Tip No. 10 - Alamin Ang Options Mo

4.6K 132 33
                                    

"Shay, gising."

May lumitaw na kumakaway-kaway na kamay malapit sa mga mata ko at nag-crash nang wala sa oras ang ulirat ko pabalik sa loob ng coffee shop kung saan kami nakatambay nila Kat at Yumi pagkatapos mag-enroll.

"Nawawala ka na naman." Sabi ni Kat sa tabi ko.

"Nakipag-date muna 'ko kay Zac Efron gamit telepathy, girl. Maliit na kape lang kasi, ang tagal nyo pa inumin." Pabiro kong sagot sa kanya pero ang totoo, lumipad na naman ang utak ko sa mga nangyari noong isang araw sa loob ng kwarto ni Yumi sa Bonne View kung saan na-witness ko ang isang hindi kanais-nais na bagay at nakilala ko nang husto si Ken.

Talagang 'Ken' na ang tawag ko sa kanya. Sa dami ba naman naming na-share sa isa't-isa at sa halos minu-minutong pagtawag o text nya simula noong araw na 'yon para kamustahin si Peanut, ang magiging inaanak daw nya, naging close na kami agad.

Hindi naman pala masungit ang taong 'yon, ma-drama lang talaga ang buhay nya na pang-telenobela ang premise. Noong una, akala ko liliparan sya ng butterfly at aamin na pareho naming type si Benedict at si Ryan Gosling pero mas complicated pa pala dun ang sasabihin nya.

At least, matutuwa si Claire at ang iba pang fangirls ng HNZ dahil si Ken ay hindi isang sisteret, baklush o girl at heart, kagaya ng hinala ko.

"Hala. Ang init kaya ng kape tapos wala pa tayong ten minutes dito. Hindi lang makapag-coffee, naging coffee na sa ka-bitter-an, Shay?" Ang banat ni Yumi habang nilalaro ang susi na pendant na nakasabit sa leeg nya.

Inabot ng kabila nyang kamay ang tasa sa harap nya at idinikit sa labi na halatang nang-iingit.

Nilukot ko ang nahagip na tissue at binato sa mayabang na nasa tapat ko. Sayang nga lang at hindi man lang umabot, kahit na binigyan ko talaga sya ng effort, at tinawanan lang ako ng dalawang salbaheng kasama ko.

Pare-pareho kasi kaming mahilig sa coffee pero tumataas daw ang risk na makunan ang isang buntis pag-uminom kaya, hangga't maaari, 'wag na raw akong magkape sabi ni doktora.

Bukod sa maraming bawal, nababagabag din ako dahil ilang weeks na lang, magiging halata na ang tyan ko. Wala pa rin akong maisip na explanation o palusot na mabibigay sa mga taong kailangan ko sabihan tungkol sa sitwasyon ko.

Makakatulong sana ang coffee para gumaan kahit pano ang loob ko, o alak para makalimot kahit sandali, kaso wala sa kanila ang pwede saken ngayon.

Hay. Nakaka-depress.

Hinawakan ni Kat ang braso ko at nagtanong, "Ang tea ba hindi rin pwede? Or hot chocolate?"

Umiling ako sa kanya. "May caffeine din 'yon."

"Bibili na lang kita ng juice." Binigyan ako ni Kat ng isang sympathetic na ngiti bago sya tumayo at pumunta sa counter para mag-order.

Tumunog naman bigla ang phone ni Yumi na nakapatong sa table at kinuha nya ito para sagutin. Obvious sa laki ng ngiti nya na si Nathan ang tumatawag kaya pinilit kong i-tune out ang mga sasabihin nya at umikot na lang ang tingin sa loob ng coffee shop dahil magkaka-diabetes na 'ko sa nakaka-umay na ka-sweet-an nilang dalawa.

Lumingon ako sa likod at nag-landing ang mga mata ko sa isang gwapong lalakeng naka-upo sa may pinto. Pinanood ko sya habang hinahawi nya ang bangs ng medyo may kahabaan na itim nyang buhok at ina-adjust ang suot na eye glasses hanggang bumaling na sya sa laptop sa harap nya at nag-type ng mabilis. Nagsisimula nang maglakbay ang utak ko at ini-imagine ang itsura nya kung wala syang suot na salamin nang bigla namang umangat ang ulo nya at tumingin sa direction kung saan kami nakaupo. Iniwas ko agad ang mata ko at tumingin na lang sa may counter kung saan nandoon si Kat.

Sakto naman na nakita ko ang pagkakatulak kay Kat nang dalawang naghaharutang lalake sa likod nya. Sa tindi ng impact, napahakbang ng ilang steps ang kaibigan ko at muntik nang ma-out of balance. Buti na lang at hindi sya natumba dahil nahagip agad sya sa bewang nang matangkad na lalakeng naka-shades at baseball cap sa tabi nya.

Naglakad na 'ko papunta sa may counter na may full intention na makipag-away sa mga mokong na 'yon pero inunahan na 'ko ng lalakeng tumulong kay Kat.

"Sorry, miss. Nasaktan ka ba?" Sabi ng isa sa mahaharot habang sinusubukan nyang lumapit kay Kat at hawakan sya.

Tinapik naman ni Mr. Hero ang kamay ni maharot at pagalit na sinabing, "This isn't a fucking playground, dumbass. Go do that shit somewhere else."

Nagmadali naman lumabas ng coffee shop ang Maharot Brothers nang walang sabi-sabi at hindi na nila nakuha pang lumingon. Nakaka-intimidate naman kasi itong si Mr. Hero na kita ang pag-pe-flex ng arm muscles habang tinutulungan si Kat makatayo nang maayos.

"Okay ka lang, Kat?" Tanong ni Yumi na hindi ko napansing sumunod pala saken.

Tumango si Kat sa'min bilang sagot bago tumingin ulit sa lalakeng tumulong sa kanya at sinabing, "Thanks for your help."

Tinanggal na muna ni Mr. Hero ang shades nya bago binigyan si Kat ng isang smile at sigurado ako na hindi lang ako ang napanganga sa makalaglag-underwear na kagwapuhan ng taong nasa harap namin.

"You're welcome." Sagot nya.

Natigil lang ako sa pagtitig sa kanya nang napabaling kaming lahat sa counter dahil tinawag na ang mango smoothie na order ni Kat at isang cappuccino at espresso na order ni Dean, a.k.a. Mr. Hero.

Huminto si Dean sa tapat naming tatlo at humigop muna sa isa sa mga hawak nya bago nagsalita ulit. "Try to stay away from assholes. Okay, girls?"

Wala sa'min ang nakasagot at tumango-tango lang sa kanya na parang mababait na elementary school kids. Sinundan namin sya ng tingin at nakitang naupo sya sa tabi ni Mr. Cute Guy With Glasses na pinagmamasdan ko kanina.

Napayuko naman ako habang naglalakad kaming tatlo pabalik sa table namin dahil malakas ang feeling ko na nakatuon sa'men ang mga mata ng dalawang lalakeng 'yon. Medyo nakaka-ilang kasi dahil nahuli ako ni Mr. Glasses na nakatingin sa kanya kanina at baka isipin nyang isa akong weirdo-slash-stalker.

Napataas naman ang kilay ni Yumi nang nakaupo na kami at nag-lean forward sya ng konti para bumulong. "Medyo kanina pa nila tayo tintingnan."

"Sino?" Tanong ni Kat na nakakunot ang noo sa kanya.

"Yung gwapo kanina pati yung kasama nya na mukhang gwapo rin." Sagot ni Yumi.

Napakagat ako ng labi at dahan-dahang tumingin sa likod kung saan nakaupo ang dalawang gwapo na tinutukoy nya. Napalingon din sa Kat sa kanila at pareho kaming napadiretso bigla ng upo at napaiwas ng tingin nang nakitang pinagmamasdan nga nila kami.

"Why do you think they're looking at us?" Pabulong na tanong ni Kat.

Ngumiti naman si Yumi. "Maganda kasi kayong dalawa."

Lumingon ulit ako at nanlaki na lang ang mga mata nang nakita ko na tumayo ang dalawang lalakeng 'yon at naglakad sa direction kung saan kami nakaupo.

"Mukhang papunta sila dito." Ang warning ko sa dalawang kasama ko.

Pare-pareho kaming nanahimik bigla at nagkunwari na busy sa pag-inom ng coffee at juice at nagkatinginan na lang ng narinig namin ang malalim na boses ni Dean.

"Hello again, girls." Ang bati nya. Hinintay nya kaming tumingin sa kanya at sa kasama nya bago sya nag-salita ulit.

"I'm Dean and this is my friend, Mack. We're photographers --" Siniko si Dean ng kaibigan nyang si Mack at natawa sya sandali bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Si Mack ang photographer, actually, I just worked with him a few times."

"Yumi, Shay, Kat." Pakilala naman ni Yumi sabay turo sa'min ng katabi ko.

Ngumiti si Dean sa'min at napakamot muna ng ulo bago nagsalita ulit. "We don't normally do this but I hope you can hear us out."

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora