Tip No. 16 - May Mga Bagay Na Mahirap Harapin Mag-isa, Rely On Your Friends

3.5K 104 33
                                    

Nagising na lang ako bigla dahil sa tuloy-tuloy na katok sa pinto at sa umalingawngaw na malakas na boses mula sa kabilang side nito.

"Shay? Tayo ka na, girl. Aalis na tayo in twenty minutes," sabi ng bago kong roommate na si Claire.

Imbis naman na tumayo na nga ako para pagbuksan siya ng pinto at mag-ready na dahil malayo pa ang pupuntahan namin ngayong Sunday, binalot ko na lang ulit ng kumot ang sarili ko. Hinagip ko ang alarm clock na nasa katabing maliit na table para tingan sana ang oras pero, nang sinubukan kong idilat nang mabuti ang mga mata ko, grabe, nahirapan ako.

Paano kasi, minarathon namin ni Claire ang season one ng New Girl kahapon. Ayaw niya akong iwan mag-isa kaya, kahit may lakad dapat siya kasama ang mga naging kaklase niya ng first sem sa College of Liberal Arts ng USLR, hindi na siya tumuloy para lang libangin at bantayan ako.

Gusto niya sanang isali sina Kat at Yumi sa pag-babysit sa akin kaso tinanggap na ni Kat ang modeling gig na offer ni Mack at nag-umpisa na ang photoshoot nila kahapon. Si Yumi naman, well, sabihin na lang natin na hindi pa siya nakakalabas sa unit ng boyfriend niya simula nang umuwi kami dito sa Bonne View galing sa ospital noong Friday night.

Sinubukan naman nila na bumawi sa akin kahit paano. Inulan ako ng texts ni Kat kahapon kahit busy siya sa pag-discover ng isang bagong career kasama ang bago niyang hero na si Dean. Nilibre naman kami nina Nathan at Yumi ng lunch at dinner na pina-deliver nila sa unit ni Claire kahit busy sila sa pag-aayos at pagpapalalim ng relationship nila.

Naiintindihan ko na pare-pareho kami ng mga kaibigan ko na may issues na gustong maresolbahan pero hindi ko napigilan ang sarili ko na malungkot. Alam kong concern sila sa akin at hindi naman sila nagkulang sa pagpaparamdam nito kaso lang talaga, iba pa rin 'yung nandito sila para ma-comfort ako at ma-assure na magiging okay din ang lahat.

Kaya naman, na-appreciate ko nang bongga ang effort ni Claire para damayan ako. Iyon nga lang, hindi iyon naging enough at nalunod pa rin ako sa tears nang nagpahinga na ako sa kwarto ni Yumi kagabi.

Ayoko sanang malaman niya at ng mga kasama namin mamaya ang tungkol sa pag-iyak ko. Para ko na rin kasi inamin sa kanila na hindi ko na kinakaya ang lahat ng ito samantalang nag-effort pa man din ako nang husto para magpanggap na strong sa harap nila. Saka, may mga kasama rin kami na hindi pa alam ang tungkol kay Peanut at ayoko naman makiliti ang curiosity nila dahil sa itsura ko.

Ayoko pa sanang kumilos pero napilitan akong umupo sa kama at tumingin sa salamin na nasa katapat na dresser para silipin ang sitwasyon ng mga mata ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa nakita dahil, putragis, mukha akong anak ng isang panda na nakipag-sex sa chameleon.

Maga ang mga mata ko at ang lalim pa ng eyebags nila. Natuyo na ang mga sugat ko sa pisngi at sa labi na nakuha ko nang nakipag-away ako noong Friday at naging bluish na ang mga pasa ko sa katawan.

Mukha akong aping-api. Kung magsusuot ako ng punit-punit na damit at guguluhin ko pa lalo ang buhok ko, mukha akong baliw na aping-api. Nag-promise pa man din ako sa sarili ko na hindi ako magdadrama dahil, bukod sa wala naman ako sa harap ng camera, wala naman dapat ikadrama. Wala naman kasing namatay eh. At least, wala pa. Sana, wala na talaga.

Sinubukan kong ayusin ang itsura ko kahit paano nang kumatok na ulit si Claire.

"Hoy, Sharmaine, get your butt up already. Tinanong ko 'yung doktor mo at sabi niya pwede ka sumama as long as makakapagpahinga ka pa rin," sigaw niya. "Wala kang excuse, you hear me? Hindi ka pwedeng magkulong lang dito hanggang bukas."

"Sabi ko nga, tatayo na 'ko," pabulong kong sagot na may kasamang isa na naman buntong-hininga.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at huminga na muna ako nang malalim bago ko ito binuksan. Hindi ko na hinintay pa na magtanong si Claire kung kamusta na ang lagay ko at dumiretso na agad ako sa banyo para maligo.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon