Chapter Seven

1K 45 8
                                    

Chapter 7

ZAMIRA

Anong nangyari kay Ashley at sa anak nila? Hindi niya ba pinanagutan si Ashley?

Buong magdamag ay iyan ang iniisip ko, wala akong alam sa kung ano ang nangyari sa kanila dahil hindi naman na ako nakarinig ng kahit anong kwento sa kanila mula sa pamilya ko, which is pamilya rin ni Ashley.

Sobrang kuryosidad ang nararamdaman ko ngayon na tipong hindi ako makatulog, hindi ko rin kasi iyon itinanong kay Diether since pinangatawanan ko talaga ang pagpapanggap na wala akong maalala.

Kung itatanong ko iyon ay malamang na malalaman niyang nagsisinungaling lang ako. Mas mabuti pang mamatay ako sa kakahanap ng magiging sagot sa mga katanungan ko kaysa naman muli pang mapalapit sa kanya.

Umupo ako at inabot ang cellphone ko, sana lang ay gising pa ngayon si Elliot. Sinimulan ko ng tawagan ang numero niya, tatlong ring ang lumipas at sinagot na nga ito mula sa kabilang linya.

“Zam?” boses nito na tila busy pa sa ginagawa, malamang na ginagawa niya ang trabahong dapat ay tinapos na niya kanina sa office.

“Hello..” mahinang bati ko at sumandal sa headboard ng kama. “Elliot, hindi ba p'wedeng bumalik nalang kami d'yan? Kahit sa bahay mo nalang kami magtago, hindi ko ilalabas si Frigid.” bugang hangin ko at tumingin sa kawalan, naalala ko si Diether, taga dito na pala ang ulikba na 'yon.

“Zam, kung p'wede rito edi sana hindi ko na kayo pinalayo. Come on, give me more time to solve this.” sagot niya sa kabilang linya, hula ko ay napapa-sintido na siya.

“Oh siya sige, pero kasi..” ang binabalak kong pagsusumbong tungkol sa pagpapakita sa'kin ni Diether ay naputol. Hindi niya nga pala alam ang nangyari sa'min, baka kapag nalaman niya ang nangyari sa'min ni Diether sa nakaraan ay ibenta niya pa ako sa lalaking 'yon para lang sa kapakanan ng negosyo niya.

Iyon pa ba? Eh madugas 'yon.

“Kasi? What?”

“Ah, wala. Goodnight nalang.” sambit ko at humikab.

“Goodnight, take care all of you.” aniya at humalik sa hangin, napahagikgik tuloy ako. Epal 'to, napaka-pa-fall!

Nang maputol ang linya'y bumalik ako sa pagtulala sa kawalan, iniisip ko ang mga possibilidad na nangyari kila Diether at Ashley.

Siguro nga ay hindi pinanagutan ni Diether si Ashley. Oh baka naman, sinusustentuhan niya lang ang bata?

Pero teka, sabi niya kaninang umaga ay mahal niya parin ako! Kaya niya ba nagawa iyon sa mag-ina niya ay dahil hinihintay niya ang pagbabalik ko? Paano siya nakakasiguro na babalik pa nga ako noong mga panahong 'yon?

Sinabunutan ko ang sarili at agad na isinubsob ang mukha sa unan, bakit ba iniisip ko pa ito? Anong pakielaman ko kung wala siyang pamilya at single parin? Anong pakielaman ko kung mas lalo siyang gumwapo? Anong paki ko sa kanya?

“Wala akong pakielam sa'yo saging!” hiyaw ko, um-echo ang boses ko sa bawat sulok nitong kwartong kinalalagyan ko. Saging, kung bakit naman kasi nagpakita pa siya. Ginugulo niya lang ang pag-iisip ko!

Pulos kagaguhan lang naman ang ibinigay niya sa'kin, walang dapat panghinayangan sa mga 'yon kung itutuloy ko ang ginagawa ko ngayong paglimot sa kanya.

Kapag nakaalis na kami rito ay paniguradong hindi na muli kami magkikita, hindi na dahil luluhod ako sa simbahan sa quiapo at ipagdadasal na huwag ng magsalubong ang mga landas namin.






...




DIETHER

“Be friends with them, son. Come on!” we're here at Zam's house, well we're outside their gate and I can see her children playing. Isinama ko talaga si Dexter para kaibigan ang mga anak niya, I mean what can I do? I want to see her.

“Don't call me son!” he replied, his forehead creased.

“Just be friends with them, go.” I motion him to call the kids and asked them to play with him.

He rolled his eyes, “Give me back my phone after this.”

“I will.” I grin.

Ang buo kong atensyon ay nakabaling sa front door, I'm waiting for Zamira to show up. I want to greet her a good morning and have a long talk with her. I'm imagining it right now.

“We're not playing with strangers, sorry.”

Naagaw ang pansin ko ng marinig iyon galing sa batang lalaki, Dexter is looking at him full of disgust.

“That's why I'm introducing myself. Now, play with me!” Dexter ordered.

I face palm, kahit kung ako ang nasa kalagayan ng batang lalaking kausap niya ay hindi ako makikipaglaro sa kanya. Might as well punch his face because of ordering around me, I'm born to be the ruler not a servant.

I was about to go near them when the little girl stepped in, “Bakit siga ka ha? May laruan ka bang dala?” I'm a little bit surprised, nakuha niya ang ugali ni Zammy!

“That doesn't matter. I'm sure you two have so many toys, I just want a friend.” I'm relief, kumalma na ang boses ni Dexter hindi katulad kanina.

Nagkatinginan ang dalawang bata sa loob na tila nag-uusap gamit lamang ang kanilang mga isip, lumipas ang ilang minuto bago nila lapitan ang gwardiya na pinapanood lang din sila kanina.

“Oh, pasok ka na.” the little girl said, ang gwardiya ang nagbukas ng gate.

A wide grin spread through my face, Dexter did it! Palagi ko na siyang dadalhin rito. Bago pa man makapasok sa loob si Dexter ay nilingon pa ako nito, he has this boyish smirk in his face. Parang pinapa-alam niya sa akin na sigurado ng makukuha niya sa'kin ang cellphone niya mamaya.

And as a good father, of course, I won't give it back. Not yet, baka kasi hindi na siya sumama sa'kin dito sa mga susunod pang araw.

Oh, god. I skipped work just to came here, I even lied to Dexter's teacher that he is sick and will have a one week leave.

“Let's go inside and bring out all our toys.” the boy announced.

Napangiti ako habang pinapanood silang sama-samang naglalakad papasok sa loob ng bahay, that's right son, be friends with them.

“Sir, ano po'ng kailangan nila?” the guard asked. Napatingin ako dito, napatitig.

Napagtanto kong nakalapit na pala ako sa gate at nakatanghod nalang sa kanila, tila ako preso na naghihimas ng malamig na rehas.

Oh shoot, I realized that I'm still outside. Nasa labas ako samantalang nasa loob na si Dexter, malamang na una niyang makikita si Zam. Fuck, what am I still doing here? Dapat ay nasa loob na rin ako!

“Let me in, I'm playing with them as well.” sabi ko sa gwardiya na kinunutan lang ako ng noo at mahinang tinawanan.

I tsked, not funny.


© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon