Book Three: A Love Junkie's Guide To Self-recovery

2K 36 0
                                    

Ito po ang kasunod na book sa A Girl's Guidebook series na magpo-focus kay Claire. Sana magustuhan n'yo rin ito at masuportahan kagaya ng sa iba ko pang mga gawa! :)

Synopsis:

It's been three years since nagpakatanga ako para sa isang lalake. I promised myself na hindi na ulit ito mangyayari pero, katulad lang ng isang alcoholic or drug addict, nahaharap na naman ako sa isang similar situation. Ano ba ang kailangan gawin ng isang babae para makuha na niya ang happy ever after na kagaya ng nasa fairy tales? Mayroon nga bang isang Prince Charming na naghihintay para sa isang Claire Torres?

PREVIEW: FIRST PART OF CHAPTER ONE

October 30, 2017

It had been three years since my life turned into a big pile of cow shit. Nagpakalayo-layo ako para kalimutan ang mga nangyari at akala ko I have gotten over everything. Pero, ngayon na nakatayo ako sa labas ng Bonne View Condominium, nalaman ko na hindi pa rin ako completely okay. May malaking hole pa rin sa dibdib ko and I was still hurting deeply.

Hindi pa ako ready na harapin sila, ang mga kaibigan ko, pero I had to since one of them was getting married. Nang nag-email siya sa akin two months ago na gusto niya akong gawing bridesmaid sa kasal niya, I told her I was going. It was the least I could do for her dahil wala ako noong panahon na kailangan niya ako. I had issues to deal with then and I wasn't dealing with them well.

Binabagabag pa rin ako ng issues na iyon hanggang ngayon but I knew I had to keep it together, at least for two weeks, habang nasa Pilipinas ako. Babalik din naman agad ako sa States pero kailangan ko pa rin ipakita sa lahat na what they were seeing was a new me - Clarissa Anne Torres version two-point-o.

In a way, marami naman talaga ang naging pagbabago sa akin. I just wasn't sure if it was all for the better.

Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok ng condo. Relief washed over me nang wala akong nakitang kakilala habang papunta ako sa elevator at nabuo bigla ang kagustuhan ko na bumalik na lang sa airport at mag-book ng flight pauwi. I didn't consider this place as my home anymore and I was pretty sure na hindi na rin family ang tingin namin sa isa't-isa ng mga iniwan ko dito.

Still, pinindot ko ang eighteen sa panel ng elevator instead of fifteen. Might as well get it over with, ang sabi ko sa sarili ko. It's not like may kawala pa 'ko.

Nang narating ko na ang eighteenth floor at nilakad na ang maliit na distance sa pagitan ng elevator at ng unit na pupuntahan ko, nahuli ko ang sarili ko na nagwa-wonder kung ano kaya ang nangyari kung hindi ako umalis.

Mas magiging madali ba ang lahat kung sinubukan ko na ayusin dito ang problema ko? Masisira pa rin ba ang mga bagay na iningatan ko all these years kung nag-stay ako?

Bago pa ako magsimulang mag-regret sa hindi magagandang decisions na nagawa ko at sa mga bagay na nawala ko, kumatok na ako sa pinto. Ilang seconds lang ang dumaan bago ito bumukas at nagulat na lang ako nang nakita ang isang babae na hindi ko kilala sa kabilang side nito.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now