Tip No. 19 - Kaya Mo 'Yan, Tiwala Lang

3K 106 45
                                    

Kung pwede lang sana, ayoko na bumalik pa ng ospital. As in, kahit kailan. Kaso, mukhang nasa horoscope ko yata na magiging madalas ako dito ngayong taon at hindi ko alam kung makukuha ba sa tawas, kulam, o feng shui ang pag-prevent nito.

Hindi sa dahil germophobe ako o natatakot ako sa ghosts na, malamang, umaaligid dito kaya ayoko na bumalik. Hindi rin ito dahil ayoko sa karayom na ginamit para makuhanan ako ng dugo o sa aparatus na pinasok sa akin para ma-check ang lagay ni Peanut.

Nababagabag lang talaga ako nang bongga sa pag-aabang ng resulta. Bawat seconds na dumarating, parang oras ang lumilipas. Hindi ko alam kung maiihi ba ako o matatae at, kahit pareho ko na silang ginawa kanina, hindi pa rin nababawasan ang kaba ko sa kung ano man ang sasabihin ni doktora. Mas tumindi pa nga ang atake ng nerves ko, pati na rin yung saltik sa utak ko, dahil marami akong oras ngayon para mag-entertain ng negative thoughts na hindi na ako nilubayan.

Pwede naman akong lumabas ng office ni Doktora Chan para makasama ang mga kaibigan ko na naghihintay sa lobby o para maglakad-lakad nang konti para ma-exercise kahit paano pero pinili ko na mag-stay na lang dito sa loob. Kailangan ko libangin ang sarili ko at makakita ng ibang scenery para hindi ako mabaliw, alam ko naman iyon, pero naging close na kami ng mga poster ng minaltratong alien at female reproductive system, pati na rin ng picture ng pamilya ni doktora na nasa table niya, kaya hindi ko sila maiwan-iwan.

Saka, ayoko rin muna sana na makipaghalubilo sa living things ngayon. Sinusubukan ko na kasi na hanapan ng solution ang mga problema ko at hindi makakatulong kung papalibutan ko ang sarili ko ng mga taong puro pag-e-encourage lang ang ginagawa.

Kasi naman, paano kung hindi magiging okay ang lahat, 'di ba? Kailangan kong i-consider ang possibility na iyon at isipin kung ano ang gagawin ko kung sakali. Ang pangit naman kung magpapadala ako sa positivity nila at lolokohin ko ang sarili ko na kaya ko nga samantalang hindi naman pala talaga.

Tapos, kung maka-survive man si Peanut, Kailangan ko na talaga aminin ang sitwasyon ko sa mga taong dapat makaalam. Paano ko ba ito sasabihin sa kanila? At, paano ko bubuhayin si Peanut kung sakaling hindi nila matatanggap ang anak ko?

Kailangan ko makagawa ng plano sa bawat scenario na iyon dahil, kahit may mga kaibigan ako na gustong tumulong, kailangan ko munang makayanan na matulungan ang sarili ko.

Wala pa akong concrete na sagot para sa mga tanong na iyon at pinagmumunihan ko pa sila nang mabuti nang bumukas na ang pinto ng office. Pumasok agad si doktora, na nakatuon ang mga mata sa hawak na mga papel, at naupo na sa silya niya nang hindi man lang ako tinitingnan.

Ilang seconds din ang tinagal ng nakakabinging silence habang binabasa niya ang results at, kahit sinusubukan kong kunin ang atensyon niya, hindi pa rin niya mini-meet ang mga mata ko. Lalo tuloy akong kinakabahan at parang naririnig ko na naman ang pagtawag sa akin ng banyo.

Tatayo na sana ako at magpapaalam para lumabas sandali nang biglang inangat ni doktora ang mga mata niya at binaling ito sa akin. May malaking ngiti na lumitaw sa mga labi niya at, imbis na gumaan ang loob ko dahil doon, lumalim lang ang nerbyos at pgatataka ko.

Hindi ko naman kasi alam kung anong klaseng sense of humor ang mayroon siya; malay ko ba kung ang ibig sabihin pala ng smile na iyon ay masaya siya para sa akin dahil wala na akong problema since wala na si Peanut.

Napalunok tuloy ako sa hindi magandang idea na iyon na biglang pumasok sa isip ko at hinintay na lang siya na magsalita.

Tinanggal muna ni doktora ang bara sa lalamunan niya bago sinabing, "Your baby's going to be okay."

Dahil sa isang sentence na iyon, gumaan nang sobra ang pakiramdam ko. Para akong isang balloon na unti-unting nababawasan ng laman pero, imbis na hangin ang lumabas, ang lahat ng worries na inipon ko simula noong nalaman ko na buntis ako ang nawala sa sistema ko.

May nahuli akong ilang words sa mahabang speech ni doktora, kagaya ng "dehydration" at "UTI", pero lumabas lang sa kabilang tenga ang iba pa niyang sinabi. Alam kong kailangan kong makinig nang mabuti sa kanya pero hindi ako makapag-focus dahil sa pinaghalong saya at excitement sa balita na buhay si Peanut.

Tumango na lang ako nang tumango para naman hindi niya isipin na pader ang kausap niya o ang posters sa office niya. Nahahalata niya yata na hindi ako nakikinig pero mukhang hindi naman siya nao-offend sa nangyayari. Masaya pa nga siya para sa akin at gusto ko na talagang gawin din siya na ninang ni Peanut.

Niresetahan ako ni doktora ng antibiotics at vitamins at sinamahan pa talaga niya ako papunta kina Claire, Kat at Yumi para ibigay sa kanila ang good news. Feeling ko, wala na siyang tiwala sa akin sa pagsabi ng mga bagay-bagay dahil alam niya na, hanggang ngayon, hindi ko pa rin pinapaalam kay Benedict at sa mga magulang ko ang pagbubuntis ko. Ayoko naman siyang pagbawalan dahil para ko na rin nakakatandang kapatid si Doktora Chan at nata-touch ako nang walang humpay dahil hindi siya nagsasawa na tulungan ako.

Nag-uusap at nagtatawanan ang mga kaibigan ko habang papunta kami sa kanila. Nahuli ko pa ang topic ng conversation nila, tungkol sa pagkatalo namin sa charades laban sa mga taga-HNZ kahapon, bago sila tumigil nang nakita nila na papalapit kami.

Tumayo silang tatlo at bigla na lang nabalutan ang mga mukha nila ng worry. Pero, napalitan din naman ito agad ng tuwa nang nagsalita na si doktora.

"The baby's fine. Kailangan lang ni Shay na uminom ng gamot at ng maraming tubig. She also needs lots of rest," sabi niya. "Is she still staying at your place, Claire?"

"Opo, dok," sagot ni Claire na may malaking ngiti sa mukha. "Don't worry po, I'll make sure Shay gets some rest and that she takes her meds and drinks plenty of water."

Tumango si doktora. "If anything happens, dalhin n'yo agad si Shay sa ospital. Okay, girls? Wala na sa danger ang baby niya dahil maaagapan na natin pero it doesn't mean na kailangan maging lax na tayo."

Sabay-sabay silang tatlo na sumagot ng "opo" bago sila lumapit sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng mga yakap nila pero in-enjoy ko ito nang husto at sinubukang ibalik sa kanila ang love at comfort na pinaparamdam nila. At least, ganoon nga ang ginagawa ko bago bumagsak bigla ang puso ko sa tyan dahil sa sumunod na narinig.

"Shay?"

Naramdaman din yata ng mga kaibigan ko ang pag-tense ng muscles ko dahil isa-isa nila akong binitawan. Ayoko sana lumingon sa kung saan ko narinig ang pamilyar na boses pero kailangan kong makasigurado na tama nga ang narinig ko.

Iyon nga lang, nang nakumpirma ko na kung sino ang may-ari ng boses, napa-wish agad ako na sana magkaroon ng malaking butas sa semento at lamunin ako nito nang buo. Siya kasi ang huling tao na ine-expect ko na makita ngayon at siya rin ang pinakamahirap paliwanagan tungkol sa pagbubuntis ko. Pero, dahil sa sama ng expression niya, mukhang narinig niya ang lahat ng pinag-usapan namin at parang hindi ko na yata kailangan pa na mag-isip ng paraan kung paano ito ipaparating sa kanya.

"Shay?" ang pagtawag niya ulit habang palalim nang palalim ang kunot sa noo niya. "Buntis ka?"

Pinilit kong lunukin ang urge na tumakbo palayo at sabihin na isang elaborate joke lang ang lahat at tumayo na lang ako nang diretso habang tinitingnan siya nang mabuti sa mata. Since wala na rin naman akong kawala, mabuti pa na aminin ko na lang para naman pwede kong sabihin na naging matapang ako sa mga huling sandali ko dito sa Earth.

"Opo. Buntis po ako, Nanay."    

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now