Tip No. 18 - Hindi Masama Ang Maging Masaya Kahit May Problema

3.2K 98 44
                                    

"Vampire Diaries?"

"Mali? Ah, okay. One word? Movie?"

"Twilight? Eclipse?"

Umiling ako kina Kat at Claire at napakamot na muna ng ulo bago ko nilagay na ulit ang dalawang hintuturo ko sa may bibig at umarte na parang daga na kumakain ng cheese. At least, iyon ang gusto kong palabasin. Ang movie na Ratatouille kasi ang pinapahulaan ko pero mukhang tungkol sa vampires ang nagiging dating sa kanila.

"Shrek ba 'yan, Shay?" ang tanong ni Claire.

Na-excite naman ako bigla. Kahit kasi hindi tama, malapit pa rin ang sinabi niya dahil pareho silang animated at pambata. Pinaikot ko na lang ang isang kamay ko para i-encourage siya na manghula pa sa direction na iyon.

"Malapit sa Shrek? Seryoso?"

Tumango ako at lumingon sandali sa TV cabinet sa likod kung saan nandoon ang cell phone ni Jay na ginagamit namin bilang timer.

One minute na lang ang natitira para sa grupo namin at natataranta na ako. Huling turn na kasi namin ito at tie ang score namin sa kalaban pero, kapag nakuha nina Kat at Claire ang point na ito, ang tatlong taga-HNZ naman ang kakabahan nang bongga.

"Pero hindi Shrek?"

Umiling ako nang umiling.

Kumunot ang noo ni Kat at, pati siya, mukhang natataranta na rin habang nanghuhula. "Umm... Umm... Zombieland? Jaws? Godzilla?"

Anak naman ng tokwa with broccoli and oyster sauce oh. Mukha bang daga ang zombies? Oo nga, parehong animals ang shark at daga pero kumakain ba ang sharks ng cheese? Saka, bakit napasama si Godzilla?

Ako na ba 'yung mukhang paranormal being o hayop kaya puro ganito ang lumalabas sa kanila? O sadyang nalilito na sila dahil ang mystical ng beauty ko?

"You girls ain't gonna make it," patawa-tawang kantsaw ni Jay na nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya at tinaas ang dalawang paa sa coffee table sa harap niya. "Tanggapin n'yo na lang na you're gonna lose this one. Maybe then, we'll go easy on you."

Tinulak ni Claire ang mga paa ng katabi at nalaglag na lang ito sa coffee table kasabay ng paglaglag ng unan na bigla na lang binato ni Kat sa mapanuksong hudas. Tinawanan lang sila ni Jay at bumalik na agad ang dalawa sa pagsabi ng movie titles na malayo sa pinapahulaan ko.

Nagulat ako sa reaction ni Kat. Hindi ko ine-expect na magkakaroon siya ng balls para batuhin ang hero niyang si Jay pero naiintindihan ko rin na nape-pressure na siya. Mataas kasi masyado ang stakes sa larong ito at wala sa amin ang may gustong matalo.

Ang haba ng araw na ito at ang dami naming pagod, grabe, pero pare-pareho kaming mataas pa rin ang energy level. Dumiretso agad kami sa simbahan pagdating ng Tagaytay dahil marami raw kailangan ipagpasalamat sina Yumi at Nathan at, pagkatapos noon, nilibot na namin ang lahat ng tourist spots dito. Sinakyan pa nila ang lahat ng rides sa Sky Ranch samantalang nangawit naman ang pwet ko dahil umupo lang ako sa isang shed habang hinihintay sila.

Nauna na ang mag-jowa na magpahinga sa kwarto nila kaya kami na lang nina Claire, Kat, Jay, Ken at Benedict ang naiwan sa sala ng bahay na nirentahan ni Jay. Magpapahinga na rin sana kami pero walang balak matulog at magpatulog ang tatlong lalakeng kumag.

Niyaya nila kami ng inuman pero, dahil sa sitwasyon ko at dahil hindi umiinom si Kat, nag-propose si Claire na maglaro na lang kami. Na-excite pa nga si Jay noong una dahil, akala niya, ang favorite game niyang "apoy" ang tinutukoy ng kaibigan ko kaya naging specific kami at sinabing charades na lang ang gawin. Pumayag naman ang tatlo pero may ilang kundisyon silang binigay para raw may thrill.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now