Tip No. 7 - May Mga Bagay Na Meron Ka, Kilalanin Kung Ano Sila

5K 121 10
                                    

"Grabe, excited na 'ko lumabas si Peanut." Sabi ni Yumi na may malaking ngiti sa mukha habang tinitignan ang hawak na picture.

Sembreak na at nakatambay kami ngayon dito sa ospital, sa loob ng sosyal na kwarto nya.

Nasa kalagitnaan sila ng movie na 'Sixteen Candles' nang dumating ako kanina at biglang napunta ang attention ng tatlong babaeng 'to sa inilabas kong picture na ibinigay nang nagpa-ultrasound ako.

"Pangalanan daw ba ang anak ng may anak." Sabi ko kay Yumi sabay kuha sa picture.

Pinagmasdan ko din ito at hindi napigilan ng kamay ko na himasin ang lumalaking tyan. "Pero mukha nga talagang peanut, 'no?"

"Hindi mo pa rin ba sasabihin kay Benedict, Shay?" Tanong ni Kat sabay hablot sa picture sa kamay ko. "Sya ang ama ni Peanut, he's got the right to know."

Napakagat ako bigla ng labi dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot. Siguro nga may karapatan si Benedict na malaman pero pano ko ba sasabihin 'to sa kanya? Mukha namang pareho kaming hindi pa ready sa responsibility.

Pano kung hindi nya i-accept na sya ang ama o i-propose nya agad na ipa-abort ko na lang si Peanut (talagang pati ako, Peanut na rin ang tawag)? Bukod sa may takot ako kay God, hindi ko pa rin 'yon magagawa dahil napamahal na saken itong mukhang malaking mani na nasa loob ng tyan ko.

Nagbuntong-hininga ang katabi kong si Claire at kinuha kay Kat ang picture. "Girl, 'wag ka masyadong matakot sa magiging reaction nya. Saka na yan 'pag sinabi mo na talaga."

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot kahit alam ko na hindi madaling gawin ang sinabi nya.

"As Peanut's godmothers, kaming tatlo bahala sa inyo." Dagdag ni Claire.

Napangiti naman ako sa assuming na babaeng 'to na naging isa na agad sa mga best friends ko sa loob lang ng maikling panahon (as in halos isang buwan na ngayon, simula nang na-ospital si Yumi). Siguro dahil pareho kami ng ugali kaya madali kaming nagkasundo pero kung hindi nasaksak si Yumi, malamang hindi ko pa rin kakausapin si Claire.

"Automatic na ninang na kayong tatlo, ganon?" Sabi ko sa kanya sabay hila sa buhok nya na humaba na hanggang balikat pero kulot-kulot at kulay pula pa rin.

Tinapik nya ang kamay ko at nag-smile. "Aba. Oo naman, no. Ang swerte pa nga ni Peanut sa'men."

"Who's Peanut?"

Napatingin kaming apat sa may pinto at bumungad sa'min ang mga gwapong mukha nila Nathan at Jay. Kinuha ko agad kay Claire ang picture at tinago sa bulsa ng bistida ko.

Hindi na 'ko makapag-shorts o pantalon ngayon dahil magte-twelve weeks na si Peanut at hindi na sila magkasya. Nakakatakot tuloy isipin na wala na 'kong masusuot pag lumobo na talaga ang tyan ko.

Inilapit ni Yumi ang bibig nya sa tenga ko. "Ang hirap talaga magtago ng secret kay Nate. Pwede ko na ba sabihin sa kanya?"

Sinagot ko lang sya sa pamamagitan ng pagtingin ng masama at pagpalo sa hita nya. Tinaas naman nya ang mga kamay nya na parang sumu-surrender at tumayo na para lapitan ang rockstar na boyfriend.

"Hey, babe." Bati ni Nathan sabay kapit sa bewang ni Yumi. Binigyan sya ni Yumi ng isang mabilis na kiss sa cheek pero hindi ito nakuntento at hinagip ang leeg ng girlfriend nya gamit ang isang kamay at hinalikan na sa lips na parang silang dalawa lang ang laman ng kwarto.

Minsan, nakakapag-selos. Hindi dahil sa gusto ko si Nathan o si Yumi (boys ang type ko, excuse me) kundi dahil naiinggit ako sa love na namamagitan sa kanila. Para bang, 'pag magkasama na sila, napupunta sila sa isang mundo na sila lang ang tao at wala na silang kakailanganin pa dahil more than enough na sila sa isa't-isa.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora