Chapter Thirty-Three

579 31 2
                                    

Chapter 33

ZAMIRA

“Rash, what on earth is this?”

“I told you already, I'm making things easier for you.”

“Really? For me? You tied me too to this damn chair! Where's the 'making things easier for me' huh? Or are you saying for this bitch to get a hold of me then soon throw to the police?”

Nagising ako dahil sa naririnig kong pagtatalo, ramdam ko ang pagkirot ng likod ng ulo ko at ang kabawasan ng paggalaw ng katawan ko. Nang imulat ko ang mata ko ay una kong nakita si Ashley na nakaupo sa harapan ko, isang dipa lang ang layo mula sa akin.

“H-hngg..” susubukan ko palang na igalaw ang kamay ko ng mapagtantong nakatali pala ito sa magkabilang braso ng upuang kinalalagyan ko.

“Oh, Zam! Finally you're awake, sorry for hitting your head..” si Rash na bahagyang tumungo para silipin ang mukha ko, may hawak siyang bandage at gunting. “I cleaned your wounds..” aniya ng mapansing nasa hawak niya ang paningin ko. Nang mabaling ang paningin ko sa malapit na lamesa ay natanaw ko ang ilan pang gamit pang linis ng sugat, tatlong bote ng mineral water, at isang supot na sa tingin ko'y naglalaman ng pagkain.

Hindi ako umimik at ipinikit lang ng mariin ang mata ko, iniinda ko pa ang sakit ng ulo ko.

“Hah! Look at this, it's morning already bitch.” rinig kong pasaring ni Ashley, purong pagkadisgusto ang naririnig ko sa boses nito.

Nang muli akong mag-angat ng paningin ay sa direksyon nito ko agad ibinaling ang atensyon ko, doon ko napansin na kagaya ko ay nakatali rin pala siya sa upuan, kung anong lagay ko ay ganoon rin siya.

Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya naman awtomatiko ako nitong tinaasan ng isang kilay, “Anong tini-tingin-tingin mo d'yan?”

Hindi ba't magkasabwat ang magkapatid na 'to? Ano't ganito rin ang ayos nito? Parang makikipaglaro ng pinoy henyo.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya bago ko siya inirapan, sunod kong binalingan si Rash na nag-a-ayos sa lamesa.

“Anong lugar to?..” mahina ang boses na tanong ko, sapat lang para makarating sa pandinig niya.

Nilingon ako nito at maliit na nginitian, “Please don't misunderstand, Zam. I'm not kidnapping you—— I mean it's not like what you think it is..”

“Are you stupid? It is kidnapping.” singit ni Ashley.

“Shut up. I'm doing all of these for the sake of peace.” pagod ang tono ng boses na anito. “We're just near your staying place, Zam. As you can see, tanaw mo dito ang hotel na tinutuluyan mo, look.” lumapit ito sa bintana at malaki ang ngiting itinuro ang direksyon ng hotel.

Tanaw ko nga mula rito ang building na pag-a-aari ni Diether, sa laki nito ay aakalain mong malapit lang ito, ngunit ang totoo ay malayo ito lalo na kung lalakarin lang. Pero kahit ganoon ay medyo napanatag ako sa isiping natatanaw ko ang pag-aari ni Diether, feeling ko ay malapit lang ako sa kaniya.

“Peace you said.” ismid ni Ashley, kalaunan ay tumahimik din ang paligid, na naputol din ng tumikhim si Rash.

“Listen girls, this is your time to have a closure. Pour what's on your mind now, let's fix things without hurting each ot——”

“Closure? What are we, ex-lovers? Ew.” pagputol ni Ashley at muli na namang umismid.

Mahina akong natawa, pagk'wan ay naiiling na nagsalita, “Fix things? Without hurting each other? Nakalimutan mo na bang muntik na 'kong mamatay dahil d'yan sa baliw mong kapatid? At wow, coming from you na kanina lang hinampas ako ng kung ano sa ulo ko.”

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now