Tip No. 6 - I-accept Ang Realidad Na May Mga Bagay Na Wala Ka

5.3K 134 9
                                    

Hindi ko alam kung pano nalaman ng mga nandito sa school na nasaksak si Yumi pero 'yon ang pinag-uusapan sa buong College of Business ng University of St. Lorenzo Ruiz ngayon. Iba't-ibang version ang kumakalat pero, so far, hindi pa 'ko nakakarinig ng sakto talaga sa mga nangyari.

Nakakatawa na nakakainis lang yung mga naglabasang kwento dahil wala man lang bahid ng creativity at originality tapos hindi ko pa alam kung bakit kailangan ikonek nila lahat sa Heroes Not Zeroes.

Sabi sa rumors, suicidal daw 'tong si Yumi dahil pinagpalit sya ni Nathan sa ibang babae at ginawa raw nya 'yon sa sarili nya pagkatapos nyang saksakin ang bagong girlfriend ni lalake. Meron din naman na nagsasabi na si Nathan daw mismo yung gumawa dahil hindi na nya matiis ang pang-ii-stalk ni Yumi.

Ang best friend ko na nga ang nag-sa-suffer tapos sya pa ang pagbibintangan na salarin. Ang husay, 'di ba?

Ayoko naman mag-initiate ng pakikipag-usap sa mga taong 'to dahil wala naman silang pakealam talaga at gusto lang nila maki-chismis. Bibigyan ko lang sila ng panibagong pag-uusapan 'pag ginawa ko 'yon kaya hindi na lang.

Nakakasira tuloy ng Wednesday, unang araw pa man din ng October. Sana hindi 'to indication na magiging panget ang buong buwan na 'to dahil hormonal ako. Baka bigla na lang ako makasapak ng bongga, kawawa naman sila.

Absent ang prof sa first subject ko at wala namang lumapit saken para magtanong tungkol kay Yumi kahit alam nila na kaibigan ko ang nasa headlines ngayon at obvious na kating-kati sila na malaman. Tinignan lang nila 'ko na para bang isa 'kong display sa museum.

Okay sana kung yung tipo ng museum ay pang paintings o sculpture o science stuff kaso hindi. Para akong nasa Ripley's Believe It Or Not o yung mga ganong klaseng lugar na nag-di-display ng mga bagay na out-of-this-world ang kawirdohan. Siguro may kumakalat din na rumor na ako ang may gawa noon kay Yumi.

Nahahabag tuloy ako para sa kanya. Kami nga na kaibigan nya at hindi directly involved sa nangyari ganito na ang lagay, pano pa kaya 'pag pumapasok na sya ulit? Malamang mas malala ang chismis at tingin ng mga tao sa kanya.

Inunahan naman ni Kat ng kwento ang mga kaklase namin sa English, ang pangalawang subject ko today, at eager na eager naman sila na pakinggan ang totoong nangyari. Kulang na lang maglabas ng notebook at pen o voice recorder ang mga usi na 'yon dahil akala mo nag-pa-press conference itong si Kat at mga reporter sila kung magtanong.

Hindi naman lahat ng details sinabi ni Kat, yung mga bagay lang na makakatigil dapat sa rumors na self-inflicted ang nangyari o isa sa mga kaibigan namin ang gumawa ang shinare nya. Tinry ko sya pigilan dahil hindi naman talaga nila business na malaman pero nagmatigas si Kat.

"Mas maganda kung ma-ki-clear natin mga pangalan nila, Shay." Sabi nya.

Pinabayaan ko na lang sya sa trip nya pero hindi ako tumulong sa pag-supply ng info. Sayang lang ang maganda kong boses at precious ang laway ko, excuse me.

Bigla naman tumaas ang blood pressure ko pagpasok namin ni Kat sa pangatlo naming klase. Bumungad kasi agad sa may pinto si Benedict at pinalilibutan na naman ng mga tao.

Fan girls ng HNZ, to be exact, at nakaharang silang lahat sa daanan ng matitinong estudyante na pag-aaral talaga ang sadya sa school at hindi ang paglandi.

Nakakapikon pa, kung makahawak at maka-comfort ang mga babaitang 'yon sa kanya, akala mo concern na concern samantalang mga pasimpleng manyak naman talaga sila. Mukha pang gustong-gusto ng mokong ang attention dahil hindi nya sila pinipigilan.

Mas maganda pa siguro na sa gitna sa harap na lang sya tumayo para i-detalye ang mga nangyari with matching charts, graphs at drawings as illustrations para matapos na.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now