Chapter Thirteen

961 44 4
                                    

Chapter 13

ZAMIRA

“Ano bang meron sa pagsabay sa'kin sa pagkain, ha?” tanong ko habang naghihiwa ng manok, “Nasa akin ba ang kanin at ulam? Ako ba ang may hawak ng kakainin mo?” saglit kong tinapunan ng tingin si Diether na nakapangalumbaba sa lamesang pinapanood akong magluto.

“Uh, right now, yes.” sagot niya, asar na tumaas lang ang isang gilid ng bibig ko sa kaniya. “And why I want to eat with you? Simply because, I want it.”

“Hindi pwedeng gusto mo lang, eh paano naman ako?” saad ko.

“Don't you like it? I mean, maraming nagkakandarapa d'yan makasabay lang ako sa paglalakad. Tapos ikaw, makakasabay mo 'ko sa pagkain, ayaw mo pa.” puno ng kayabangan na anito.

“Kaya kong lumamon kahit walang kasabay.” matabang na sagot ko, anong akala niya sa sarili niya? Diyamante?

“We're getting old, Zam. Dapat ay hindi na tayo nag-aaksaya ng panahon, dapat nagpapakasal na tayo at gumagawa ng maraming anak.”

“Lolo mo.” puno ng disgustong ani ko, “Magma-madre nalang ako. Atsaka ang layo mo sa usapan ah!”

Sumandal siya sa kahoy na inuupuan, “Don't you know that we almost did it?” naniningkit ang mga matang sambit niya.

Nagtatakang tiningnan ko lang siya.

“Back then. When I got home drunk, you carry me upstairs and that almost happen.” aniya na may pilit na pinupunto.

“Ha?” nangunot ang noo ko at pilit na inalala ang sinasabi niya.

“Whatever. You fell asleep that time, so I carry you to Dexter's room para paggising mo hindi awkward.” kibit-balikat niya.

Nang maalala ang sinasabi niya ay nag-init ang magkabilang pisngi ko, iyon yung akala ko ay panaginip. Half dream lang pala since sa panaginip ko ay akala ko natuloy, pero dahil sa sampal ng buwitring bata ay nagising ako at... nabitin.

“Ah.. Hindi ko maalala.” nagbaba ako ng paningin sa ginagayat ko.

“Don't mind it. You just past out while we're making out, no big deal.” ngisi niya. Naglapat lang ang mga ngipin ko para pigilan ang sarili na maipakain ng hilaw itong manok sa kaniya, pasmado ang bibig ng hinayupak na 'to.

“Sana kasi naaalala ko.” pasaring ko, binilisan ko na ang trabaho.

“Tch.” usal niya lang at nanahimik na. Hanggang sa pagkain ay hindi na niya inungkat pa iyon, which is ikinatuwa ko naman.

Pagtapos kumain ay nagpahinga siya sa salas, nakataas ang dalawang paa na naupo siya sa mahabang sofa at nanood ng TV.

“Sana lang h'wag ka ng mangielam sa problema ng boss ko.” nakahalukipkip na sabi ko, nakatayo ako at nakasandal sa frame ng pinto.

Tinapunan niya ako ng tingin, “You have my word.” sagot niya.

“Ayos 'yan.” tango ko at tumayo ng ayos. “I-lock mo nalang ulit ang pinto pag-alis mo, matutulog na 'ko.” dagdag ko pa at akma ng maglalakad paalis ng magsalita siya.

“Do you still love me?”

Sa tanong niya ay natigilan ako, pilit kong inapuhap ang sagot sa sarili ko. Ngunit bigo. “Baliw.”

“Please, give me some valid answer.” nakaharap na ito sa direksyon ko ngayon mula sa pagkakaupo niya, wala akong ibang makitang emosyon sa mga mata niya kundi kalungkutan.

“Galit ako, pero hindi ko alam kung kanino.” wala sa sariling naisaboses ko. “Maybe sa'yo, o sa sarili ko, o baka sa kapit-bahay ko?” huminga ako ng malalim at umiling, “Ewan ko sa sarili ko.”

“Zam..” sambit niya.

Nagkibit-balikat ako, “People change, at tao lang din ako.”

Nagbaba siya ng paningin at mahinang tumango-tango, wala siyang naging sagot hanggang sa maisipan ko ng iwan siya doon at matulog na sa kwarto.

Sa mga sumunod na araw ay hindi nagpakita sa akin si Diether, wala naman akong problema roon ngunit may isang parte sa akin na nag-aalala na baka nasaktan ko siya sa naging sagot ko. Pero ano bang pakielam ko kung magalit at masaktan siya? Sinaktan niya rin naman ako noon.

“Zam?”

Nagtaas ako ng paningin kay Elliot na nakapamulsang nakatayo sa harapan ko, “Sir?”

“I said, where's my schedule? You're spacing out.” nagtataka ang mga matang anito.

Umawang ang bibig ko, “Ah schedule, heto.” taranta kong iniabot sa kaniya ang Ipad.

Tinanggap niya iyon ngunit ang mga mata ay sa'kin parin nakatingin, “Lutang ka these past few days, is there something bothering you?”

Tipid akong ngumiti at umiling, “Wala, sir. Puyat lang.”

“You should sleep early.” aniya at tiningnan ang schedule niya, pagtapos ay agad niya na rin iyong ibinalik sa'kin. “By the way, the kids are home already. Want to take a visit?”

“S-sige. Bisitahin ko sila mamaya.” ngiti ko at naupo, nawe-weirduhan naman itong naglakad palayo sa'kin.

Argh. Kainis, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Ilang araw na akong wala sa sarili, hindi ako makapag-focus.




...



Daig ko pa ang lantang gulay ng makauwi ako sa bahay, gabi na at kagagaling ko lang sa bahay nila Elliot para bisitahin ang mga bata, heto at pagod na pagod ako.

Hilot ko ang batok na binuksan ko ang pinto ng bahay ko, binuhay ko ang ilaw sanhi para bumaha ang liwanag sa paligid. Saktong pagsara ko sa pintuan sa likod ko ay ang paglabas ng kung sino sa salas ko, halos mapatalon ako sa gulat dahil doon.

“Diether!” gulat na tawag ko rito, nang mapagmasdan ko ang ayos niya ay nangunot ang noo ko. “A-anong trip yan?”

Ilang araw siyang hindi nagpakita tapos ngayon susulpot siya sa harapan ko na ganiyan ang itsura? Magulo ang buhok, malalim ang mga mata na halatang kulang sa tulog, nakasuot rin siya ng sandong puti at boxer na may design na superman.

“You don't care! It's my life, gagawin ko ang gusto ko.” aniya at mas ginulo pa ang buhok.

Nangingiwing naglakad ako palapit sa kaniya, “Alam ko iyon, atsaka hindi naman kita pinakikialaman. Ang sa'kin lang ay bahay ko 'to, ano bang akala mo? Nasa bahay mo ikaw?”

“What? I don't care!” simangot na simangot ang mukha nito, pagk'wan ay tinalikuran niya ako at muli siyang pumasok sa salas.

Hindi ko nakita ang sasakyan niya sa labas kaya baka nag-taxi lang siya papunta rito. Sinundan ko siya kaya napagmasdan ko ang likuran niya, ganoon parin at maganda ang hubog, ngunit bukod sa tattoo niya sa kanan niyang braso ay mayroon na rin pala siya sa likuran niya.

Balak niya bang lagyan ng tattoo ang buo niyang katawan? At ano bang akala niya sa sarili niya? Preso?

Hindi naman sa pangit ang mga tattoo niya, pero kasi ang kinis ng balat niya, sayang.

“Ano bang nangyayari sa'yo?” tanong ko sa kaniya ng pasalampak siyang naupo sa sofa ko, ibinalot niya rin ang sarili sa kumot na nakilala kong sa akin. “At kumot ko ito ah, bakit nandito sa labas.” inis ko iyong hinigit mula sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot o maski tiningnan man lang.

“Seriously, anong problema mo?” kalmadong tanong ko at humarang sa harapan niya, mukha kasing may malaking problema ang isa 'to base na rin sa mga kilos niya.

Bumuga siya ng hangin bago nagtaas ng paningin sa'kin, “Nothing.”


© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now