Tip No. 4 - Mag-reflect

5.1K 121 5
                                    

August 15, 2014

Talaga bang dapat sabihin ko sa mga tao na birthday ko ngayon para batiin nila 'ko? Hindi ba pwede na, since kaibigan ko naman sila, ni-research na lang nila ang tungkol saken?

Hay. Kung sa bagay, wala namang Sharmaine Cruz sa Wikipedia kaya kailangan ko talagang i-supply ang info.

Itaga mo 'to sa bato, Wikipedia! Magkakaron ka din ng page tungkol sa kagandahan ko! Pffftt.

"Ano tinatawa-tawa mo dyan, Shay?" Sabi bigla ni Yumi na tumayo na sa harap ko at tumitingkayad-tingkayad. "Tara na, next class na."

"Ba't ba nagmamadali ka pumunta sa next class mo?" Tanong ko.

Napataas ako ng kilay sa kanya at natawa na ulit bigla nang na-realize ko ang isang bagay.

"Mali pala 'ko, hindi ka pala excited pumunta sa next class mo. Excited ka na i-hatid ako sa next class ko."

Napangiti lang sya ng malaki bilang sagot. At least, hindi nya dine-deny.

Pagkatapos kasi naming tatlo nila Yumi at Kat ng English, Filipino ang next subject namin ni Kat at kaklase lang naman namin doon si Nathan. Hindi sila pero obvious naman na nagkakagustuhan ang dalawa. Hindi ko lang gets kung bakit hindi pa ligawan ni Nathan si Yumi samantalang wala naman syang maaayawan sa kaibigan ko.

Maganda si Yumi, mahaba ang buhok nya na itim at straight, matangos ang ilong at kissable ang lips. Matalino din sya at may sense of humor. Mukha nga lang syang hindi makabasag-pinggan, gaya lang ng name nya na Mayumi, pero alam naman namin na palaban din 'tong babaeng 'to.

Tumayo na 'ko at sumunod na sa kanilang dalawa palabas. Nasa parehong floor lang naman kaya hindi ganon kalayo ang lakaran papunta sa susunod naming klase.

Iniwan nila Benedict at Nathan ang nakapalibot na fan girls sa kanila sa labas ng classroom at pinuntahan kami ng nakita kaming palapit.

Sinamaan naman kami ng tingin ng mga babaitang 'yon at may isa sa kanila na minura pa kami gamit ang middle finger nya bago sila pumasok ng classroom.

'Wag mo na patulan, Shay. Birthday na birthday mo, makikipag-away ka? Magiging pangit ka lang, katulad nila. Sabi ko na lang sa sarili ko.

Dumikit agad si Nathan kay Yumi at napansin ko ang pagliwanag ng mukha nilang pareho nang magkasama na sila ulit.

Hindi ko alam ba't hindi pa nila aminin na adik sila sa isa't-isa. Kung sadyang slow sila pareho, kailangan na yata namin ni Kat tulungan ang dalawang 'to.

Pinapanood ko pa rin silang dalawa at hindi napansin agad na nakatayo na pala si Benedict sa harap ko. Tinusok ng daliri nya ang noo ko at inabot saken ang isang box na may nakalagay na Cupcakes by Sonja nang napatingin na 'ko sa kanya.

"Suhol na naman? Hindi ko gagawin assignments mo, Benedict." Sabi ko sa kanya pero kinuha ko pa rin ang box.

Aba, kung cupcakes nga ang laman nito, bawal tanggihan.

Nagkunwari naman si Benedict na nasaktan sa sinabi ko. "Akalain mo yun, naalala ko na nga na birthday mo tapos ganyan pa? Dapat pala kinain ko na lang 'yan."

"Birthday mo, Shay?" Gulat na tanong ni Kat at tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Inakap nya agad ako at binati at hindi ko na mapigilan ang mapangiti ng malaki. May nakaalala din ng birthday ko, sa wakas.

Imbis naman na batiin ako ni Yumi, hinampas nya 'ko sa braso. "Bakit hindi mo sinasabi na birthday mo?"

"Aray." Hinimas-himas ko ang braso ko na kunwari masakit.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now