Tip No. 8 - Go For Change

5.2K 127 44
                                    

Nakakabingi ang music at masyadong makapal ang pinag-halong amoy ng iba't-ibang pabango, food at alak dito sa kulob na lugar kung saan nakatira sila Yumi at Claire sa fifteenth floor ng Bonne View Condominium. Nakakahilo, nakakapagod at hindi ko gustong makipag-halubilo sa mga taong hindi ko naman kilala pero hindi ako makaalis dahil sa mga kaibigan ko na mukhang nangangailangan ng bantay.

Matapos kasi ang halos isang buwan, nakalabas na rin ng ospital si Yumi at hindi naman pumayag si Claire na hindi i-celebrate ang paggaling ng best friend namin kaya nag-invite sya ng mga tao para sa isang maliit na get-together.

Okay, ang word na 'maliit' ay hindi appropriate dahil mahigit sa fifty yata na tao ang dumating at halos lahat ay taga-College of Liberal Arts ng USLR kung saan pumapasok sila Claire, Jay at ang bassist ng HNZ na si Kenneth Cruz na nandito rin ngayon.

Pangalawang beses ko pa lang nakikita nang personal si Kenneth pero malakas ang kutob ko na hindi ko sya makakasundo kahit pareho kami ng surname. Hindi kasi sya tulad nila Benedict, Nathan at Jay na nag-attempt na makipag-close sa'min nila Yumi, Claire at Kat.

Gwapo sana ang lalakeng 'yon kaso may mali. Hindi ko alam kung matalas ba ang pang-amoy nya at mabaho ang paligid kung saan sya nakatayo dahil hindi nawawala ang kunot nya sa noo o may problema pala sya sa isip at isang lamay ang tingin nya sa isang party. Hindi ko maintindihan kung bakit pa sya nagpunta dito kung hindi rin naman pala sya iinom o kakain o makikipag-interact sa mga tao.

Hindi ko man feel si Kenneth, a.k.a. Mr. Sungit, mukha namang type na type sya ni Claire. Parang naging aso kasi ang kaibigan ko at sunod nang sunod sa lalakeng 'yon. Kung makapalupot sya, akala mo snake tapos kung maka-asta naman sa mga babaeng malalagkit ang tingin kay Mr. Sungit, akala mo crocodile na handa silang sakmalin. Hindi ko alam kung lasing na ba sya kaya nagkakaganyan o talagang may affinity sya sa mga deds na hayop at sinasaniban na.

Halata na hindi gusto ni Kenneth ang attention mula kay Claire pero parang lalo lang na-cha-challenge ang kaibigan ko at pinag-iigihan pa ang pag-atake. Sinusubukan namin ni Kat na ilayo sya sa supladong 'yon, para hindi naman sya mapahiya sa loob mismo ng bahay nya, kaso dikit pa rin sya ng dikit.

Well, hindi naman talaga nakakatulong si Kat dahil may sarili syang drama sa party na 'to. Pano ba naman, nakaupo sa sofa si Jay at may nakakandong sa kanya na isang babaeng naghubad na lang sana dahil kapiranggot lang ang natatakpan ng 'damit' na suot. Ang malala pa dun, halos thirty minutes na rin silang naglalampungan at may mga tao pang titig na titig sa kanila na akala mo nanonood ng porn. Gusto ko sanang tadyakan ang hinayupak kaso pinigilan ako ni Yumi.

"Gusto ko rin naman sya sipain sa balls pero hindi naman nya alam yung reason bakit tayo nagagalit sa kanya. Kalma lang." Sabi nya.

Inangat ko ang mahabang sleeves ng bistidang suot bago ko hinarap si Yumi. "Hindi naman nya kailangan malaman. Ang importante lang, mag-landing ang kamay o paa ko sa mukha nya. Bahala na sya mamili kung alin dito mas gusto nya."

Hinawakan nya 'ko sa braso at nagbuntong-hininga. Magsasabi pa sana sya ng mga dahilan kung bakit hindi ko pwedeng saktan si Jay nang nag-ring bigla ang phone nya. Sinagot nya ang tawag nang may ngiti sa mukha at binaba rin agad pagkatapos ng ilang seconds.

Napakagat sya ng labi na parang nag-aalangan about something bago bumaling ulit saken. "Shay, alis lang ako sandali."

Kumunot naman agad ang noo ko sa kanya. Hindi yata tama na iwan nya 'ko mag-isa para maging baby sitter ng dalawa naming kaibigan. "San ka pupunta?"

"Umm... Nasa taas na kasi si Nathan. Gusto daw ako ma-meet ng daddy nya. Okay lang ba?"

Hay. Magpapaalam pa 'tong babaeng 'to, as if naman masasabi ko sa kanya na 'wag nya 'kong pagpalit sa boyfriend nya at sa tatay nun na umuwi pa ng Pilipinas galing Amerika para i-celebrate ang birthday ng anak nya next week.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now