Tip No. 22 - Huwag Kang Matakot Na Magsimula Ulit

2.7K 84 8
                                    

"What would you like to eat, Shay? 'Wag kang mahihiya, kahit anong gusto mo, order ka lang," ang sabi ni Mack sa harap ko.

Tumingin muna ako kay Kat, na nakaupo sa tabi ko at bumaling rin sa akin sandali para ngumiti, bago ko binalik ang mga mata ko sa pagpili ng makakain.

Nakakapaglaway ang pictures sa menu na hawak ko, pati na ang sini-serve sa mga table na nakapalibot sa amin dito sa Exquisite, pero, unfortunately, puno na ang tyan ko ng pinaghalo-halong negative emotions at naubusan na ito ng space para sa tunay na pagkain.

Pinilit ako ni Kat na sumama sa modeling gig niya kahapon, isang araw matapos ang World War Three, Four at Five, dahil kailangan ko raw ng distraction at doon kami nagkita ulit ni Mack. Niyaya naman agad ako ni Mack na makipag-date sa kanya pero nag-alangan ako noong una na um-oo, kahit pa nag-suggest siya na isasama namin sina Kat at Dean para maging double date ang okasyon. Napapayag lang ako nang sinabihan ako ng kaibigan ko na kailangan kong mahanap ang sarili kong happiness at hindi ko dapat tanggihan ang unang opportunity na binigay sa akin para tuluyan nang makapag-move on.

Hindi ko sigurado kung paano ba talaga makipag-date dahil first time ko ito (hindi counted ang mga ginawa namin ni Benedict dahil sa condo niya lang kami nagpunta at walang ibang activity na nangyari bukod sa sex) pero, sa palagay ko, naging okay naman ang lahat.

Bukod kasi sa pagiging gwapo, masarap din kausap si Mack at hindi pa siya nagpe-fail na patawanin ako. Nakinig siya nang mabuti sa lahat ng sinasabi ko at naging attentive pa siya sa mga pangangailangan ko na para bang special ako sa kanya. Nakakakilig, sa totoo lang, at natutuwa ako na pinaramdam sa akin ni Mack ang ganito; lalo na ngayon, kung kailan magulo ang buhay ko.

Kaya naman, may genuine na smile sa mukha ko habang magkasama kami. Kaso nga lang, naramdaman ko ang pag-dissolve nito nang napadpad na kami sa Exquisite, ang restaurant kung saan kami magdi-dinner, at naging awkward na ulit, para sa akin at least, ang lahat.

Na-mention dati ng isang member ng HNZ na madalas sila kumain dito pagkatapos nila mag-practice at kinakabahan ako na baka bigla na lang sumulpot si Benedict nang walang warning. Sigurado naman ako na wala siyang pakialam kung mahuhuli niya ako na may kasamang ibang lalake pero ayoko pa rin siyang makita. Hindi pa ako ready na harapin siya ulit pagkatapos ng mga nangyari noong lunes.

Nag-aalangan pa ako dahil malapit na matapos ang date na ito at hindi ko alam kung ano ang expectations ni Mack sa akin. Medyo naguguluhan din ako sa kung saan ba ako mas nagwo-worry - sa idea na hindi pala siya nag-enjoy sa company ko at wala na siyang balak na yayain ako na lumabas ulit o sa idea na sex pala ang kabayaran ng date na ito at balak niyang maningil mamaya.

Hindi ako against sa idea ng pakikipag-sex kay Mack, lalo pa at sigurado ako na hindi ako mabubuntis dahil may laman na ang tiyan ko, at masyadong active ang pregnancy hormones ko para ayawan ang katulad niya. Kaso nga lang, hindi ko maalis ang pakiramdam na kinakaliwa ko ang tatay ni Peanut.

Mahal ko pa rin siya, wala naman on and off switch ang feelings na iyon para mawala na lang agad, pero wala kaming relasyon o kahit na anong claim sa isa't-isa at hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal sa sistema ko ang loyalty ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko pa rin siya na sirain ang ulo at mood ko samantalang nakapag-decide na ako na magmo-move on na ako mula sa kanya.

Tama na, Shay. Hindi siya si Christian Grey para magpakamasokista ka nang ganyan, ang paalala ko sa sarili ko.

Pasimple akong umiling-iling para mahawi na ang negativity sa katawan ko at nag-focus na lang ulit sa menu. Ilang beses din dinaanan ng mga mata ko ang mga nakasulat dito pero wala pa rin akong magustuhan kaya nag-give up na ako sa pag-try na makapili.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें