Tip No. 24 - There's A Rainbow After The Rain

146 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero matapos namin makita si Claire na nakahandusay sa loob ng banyo, nahanap ko ang strength para hagilapin ang phone ng tulalang si Yumi at tawagan si Doktora Chan na in-alert agad ang ospital ng USLR at binigyan ako ng ilang instructions bilang first aid.
Sa ten minutes (na parang ten days) na paghihintay namin para sa pagdating ng ambulansya, wala sa mga kaibigan ko ang nakaimik. Understandable na hindi makapagsalita si Claire dahil wala pa rin siyang malay pero nakakapag-alala na rin ang lagay ni Yumi na mukhang naging isang statue bigla. Nasigawan ko pa siya para lang makakuha ng reaction pero wala naman nangyari at nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa sahig.
Since nasa kamay ko na ang phone niya at nangangailangan ako ng support ngayon, sinubukan kong tawagan si Benedict pero hindi siya sumagot. Sumunod kong tinawagan sina Kat at Nathan pero parehong unattended ang mga linya nila. Tatawagan ko rin sana si Ken pero wala siyang number kay Yumi kaya si Jay na lang ang kinontak ko.
Para akong duduguin sa takot sa kondisyon ng mga kaibigan ko at sa idea na ako lang mag-isa ang haharap sa lahat ng ito. Halos mabitawan ko na ang hawak na phone dahil sa panginginig ng kamay ko pero lumuwag rin nang konti ang paghinga ko nang sinagot ni Jay ang phone niya matapos lang ang dalawang ring.
“Hey, Goose. Nate’s being a jerk, bakit daw ako ang tinawagan mo—“
“Si Shay ‘to,” ang pag-interrupt ko sa sinasabi niya. “Jay, kailangan kita.”
Well, hindi naman siya mismo ang kailangan ko dahil hindi pa kami nagkakaroon ng chance para mag-bond nang husto pero hindi ko ma-reach si Benedict at alam kong matutulungan niya ako kahit paano. Hindi man mabuting lalaki si Jay sa general population ng mga kababaihan pero alam ko na mabuti siyang kaibigan at gagawin niya ang lahat para sa mga taong tinuturing niya na friends. Buti na lang, isa ako sa mga ito.
Nawala agad ang humor sa boses niya. “What’s wrong? What happened?”
Nagmadali ako na sabihin ang lahat ng nangyari, mula sa nadatnan namin na kaguluhan sa condo unit ni Claire hanggang sa lagay ni Yumi pagkatapos namin makita ang kaibigan namin sa banyo.
“Ben and Nate heard what you said, Shay. Papunta na sila d’yan,” ang sabi niya sa akin. “Ken and I will get Kat. We’ll meet you at the hospital.”
Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ko pinutol ang linya at tumakbo agad ako sa pinto nang may narinig akong malakas na katok. Tinuro ko agad sa rescuers na pinadala ni doktora kung nasaan ang mga kaibigan ko at napahawak na lang ako sa tyan ko habang bumubulong. “Magiging okay rin ang mga ninang mo, anak. Magiging okay rin sila.”

* * * * * * *

Isang buwan pa lang yata ang nakakaraan mula nang nasaksak si Yumi at akala ko hindi na ulit ako mapapadpad sa waiting area ng ospital dahil sa isang tragedy pero nakaupo na naman ako dito kasama sina Benedict, Yumi, Nathan, Ken, Kat at Jay habang naghihintay ng matatanungan tungkol sa lagay ni Claire.
Mukhang peak season ng mga nae-emergency ngayon kaya maraming nurses at doctors ang pauli-uli, wala tuloy kami makausap. Buti na lang, pumunta ng ospital si Doktora Chan kahit hindi siya naka-duty ngayon para lang asikasuhin kami. Sobrang laki na ng utang na loob ko sa kanya at isa iyon sa mga nakwento ko kay Benedict habang naghihintay kami ng balita.
“Sigurado ka na okay ka lang? You should go back to my place and catch some sleep,” ang sabi ng bago kong boyfriend na tatay ni Peanut. “Ilang araw pa lang since you had that scare. In your condition, hindi ka pwede ma-stress nang ganito.”
Kahit pa kinakabahan ako at nalulungkot sa mga nangyayari, hindi napigilan ng puso ko na mag-skip sa tuwa dahil sa pagiging concern ni Benedict. At dahil may karapatan na ako ngayon, hinawakan ko ang kamay niya at binigyan ko muna siya ng isang mabilis na kiss sa pisngi bago ako nagsalita.
“Okay lang ako. Hindi rin naman ako makakatulog. Kailangan ko muna malaman ‘yung lagay ni Claire.”
As if on cue, lumabas sa waiting area si Doktora Chan at napatayo agad ang halos lahat sa amin nang lumapit na siya. Naiwan na nakaupo si Nathan para samahan si Yumi na hindi pa rin umiimik.
“Shay, kailangan mo magpahinga,” ang pagsaway agad ni doktora sa akin nang nakatayo na siya sa harap ko. Bumaling siya kay Benedict nang napansin niya ito sa tabi ko at tumaas na lang ang kilay niya bago siya nagpatuloy. “You’re the baby’s father, right? Hindi dapat nase-stress si Shay sa condition niya. If you really care for her and the baby, you should send her home.”
Bumukas ang bibig ni Benedict para siguro depensahan ang sarili niya o pauwiin na ako pero inunahan ko na siya sa pagsasalita. Walang makakapagpaalis sa akin dito hangga’t wala akong magandang balita na naririnig tungkol sa kaibigan ko.
“Dok, kamusta na po si Claire?”
Nagbuntong-hininga muna si doktora at tiningnan isa-isa ang mga nakapalibot sa kanya bago siya nakasagot. “She overdosed and they had to pump her stomach. She’s going to be okay pero kailangan niya ng professional help kung may problema siya na hindi niya ma-handle.”
“I think Mayumi needs to see one, too. She’s physically fine but I’m sure that after the incident, there’s a part of her na hindi pa nakaka-recover. Is she having trouble sleeping?” ang tanong niya nang bumaling siya sa dalawang kasama namin na nakaupo.
Kumunot ang noo ni Nathan at humigpit ang pagkakahawak niya sa girlfriend niya bago siya tumango. “She’s been under a lot of stress lately, magaling lang siya magtago.”
“She could be suffering from posttraumatic stress at posibleng lumala nang nakita niya si Claire. Kung gusto mo, I can recommend a doctor para ma-check natin ang lagay niya,” ang pagpapatuloy ni doktora. Tumango na ulit si Nathan sa kanya kaya bumalik na ang attention niya sa amin.
“Pwede n’yo na silipin si Claire but she’s still asleep. May alam ba kayo kung bakit niya nagawa ‘yun?”
Si Claire ay isang strong-minded na tao na may good sense of humor, at least iyon ang palagay ko, at hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin ang ginawa niya. May tendency siya na manakit physically ng iba kung may kasalanan sa kanya o sa kaibigan niya ang tao na iyon pero hindi ko ma-imagine na may kakayahan pala siya na saktan ang sarili niya.
Tumingin ako kina Kat, Benedict, Jay at Ken para alamin kung may idea ba sila pero halata na wala rin silang clue kagaya ko. Bakas sa mga mukha nila na hindi rin sila makapaniwala na nagawa ni Claire ang ganoong bagay at obvious na pare-pareho kami na nagwo-wonder kung ano ang dahilan kung bakit ito nangyari.
Nagse-speculate pa rin ako ng reasons ni Claire nang biglang narinig namin ang pagkataranta sa boses ni Nathan.
“What is it, baby? May masakit ba? Talk to me, please.”
Napatingin ako kay Yumi at nakita ang pagkabasa ng mga mata at pisngi niya habang nakatitig siya sa corridor kung saan may tatlong tao – isang lalake at isang babae na may buhat na isang sanggol – ang naglalakad papunta sa waiting area. Binuksan niya ang bibig niya para magsalita pero imbis na sagutin ang boyfriend niya, isang pangalan na pamilyar ang narinig namin mula sa kanya.
“Ku… Kuya Benji.”

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now