Tip No. 20 - Forgive Yourself And Those Who Have Hurt You

3.2K 97 37
                                    

May tinatawag na star section ang school ko noong grade four ako. Para iyon sa mga naging honors noong grade three at sa may mga matataas na grade, kahit hindi sila nakatanggap ng award, at isa ako sa mga nakapasok doon.

May kapitbahay kami dati na kapareho ko ng school at grade level pero nasa ibang section siya. Isang araw na lang, narinig ko ang nanay ng batang iyon na sinasabi sa mga kachismisan niya na sipsip daw ako sa teacher kaya napunta ako sa star section. Hindi hamak na mas magaling at mas maganda daw ang anak niya kaysa sa akin at pinagkakalat pa niya na inagaw ko ang pwesto ng anak niya sa klase na iyon.

Bata pa lang ako noon pero aware na ako na kailangan ng pera para magsipsip sa teacher. Ano nga ba ang pambibili ko ng ireregalo, 'di ba? Kaso, hindi naman kami mayaman at hindi rin tanga para aksayahin ang kapiranggot na mayroon kami sa ganoong bagay. Hindi consistent ang dating ng pera sa bahay namin dahil madalang ang projects sa construction company kung saan nagtatrabaho ang tatay ko at siya lang ang kumikita para sa amin.

Saka, pinaghirapan ko nang husto ang matataas na grades ko. Hindi ko nga masyadong na-enjoy ang childhood ko dahil puro aral lang ang ginawa ko at hindi ako naglaro nang madalas sa labas. Noon pa lang kasi, alam ko na ang gusto ko at iyon ay ang makapagtapos with honors at makapagtrabaho sa isang big time na corporation, kagaya ng pinsan kong si Ate Bernie. Gusto kong makatulong at mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga magulang ko at ang tatlo ko pang nakababatang kapatid.

Naiyak ako sa sobrang galit dahil sa mga narinig kaya naman sinumbong ko agad ang nanay ng batang iyon sa nanay ko. Nalaman ko, noong araw din na iyon, na mali pala ang maging sumbongera. Napalitan agad ng awa ang inis ko sa mag-ina na kaaway ko dahil huli na nang nalaman naming lahat na kasing lupit pala ng character ni Liam Neeson sa Taken ang nanay ko at hindi pala siya dapat ginagalit.

Nakatayo ang mga balahibo ko na para bang ina-attract sila ng magnets habang hinihintay ko ang pagsugod ni Nanay. Hindi ko alam kung dahil ba nandito kami ngayon sa lobby ng ospital o dahil hindi pa rin siya makapaniwala na buntis ako kaya wala pang nangyayari pero, to be safe, nagtago na lang ako sa likod ng mga kaibigan ko. Sigurado ako na, kapag naka-get over na siya mula sa initial shock, may krimen nang magaganap at ako ang magiging unang biktima.

Nagtataka pa rin ako sa ganda ng timing ni Nanay pero hindi ko siya matanong kung bakit siya napadpad dito. Nanuyo kasi bigla ang lalamunan ko at mukhang wala na itong tunog na kayang ilabas. Buti na lang, hindi ko na kailangan pang magsalita. Nakapinta na kasi siguro sa mukha ko ang isang malaking question mark at naintindihan niya ang lahat ng gusto kong sabihin kaya sinagot niya ito agad.

"Dinadalaw ko dito ang Tito Allen mo. Mahigit isang linggo na rin siyang naka-confine sa ospital, sinabi sa'yo ng Tita Jenny mo, 'di ba?"

Hindi naman siya huminto sa explanation na iyon at tumuloy-tuloy na sa pagbigay sa akin ng lecture habang pataas nang pataas ang boses niya.

"May cancer ang tito mo, hindi mo man lang dinadalaw. Nanghihingi raw sila ng tulong sa'yo, inaasahan ka nila, sana nag-text ka kung wala kang mabibigay. Pinuntahan kita sa dorm mo kanina pero wala ka do'n. Tinatawagan din kita pero unattended ang cell phone mo. Akala ko naman busy ka sa pag-aaral nang mabuti, puro kalandian lang pala ang ginagawa mo dito. Mas mahalaga pa ba 'yang kati mo kaysa sa pamilya mo?"

Wow. Naiintindihan ko na nasaktan at na-disappoint ko siya pero deserve ko ba talaga ang mga salitang ito? Para na rin kasi niya akong sinaksak nang paulit-ulit sa dibdib at nahihirapan na akong huminga.

Gusto ko sanang i-defend ang sarili ko, sabihin sa kanya na nasira ang phone ko nang nakipag-away ako kina Stephokpok and friends at naging delikado ang lagay ni Peanut kaya kinailangan kong mag-stay kina Claire, pero nanahimik na lang ako. Baka kasi masabi ko rin sa kanya kung ano ang talagang tingin ko sa "tito" ko na dinadalaw niya dito.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now