Tip No. 23 - Every End Is A New Beginning

2.2K 49 8
                                    

Malapit lang sa Exquisite ang studio kung saan madalas nagpa-practice ang HNZ kaya dito ako dinala ni Benedict para raw makapag-usap kami nang maayos. Pero, ngayon naman na kaming dalawa na lang, hindi siya makapagsalita. Gusto ko sana i-check kung ano na ang nangyayari sa dila niya pero hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil sa matinding kaba. Ganoon din siguro ang nararamdaman niya dahil naglalakad siya ng pauli-uli sa harap ko na para bang dinapuan na naman siya ng mga kiti-kiti.

"I want to be in a relationship with you, Shay," ang sabi niya nang huminto na siya sa harap ko.

Napatingin ako sa kanya kasabay ng pagtigil bigla ng paghinga ko. Hindi naman nakuha ng utak ko na i-process nang husto ang narinig dahil mabilis siyang nagpatuloy sa pagsasalita na para bang gusto na niyang masabi ang lahat bago pa magbago ang isip niya.

"When you told me you were pregnant, I didn't take it well. I was a jerk, alam ko 'yun, pero hindi mo man lang ako binigyan ng warning tapos gusto mo agad na i-meet ko ang mom mo so I panicked."

Nakita ko ang paglunok niya nang nahinto siya sandali at, nang nakapagsalita na siya ulit, bigla na lang nagliwanag ang determination sa mga mata niya. "Wala akong alam sa pagpapalaki ng baby, I don't even know if I can be a good father, but I want to give it a try."

"We need to be friends, Shay. We'll be raising our baby together kaya kailangan natin magkasundo," ang dagdag niya. "And then, gusto kong tingnan natin if we can be more than that."

Naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko. Ayokong tumakbo na lang ang isip ko sa assumption na gusto niya ng happy ever after kasama ako kaya tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Look, I won't lie to you. Yumi is my first love and I still have feelings for her but we both know na walang mararating 'to kaya I'm fully committed on moving on," ang sagot niya.

Napaiwas ako ng tingin nang biglang kumirot ang dibdib ko. Masakit marinig na first love pala niya si Yumi at na mahal pa rin niya ito hanggang ngayon pero naiintindihan ko ang sitwasyon niya dahil ganoon din ang sitwasyon ko. Kagaya ni Benedict, alam ko kung gaano kasakit ang ma-in love for the first time tapos hindi kaya ng mahal ko na mahalin din ako. Iyon kasi ang nararamdaman ko habang kaharap ko siya ngayon.

Naiintindihan ko rin ang drive niya para mag-move on at, gustuhin ko man sabihin na masaya ako para sa kanya dahil sa decision niya na gawin ito, hindi ko magawa. Alam ko kasi kung gaano ito kahirap. Nakipag-date nga ako sa iba para makalimutan siya pero, unfortunately, hindi ko magawa na i-erase siya sa sistema ko dahil, kahit umiwas ako, laging nagko-cross ang landas namin. Paano pa kaya kung girlfriend ng isa mga best friend niya ang object of his affection?

Dumoble tuloy ang lungkot sa puso ko dahil na rin sa pagkaawa sa kanya at naramdaman ko na lang ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Hinawakan naman niya bigla ang isang kamay ko at marahang inangat ng kabilang kamay niya ang pisngi ko para mag-meet ang mga mata namin. "I've been acting out. I've been sleeping around with random girls because it was easier that way na makalimutan siya kahit sandali lang. But, I like you, Shay. I always have. I wouldn't have had sex with you multiple times if I didn't. Kilala mo 'ko, pagdating sa ibang girls, I don't do repeats. Pero, pagdating sa'yo, I find myself wanting more."

Pinadaan niya ang thumb niya sa ilalim ng mga mata ko para punasan ang mga nakawalang luha dito bago siya nagpatuloy. "I didn't want to pursue you while I was still having feelings for her dahil unfair 'yon sa'yo. Pero ready na ako mag-move on and I want to do it with you. Alam ko na unfair rin sa'yo ang hihingin ko pero I want you to help me get over her. It will take time but I know I can do it kung ikaw ang tutulong sa'kin."

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now