ma'am?"

Napabaling ako sa kanya.

"Ang alin Tess?"

Nahihiya siyang ngumiti sakin bago tuluyang magsalita.

"Maaga ho kayong gumigising para magtrabaho?"

Tumawa ako at umiling.

"Siguro yung iba."

"Ang akala ho kasi namin pag taga Maynila, marangya ang buhay at madalas tanghali kung gumising"

Mas lalo akong natawa. Umiling ako.

"Nako Tess sinasabi ko sayo, Manila is more than that."

Tumango siya.

"Mahal na mahal niyo po ang trabaho niyo ano ho? Lalo na ho si Engineer. Alas singko pa lang ho ng umaga e nasa east wing na para magtrabaho"

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Alas singko siya gumising? Alas-tres nung lasing siyang pumunta sa villa ko. Sigurado akong wala siyang tulog at may hangover pa.

"May gamot ba kayo sa hangover Tess?"

Tumingin siya sakin at tumango.

"Dadalhin ko ho dine mamaya. Para ho ba kay Engineer?"

Nanlaki ang mata ko at pinamulahan ng pisngi. Ibinalik ko ang tingin sa computer ko.  Narinig ko ang mahinang tawa ni Tess.

"Dadalhin ko ho dine mamaya. Sasamahan ko din ho kayo papunta sa kabilang dulo ng resort"

The Habit of Running AwayWhere stories live. Discover now