Tip No. 5 - Alamin Kung Gaano Kalala Ang Sitwasyon

4.7K 133 14
                                    

September 30, 2014

"Pwede ba, Yumi, 'wag mo na ulit kami takutin ng ganyan?" Sabi ko sa best friend ko na nagising na rin sa wakas.

Grabe ang emotions ko ngayon, sabog-sabog. Kanina lang, tawa kami ng tawa nila Kat, Claire at Benedict habang nanonood ng 'This Is The End'. Ngayon naman hindi ko ma-control ang pagtulo ng luha ko dahil sa babaeng 'to. Nasampal ko pa tuloy si Yumi na nag-suffer na nga ng dalawang saksak at mahigit sampung oras na operation. Mahina lang naman pero nakaka-guilty pa rin.

Pinunasan ko muna ang pisngi ko at binigyan sya ng kiss kung saan ko sya nasampal bago sinabing,"Tatawag lang ako ng doktor. Dyan ka lang."

"Hindi rin naman ako makaka-alis kahit gusto ko." Sagot nya saken na may kasamang smile.

Lumabas na 'ko ng kwarto nya na akala mo suite sa isang hotel imbis na private room ng ospital at pumunta na sa nurse station para ipaalam sa kanila na gising na si Yumi. Nag-detour muna ako sa CR dahil lagi akong balisawsaw nitong mga nakaraang araw at pagbalik ko, nakita ko si Benedict na nakaupo sa corridor sa labas lang ng kwarto ni Yumi at pa-sikretong nagpupunas ng basa-basang mga mata.

Lumapit ako at sumalampak sa sahig sa tabi nya. Napaayos naman sya bigla ng upo nang napansin nya 'ko at sinubukan nyang i-compose ang sarili nya pero wala na syang kawala dahil nahuli ko na sya.

"Ba't dito ka pa kasi umiiyak, pwede naman sa loob."

"I'm not crying." Sagot nya.

"Okay." Sabi ko sa kanya nang may pagka-high pitch ang tono dahil hindi naman ako naniniwala.

Napabuntong-hininga sya bago nakapagsalita ulit. "I'm just so freaking happy she's awake, okay? She's my friend too. Hindi naman siguro masama 'yon."

"Wala naman akong sinabing masama." Sabi ko sa kanya. "Lahat naman tayo natutuwa."

Inilagay ko ang kamay ko sa likod nya at hinimas-himas ito para mabigyan sya ng comfort kahit pano. Napatingin sya saken bigla nang may seryosong expression sa mukha at napalunok naman ako nang naramdaman ang pag-skip ng heartbeat ko sa hindi ko malamang dahilan.

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong gusto sa taong 'to pero hindi ko made-deny na malakas ang appeal nya.

Napatitig ako sa labi nya at dumulas ang mga mata ko pababa sa dibdib nya. Naalala ko agad kung ano ang itsura nya kapag walang damit at napansin ko na lang na dinadayo na ng kamay ko ang maskulado nyang braso. Sumagi sa isip ko bigla ang nabasa kong scenarios sa 'Fifty Shades of Grey' at parang gusto ko tuloy yayain sya sa bahay nila at i-try ang mga 'yon.

Ang landi, Shay. Buntis ka na nga eh. Sabi ni inner voice.

Yun nga eh, hindi na 'ko mabubuntis ulit kase may laman na. Sagot ko sa kanya. Mataas daw talaga sex drive ng mga buntis sabi sa internet kaya hayaan mo na 'ko.

"You wanna go back to my place?" Sabi bigla ni Benedict na para bang nababasa nya kung ano ang tumatakbo sa utak ko.

Tumayo na ako at tumango sa kanya. Sa lagay kong 'to, magpapakipot pa ba 'ko?

 * * * * *

Six na ng gabi kami nakabalik ni Benedict ng ospital dahil hindi namin matigilan ang isa't-isa sa paggawa ng mga bagay na hindi namin talaga dapat ginagawa. Sinamahan agad nilang dalawa ni Jay si Nathan umuwi samantalang nandito kami nila Kat at Claire sa kwarto ni Yumi at nagkukwentuhan.

Actually, nawala na 'ko sa kung ano man ang pinag-uusapan nila dahil sumama na naman ang pakiramdam ko.

Nakaramdam ako bigla ng sobrang pagkapagod at pagkahilo at nabalutan ako ng matinding takot dahil parang hindi ko na yata ito makakaya. Napapikit ako at huminga ng malalim ng ilang beses habang nagdadasal na sana malampasan ko 'to.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now