Tip No. 9 - Meet New People

5.3K 137 27
                                    

Isang oras na siguro ang nakakaraan simula ng naiwan ako mag-isa dito sa loob ng kwarto ni Yumi pero hindi pa rin ako tumatayo mula sa pagkakasalampak sa may pader.

Masyado akong nalunod sa luha at negativity, na hindi ko alam kung dala ba ng hormones o naging pessimist na 'ko dahil kay Benedict, at hindi lang ang pag-ayaw nya saken ang iniyakan ko. Pati mga simple at unrelated na bagay na nangyari noon, nadali na rin. As in, kahit yung nag-iisa kong Barbie na nagmukhang G.I. Joe dahil ginupitan ng kapatid kong nag-fe-feeling stylist noong seven years old ako, na-ungkat.

Ngayon ko lang nalaman na may potential pala 'ko na manalo bilang best actress sa Oscars dahil ang bongga ng drama ko. Yun nga lang, nakaka-drain ng energy ang ganitong pang-international na level ng pag-emote.

Hindi ko alam kung ano ang nauna, yung pagod o yung paghinto ng mass production ng luha sa mga mata ko, pero kumalma rin naman ako after a while.

Pinupunasan ko ang huling traces ng moisture sa mukha ko nang may isang lalake na biglang pumasok sa kwarto at pakalabog na sinarado ang pinto. Ini-lock nya muna ito bago nya itinapon ang sarili sa kama at ikinulong ang ulo sa mga braso nya.

Wow, hindi lang pala ako ang pang-Oscars ngayong gabi. Buti na lang magkaiba kami ng category dahil kung hindi, baka nasapawan na 'ko sa kadramahan ng kung sino man ang taong 'to.

Isang minuto lang ang dumaan nang may bigla namang pumihit sa door knob at kumatok na lang nang hindi ito nag-respond. Tumayo na 'ko para buksan sana ang pinto pero bigla namang sumigaw ang masungit na nakahiga sa kama.

"Leave me the hell alone!"

Napahawak ako sa magkabila kong bewang at napataas ng kilay sa kanya. Kasali ba 'ko sa sinasabihan nya ng ganyan? Hindi ko sure kung napansin ba nya na hindi sya nag-iisa dito sa loob pero, aba, kung kasama nga ako, humanap sya ng ibang pagtatambayan.

"Ako kaya nauna dito." Sabi ko sa kanya.

Bigla syang umupo sa kama nang narinig ang boses ko at bumungad saken ang gwapong mukha ni Kenneth na nakakunot ang noo habang tahimik akong tinititigan. Akala mo tuloy nasa loob kami ng isang boxing ring at naghihintay ng gagawin na moves ng kalaban.

Gusto ko na sanang basagin ang silence at ipamukha sa kanya na mas mataray ako pero biglang kumirot ang tyan ko at sa sobrang sakit, napapikit ako at napa-upo ulit sa sahig.

Naramdaman ko ang pagdapo ng mga kamay ni Kenneth sa magkabila kong braso at hinayaan ko na lang sya na alalayan akong tumayo. Inakay nya 'ko papunta sa kama at hinimas-himas ang likod ko nang naka-upo na kami.

"Are you okay?" May bahid ng panic ang boses nya.

Nagpapatawa ba 'tong lalakeng 'to? Mukha ba akong 'okay'? Hay.

Well, at least kaya pala nya na mag-project ng iba pang klaseng emotions at hindi lang puro ka-supladohan ang alam.

Hindi ko na lang sya sinagot at nag-concentrate na sa paghinga ng malalim nang paulit-ulit hanggang nawala na rin, sa wakas, ang sakit.

Sabi ni doktora, normal daw ang pain dahil nag-se-stretch ang muscles at ligaments ko habang lumalaki si Peanut pero hindi ko lang sigurado kung ganitong klaseng sakit ba ang ibig nya sabihin. Gumagawa yata ng building sa loob ng tyan ko si Peanut, eh. Pakiramdam ko kasi, parang may nag-bu-bulldoze, nag-di-drill at nagpupukpok sa loob nang sabay-sabay.

"Sorry, that was idiotic. Of course, you're not okay. You're in pain. Ibig ko sabihin, san ba masakit? Can I get you anything, Shay?"

Dumilat ako at hinarap na sya. Medyo nakakagulat na alam nya ang pangalan ko pero, at the same time, it made sense dahil kaibigan ko ang mga kaibigan nya at halos araw-araw kong nakasama sa pagtambay sila Nathan, Benedict at Jay sa ospital noong nandun pa si Yumi. Malamang, nababanggit nila sa kanya ang tungkol sa'min nila Kat, Claire at Yumi, kagaya na lang ng pagkwento nilang tatlo tungkol sa isa pa nilang ka-banda sa HNZ.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon