First On The Series: Yumi And Nate's Story

1.8K 25 0
                                    

Kung hindi n'yo pa po nababasa ang kwento kung paano nagkakilala at nagka-in love-an sina Mayumi at Nathan, basahin na ang A Promdi's Guide to Self-discovery na nakasentro kay Yumi at ang side story nito, ang A Rock Star's Guide To Getting The Promdi, na nasa point of view ni Nathan.

A PROMDI'S GUIDE TO SELF-DISCOVERY Synopsis:

Kung tatanungin mo kung ano ang pangarap ni Mayumi Gonzales, isa lang ang isasagot nya - ang makawala mula sa mahirap at maliit na mundo nya sa probinsya.

Kaya naman nang binigyan sya ng pagkakataong makapag-aral sa isang kolehiyo sa Manila, kinuha nya ito agad sa pag-aakalang ito na ang sagot na hinihiling nya. Puno pala ng drama ang buhay na naghihintay sa kanya at hindi sya handa para dito.

Ipasok pa sa storya ang isang gwapong gitarista ng isang sikat na banda at talagang hindi na malaman ni Mayumi kung ano ang gagawin.

Ano ba ang dapat gawin ng isang promdi na katulad nya para malagpasan ang malulupit na mga pagsubok na darating?

A ROCK STAR'S GUIDE TO GETTING THE PROMDI Synopsis:

"At first, I thought I was seeing a ghost. Or a fallen angel. Either one, mukhang nandito siya para pahirapan ako."

Ito ang unang sumagi sa isip ni Nathan Vergara, ang gitarista ng isang sikat na banda na tinatawag na HNZ, nang nakita niya si Mayumi Gonzales. Pero bakit nga ba ganito ang una niyang naging reaction sa magandang dalaga?

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن