Tip No. 1 - Calm Down

10.8K 198 19
                                    

September 28, 2014

Nagising ako sa boses ni Taylor Swift habang kinakanta ang 'Shake It Off' at ilang seconds din ang dumaan bago nag-register sa utak ko na 'yon ang bago kong ringtone.

Hahablutin ko sana ang phone ko sa tabi kung saan ko narinig ang tunog pero imbis na phone, isang braso ang nahawakan ko. Isang medyo maskuladong braso.

Napadilat ako bigla at na-realize agad na wala ako sa dorm. Imbis kasi na dalawang double-deck na higaan, isang malaking kama ang laman nitong kwarto at isang glass na shelf na punong-puno ng laruan.

Holy shyet panset bikong malagket. Nadala na naman ako kanina. May saltik na ba talaga 'ko at pumasok na naman sa sitwasyon na 'to?

Tumigil bigla ang pag-ring ng phone ko pero umarangkada naman din 'to agad. Kung sino man yung tumatawag, wala syang balak magpatulog.

Sabi sa alarm clock na nasa side table, magte-ten thirty na at tulog na 'ko usually nang ganitong oras dahil Monday bukas at may pasok. Kailangan ko karirin ang school dahil ayokong mawala ang scholarship ko.

"Shit, Shay. Answer your phone already." Sabi ng katabi ko sabay takip ng unan sa ulo nya.

"Eto na nga eh. Nasan na ba kasi?" Tinanggal ko ang comforter na naka-balot sa'ming dalawa pero binalik lang din 'to agad dahil pareho kaming walang suot.

Hiya-hiya kuno ka pa dyan, Shay. Dalawang beses mo na naman nakita lahat. Paalala ko sa sarili ko.

Dahan-dahan kong itinaas ulit ang comforter at tinitigan ang katabi ko na nakadapa at hubad na hubad. Okay, two and a half na beses ko na nakita. Hindi ko man nakita ng buo ngayong oras na 'to pero grabe, kahit likod nya lang, ang hot pa rin.

Nakita ko ang pag-blink ng phone ko sa may hita nya at chineck muna kung sino ang tumatawag nang nakuha ko na. Isang number na hindi naka-register sa contacts ko.

Tumigil na naman ang pag-ring pero wala pang isang minuto, tumawag na ulit kung sino man sya at nag-vibrate ang phone sa kamay ko. Hindi yata ako tatantanan nito hangga't hindi ko sinasagot.

"Hello?"

"Shay? Si Jake 'to."

Napataas ako ng kilay kahit alam ko namang hindi nya nakikita. "Pano mo nalaman number ko?"

Hindi pinansin ni Jake ang tanong ko at nagsalita na lang nang mabilis. "May nangyari kay Mayu. Hindi ko alam kung sino dapat ko tawagan in case may emergency. Sinubukan ko din si Kat pero hindi sya sumasagot."

Narinig ko ang kaba at takot sa boses nya at napa-upo ako bigla ng diretso. Birthday ni Mayumi ngayon at okay lang naman sya kanina nang iniwan namin sya sa party nya. "Ano nangyari kay Yumi?"

"Na-hold up yung shop. Nasaksak si Mayu."

Umurong ang tyan ko at kumabog ng husto ang puso ko sa sinabi nya. Inalog ko agad itong katabi ko para gumising dahil kailangan nya rin 'tong malaman. "Buhay pa ba sya? Saang ospital sya nando'n?"

Narinig ko si Jake na nagtanong sa iba bago sinabi saken na sa ospital ng school kung saan kami nag-aaral sya dadalin.

Tumayo na 'ko at pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. "Magiging okay ba sya?"

Hindi agad nakasagot si Jake at pati mga balahibo ko sa katawan tumayo na rin.

"Hindi ko alam." Sabi nya.

"Hindi ko alam number ni Claire pero baka alam ni Kat. Tatawagan ko sya." Sabi ko kay Jake. Isa si Claire sa best friends ni Yumi at nakikitira si Yumi sa condo nila habang nag-aaral dito sa Manila. "Papunta na kami."

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt